Chapter 23: THE BIGINING

941 34 0
                                    

.
Tatlong Buwan at dalawang linggo na kaming nagsasanay sa East High. Lahat ng tinuro sa amin ni maestro ay nakatulong sa amin upang mapalakas kami at malabas ang aming mga kapangyarihan.

Ang mga nangyayari sa labas ay nalalaman namin lahat, ang paglusob ng mga alagad ng may hawak ng kwintas sa San Francisco na ngayon ay naging Hunted town na kagaya ng San Fernando na una nilang nilusob. Ngayon ang mga tao naman na naninirahan sa aming lugar sa San Bautista ay nilikas na sa tagong basement ng aming Mansyon para mailigtas lang. Nagkakaisa ang mga tao at bampira na puksain lahat ng alagad ng may hawak ng kwintas ngunit hindi parin kaya ng mga tao  kaya tinago sila sa basement. Nawasak na din ang ibang mga kabahayan sa San bautista at isang kagimbal-gimbal na balita ang aming nalaman.

"Mahal na prinsipe at mahal na prinsesa, ito po ang pinadalang sulat ng Hari at Rayna." Wika ng isang kawal na ipinadala ng Hari't Reyna uoang ipadala ang isang sulat sa amin.

"Maraming salamat!" Sabi ni Silver saka kinuha ang sulat.

Binasa niya ang sulat ngunit habang binabasa niya ito nagiiba ang reaksyon ng kanyang muka at hindi ako natutuwa doon.

"S-si Maestra Xandia P-patay na siya!"

Tila nakakabinging alingawngaw ang mga katagang salita na lumabas mula sa bibig ni Silver.

"H-hindi pe-pwede.....hindi maaring mangyari iyon mama, mama.....mama!" Humahagos na ako ng iyak. Hindi ko kayang tanggapin ang mga sinabi ni Silver, ang balitang nalaman ko na gumimbal sa buo kong katawan.

"Mahal na prinsipe at prinsesa,Zack at kira, maaari na kayong makalabas ng East High dahil kinakailangan na kayo ng buong San Bautista, hanggang ngayon hindi pa po natin kilala kung sino ang may hawak ng kwintas kaya kailangan niyo ng alamin kung sino siya! Siya ang pumatay kay Maestra!"

Kumulo ang dugo ko sa sinabi ng kawal naginit ang aking mga kamay at naramdaman ko ang kapangyarihan ko na lalong lumakas dahil sa galit ko. Umapoy ang aking mga kamay at unti-unti kong pinakawalan ang mga apoy na bola sa aking mga kamay. Buti nalang at aa may fountain ko ito tumama kaya yon ang nasira.

"Hindi na ako papayag na may mamatay pang ibang inosente dahil lang sa hayop na yon!" Sigaw ko na umalingawngaw sa buong East High.

                               *---*

Bukas ng gabi ang huling kabilugan ng buwan ang nakatakdang pagsiklab ng Digmaan. Digmaan na magdudulot ng matinding kasakiman at paglaganap ng kamatayan.

Ngayon kasalukuyan naming pinapatay ang mga masasamang alagad na sumasalakay dito sa kaharian. Sinugod ng isang kalaban si Kira, sasaksakin na sana siya ngunit buti nalang at napigilan niya. Naunahan niya ito at hiniwa ang kanyang katawan na gamit ang katanan binigay sa kanya ni Maestro.
Si Silver gimit naman niya ang pana upang patayin ang tatlong pangahas na kalaban na gustong pasukin ang pintuan.

Nagulat ako ng ng biglang pagtingin ko sa aking kaliwa ay isang kalaban na may hawak na baril na ang papalapit sa akin at tantya ko na hindi ko na siya maiiwasan dahil malapit na siya. Sa isang iglap may yumakap sa akin at isang putok ng baril ang tumunog. Napamulat ang aking mga mata at nakitakong nasalikod na ako. Nakabulagta ang lalaking may gustong patayin ako at nasa harapan ko na si Zack.

"Wag ka munang magpapapatay dahil pakakasalan pa kita." Seryosong sambit ni Zack.

Nananaginip ba ako o sadyang sira na yung tenga ko dahil baka guniguni ko lang ang narinig ko. Ayan ang nakakainis sa sa kanya bumabanat nanaman. Nagkakagulo na ngalang nagawa pang lumandi ang gagu.

Wala pa talaga akong balak sagutin siya dahil hindi ko alam ang dahilan. Hindi ako babaliw kung iniisip niyo pero yung talaga eh wala akong dahilan kung bakit ayaw ko siyang sagutin. Oo gusto ko na siya ay hindi mahal ko na siya, hindi ko nga alam kung bakit ganon sa kadaling mahalin siguro dahil nagpakatotoo siya sa kanyang nararamdaman. Pinakita niyang nagbago na siya at pinakita ang totoong soya.

Isang istrahero ang dumating at siyay nakatalukbong ng kulay itim kaya natatakpan ang kanyang muka. May kasama siya na dalawang lalaki.

"Humanda na kayo sa aming paglusob bukas ng gabi dahil sisiguraduhin kong pupuksain ko ang mga lahi niyo at pamumunuan ko ang buong mundo!" Isang nakakatakot na boses ang limabas mula sa istrangherong dumating saka siya naglaho ng parang bula.

Kinabahan ako sa mga pinagsasabi niya pero sigurado akong hindi namin hahayaang mangyari ang mga sinabi niya. Hindi namin hahayain na maghari ang kasamaan at ngayon nagpakita siya sa amin ngunit hindi namin alam kung sino ba talaga siya.

"Halina kayo pumasok na tayo sa loob!" Maotoridad na sabi ni kuya Xander.

"Mabuti pa nga kuya!" Pagsangayon ko naman sa kanya.

Tumungo na kami sa loob ng mansyon. Naabutan namin ang mahal na hari at reyna sa loob na bakas sa kanilang muka ang pagaalala.

"Mga anak, ayos lang ba kayo!?" Nanginginig ang boses ni mom. Niyakap niya kami ng sabay at saka siya umiyak."Mga anak, kahit anong mangyari protektahan niyo ang buong San Bautista, kailangan nating matalo -----"

"Mom/mahal na reyna!" sabay naming sigaw. Bumagsak sa sahig si mom, dumudugo ang kanyang bunganga pati narin ang kanyang dibdib.

Ang aking mga mga luha ay tumulo at ang aking mga kamao ay nagkuyom. Unti-unti akong napaupo sa tabi ni mom, iniangat ko ang kanyang ulo at pinatong sa aking binti at niyugyog ko siya.

"Mom.....mom.......mom..... mom.....gising wag mo naman kami biruin ng ganito!" Sabi ko at hindi parin ako tumigil sa kakaiyak.

"Mom, ang daya mo naman eh bakit naman ganyan!" Sabi naman ni Kuya Xander.

"Mahal, mahal gising kana mahal! Huwag mo naman kaming takutin oh mahal!" Si Dad ay lumuha pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Ahahaha, kawawa naman kayo! Nababagay lang sa kaniya yan ahahaha!" Pamilyar na boses ang aming narinig. Siya yung babae na may hawak ng kwintas.

"Walang hiya ka talaga dimonyo ka! Wala kang awa !" Sigaw ni Silver saka niya pinatamaan ng bala ng pana ngunit nasira na ito bago pa tumama ang bala sa babae.

"Ahahaha puro kayo walang silbe, pati ang reyna hindi niyo pa nagawang protektahan pano niyo proprotektahan ang buong San Bautista kung ang reyna mismo hindi niyo naisalba!"

"Bakit mo ba ito ginagawa! Hindi pa ba sapat ang mga inosenteng nadamay dahil lang sa kasakan mo!" Sigaw ko at ngumisi lang siya.

"Bakit ako maaawa eh sino ba sila hindi ko naman sila kaano-ano!"
Saka siya tumawa ng malakas."sige aalis na ako para naman makapagluksa kayo ahahahaha!"

Umalis siya ng parang walang ginawang kahayupan. Lalong sumidhi ang aking galit sa babaeng iyon at lalong gusto ko siyang patayin sa aking mga kamay at pahirapan. Gagawin ko lahat para matalo ang babaeng iyon, para matigil na ang kaguluhang ito.

I Have A Vampire Blood (Completed)Where stories live. Discover now