Chapter 15

560 20 0
                                    

Kaylee' POV

Pagtingin ko sa alarm clock na nasa table na katabi ng kama ko. It's already 7 PM in the evening. Ilang oras akong tulog? Si Caleb ba ang naghatid sa'kin dito sa bahay? Mukhang siya nga dahil sa pagkakaalala ko ay nahimatay ako. Nakaramdam uli ako ng hilo at parang gusto kong maduwal!


Bigla namang nag ring yung phone ko sa ibabaw ng table. Buti na lang pati ang cellphone ko ay andito.

"Who's this?" Agad kong tanong nang hindi man lang tinignan kung sino ang caller. Ilang saglit na katahimikan bago ito magsalita na siyang ikinagulat ko. After how many years. Narinig ko uli ang boses niya.



"Hello my dearest twin sister. How are you with him?" Humalakhak pa ito na parang may masamang balak.



"You planned all this?" Hindi makapaniwalang tanong ko.




"I'm so smart, right?"



"Ano pa bang gusto mo Haylee?! Bakit mo 'to ginagawa sa'kin?!" Humalakhak muli ito at nagsalita na ikinapanlumo ko.



"I want you.." she paused. "to die." And she ended the call. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko maisip na ganon katindi ang galit sa'kin ng sarili kong kapatid na dadating sa puntong gusto niyang mamatay na ako. Ibig sabihin planado niya ang lahat ng ito? Hindi ako makapaniwalang kaya niyang maging kriminal para lang mawala ako sa landas niya. Nandamay pa talaga siya ng ibang tao para sa sarili niyang kagustuhan.

"M-om.. D-ad.." Garalgal na sabi ko sa kalagitnaan ng hikbi.


"Haylee." Baritonong boses nito. Pinunasan ko ang pisngi ko at tumingin sa pinangalingan ng boses, si Caleb na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko.


"A-nong kailangan mo?" Kinakabahan kong tanong.  Lalo itong lumapit sakit at walang ano-ano'y may ibinato siyang paper bag at umalis na rin. Nagulat naman ako sa ikinilos nito. Tinignan ko naman ang laman ng paper bag. Nagulat ako dahil mga gamot ito. Saan ko naman ito gagamitin? Mukha ba akong may sakit? Napailing na lang ako at napagpasyahang matulog na lang uli dahil ang sama sama ng pakiramdam ko.

-----

*ack* *ack*

Mabilis akong tumayo sa kama pagkagising ko at dumiretso sa banyo dahil naduduwal ako!
Naghilamos naman ako pagkatapos at bumalik sa pagkakahiga sa kama dahil nakaramdam na naman ako ng hilo.

Malabo itong iniisip ko. Hindi mangyayari 'yon. Kumbinsi ko sa sarili ko dahil sa naiisip ko. Pero paano na lang kung tama nga ang iniisip ko? Hindi ako inosente para hindi malaman kung bakit ganito ang nangyayari sa'kin dahil mga symptoms na ito.

Sa huli, nakapagdesisyon ako para masigurado kung tama ang iniisip ko.


Kinakabahan ako sa magiging resulta. Andito ako ngayon sa banyo ng kwarto ko. May hawak-hawak na PT. Dalawa pa ang binili ko para sigurado. Mabuti na lang at wala kanina si Caleb kaya saglit akong nakaalis ng bahay.



"Omygoodness..." Natutop ko ang sarili kong bibig nang makita ang resulta sa dalawang PT na hawak ko.



"T-his c-an't b-e r-eal..."



Tulala ako habang nandito sa veranda sa may kwarto ko at nakatingin sa malayo. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit dahil sa nalaman kong resulta. Pero sa huli ay napagdesisyunan ko na ring tanggapin. Pero hinding-hindi ito malalaman ni Caleb dahil baka mapahamak pa ang anak ko. Oo, anak ko dahil kahit kailan ay hinding-hindi ko ipapakilalang ama siya nito. Wala siyang karapatang maging ama dahil napakasama niyang tao. Kailangan ko ng maging matapang dahil may sanggol na nasa sinapupunan ko. Hinding-hindi ko hahayaang pati siya ay masaktan ng demonyo niyang ama.


Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ng shorts ko. Dinial ko ang number ng taong makakatulong sa'kin. Hindi ito ang tamang panahon para pairalin ko ang pride ko. Kailangan kong makagawa ng paraan para makawala sa poder ni Caleb.


"Hello." Sambit ko nang masagot ang tawag ko ng taong tinawagan ko.




"Who is this?" Baritonong tanong ng nasa kabilang linya.




"This is Kaylee." Hindi naman agad nakapagsalita ang nasa kabilang linya. Akala ko patay na ang tawag nang magsalita muli ito.



"Sa wakas, anak.." Ani nito na para bang ang boses niya'y puno ng pangungulila.




"T-ito.." I paused. "I n-eed your help.." Kinakabahan at nahihiyang sambit ko.

Sister Rivalry [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon