Chapter 24: THE FINAL

921 37 0
                                    

Binuhat nila kuya ang katawan ni mom sa loob ng isang kwarto. Sinuotan namin siya ng kanyang pinaka magandang damit at ni-makeup-an pa namin siya. Pagkatapos ay nilagay namin siya sa pulang kabaong kagaya ng kay mama.

Mahirap man ay pilit kong tatanggapin na wala na talaga si mom at magkasunod atalaga silang nawala ni mama. Nagpapasalamat ako dahil kahit sa konting panahon lang ay nalaman ko na siya ang magulang ko, na siya ang tunay kong ina. Sa konting panahon na iyon napadama niya sa akin kung pano siya magmahal bilang isang ina sa akin sa amin.

" Paalam mom sana kung nasaan ka man sana ay masaya ka!" Hagulgol na bigkas ko.

Sa hinukay nilang butas habang binababa nila ang kabaong na kinalalagyan ni mom ay naghahagis kami ng mga bulaklak sa ibabaw. Patuloy lang ang pagagos ng aming mga luha habang ninanamnam ang hapdi at sakit ng brutal niyang pagkawala.

Una si mama tapos ngayon ay si mom naman, hindi pa kaya siya nakukuntento sa mga ginawa niya. Ilan pa kayang buhay ang kukunin niya para lang makuha ang gusto niya. Ilang pabang mga inosente ang madadamay dahil sa kaguluhang kagagawan niya.

Kinabukasan ang mga mata ko ay mugto at namamaga dahil sa kaiiyak ko. Ang aking pakiram ay parang durog na durog na dahil sa sakit na nadarama. Ang tanging naiisip na paraan ay patayin ang babaeng may hawak ng kwintas. Maghihiganti ako sa mga ginawa niya.

                                *---*

Lahat ng kakailanganin naming mga armas ay hinanda na namin. Ang mga tao at bampira ay sinigurado naming ligtas. Ang mga kawalay naghanda narin at binabantayan ang wasak na wasak na pader na humaharang sa mansyon.

"Mga anak, Kira, Zack, kaya nalang ang inaasaahan ng buong mundo! Gawin niyo ang lahat para mawakasan na'to!" Bakas sa boses ni dad ang takot."Magiingat kayo!"

" Sige dad!" Sagot ni silver.

Lumabas na kami ng mansyon at sa labas doon namin hihintayin na gumabi at magbabantay na din kami. Dumating ang tanghali na wala kahit anong kaguluhan ang nangyari. Hapon na at unti-unting ng dumarating ang kalaban at inaatake kami. Pilit nilang gustong pasukin ang mansyon buti at napipigilan namin. Gamit ang kapangyarihang yelo ni Silver pinatamaan niya ng matutulis na yelo ang mga kalaban. Ako naman gamit ang kapangyarihan kong apoy at pinatamaan ko ang mga kalaban ng mga apoy na bola. Si Zack pinataman naman niya ng bala ng baril ang isang kalaban na sana ay aatakihin siya pati narin ang isa na balak pang pumasok sa loob ng mansyon.

Dumating na ang gabi at ang buwan ay lumalabas na. Hating gabi ng unti-unting ang buwan ay naging kulay pula na hidyat ng digmaan. Ang babaeng may hawak ng kwintas ay dumating na.

"Ngayon magsisimula ang totoong laban!" Buong lakas na sigaw niya. Ang kanyang balabal ay kanyang tinanggal at nasilayan namin ang kanyang muka. "Ito ang magiging katapusan niyo!"

"Hindi kami magtatapos dahil ikaw ang mamamatay!" Sigaw ko.

"Kung kakayanin niyo ako!" Tumawa siya ng malakas.

"Alexa, magbabayad ka sa mga kasalanang ginawa mo!" Si kuya Xander ang nagsalita tinawanan lang siya ni Xandra.

Hindi namin namalayan si kuya Xander naging Bampira na at sinugod si alexa, ang may hawak ng Evil Darkness. Bago pa masaksak ni kuya Xander si alexa at ginamit na niAlexa ang kapangyarihan niya. Isang maitim na usok ang lumabas at ito ang sumakal sa leeg ni kuya at tumilapon sa padaer. Sa sobrang lakas ng pagtulapon ay nawasak pa ang pader.

"Kuya Xander!" Sabay na sigaw naming lahat.

"Wala ka talagang puso, alexa!" Sigaw nama ni Zack at pinatamaan ng bala si Alexa ngunit lumihis lang ito.

I Have A Vampire Blood (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon