Chapter 23

512 19 1
                                    

Kaylee's POV

Baby i don't need your love, stay away from me🎶

Nagising naman ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sino ba itong tumatawag na 'to ng ganito kaaga? Mabilis kong kinuha sa table na katabi ng kama ko yung cellphone ko at mabilis na sinagot ang tawag nang hindi man lang nag-abalang tignan kung sino ang caller.

"Hello." Sagot ko dito na antok na antok pa din ang boses pero ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring sumasagot sa kabilang linya.

"Hello?" Ulit ko baka nawalan lang ng signal sa kabilang linya. Puputulin ko na sana ang tawag nang magsalita ang nasa kabilang linya.

"Is this Kaylee Andrada?" Tanong ng nasa kabilang linya. Andrada ang ginagamit kong apelyido kahit hindi pa kami kasal ni Connor dahil ayokong maging kilala dahil lang sa apelyido ng aking mga magulang. Gusto ko rin magtago gamit ang apelyido ni Connor para hindi ako madaling mahanap.

"Yes? Who's this?" Pero wala nang sumagot. Pagtingin ko sa phone ko ay naputol na ang tawag. Bigla naman akong kinabahan kaya napabangon na ako. Pagtingin ko naman sa kama ni Connor ay wala na ito dito. Tinignan ko naman sa cellphone ko kung anong oras na, it's 7 in the morning. Ginawa ko muna ang morning rituals ko bago lumabas ng kwarto at bumaba.

Nakita ko naman agad ang dalawa. Si Connor na bihis na bihis habang kumakain kasama ang napakaganda kong anak habang bibong bibo na kumakain.

"Aba hindi ako hinintay." Kunwari'y pagtatampo ko nang makalapit at hinalikan silang dalawa sa pisngi. "Good morning." Nakangiti kong bati sa dalawa.

"Good morning mommy." Nakangiting sagot sa'kin ni Scarlet at nagpatuloy na sa pagkain.

"Good morning, honey. Hindi na kita ginising dahil ang himbing ng tulog mo." Sagot ni Connor nang matapos nitong malunok ang kinakain. Tumango naman ako at kumuha na ng pagkain.

"Papasok ka nga pala? Pupunta kami sa supermarket mamaya after this."

"Ah yeah. May aasikasuhin kasi ako sa office ngayon. Gusto mo ba samahan ko muna kayo?"

Ngumiti naman ako. "Wag na kaya naman namin."

"Dapat pala kumuha ako ng driver para s----"

Pinutol ko naman ito. "Kaya ko naman. No need to worry, Connor." Pangungumbinsi ko rito.

"Okay sige basta mag-iingat kayo. Tawagan mo agad ako kapag may problema." Tumango naman ako at ngumiti. Pinilit ko kasi na wag ng kumuha ng maids at driver si Connor dahil kaya ko naman ang lahat. At gusto ko ako mismo ang mag-aalaga sa anak ko at sa kanya.

***********

"Mommy, I'll go there. I want marshmallow po 'e." Paalam ni Scarlet habang busy akong kumukuha ng mga prutas.

"Okay baby pero wag lalayo, okay?" And I patted her head.

"Aye aye mommy!!" Ngiting-ngiti ito at patakbong umalis.

"There you ar---" Nang mahawakan ko ang mangga ay may kamay din ditong humawak. Napatingin naman ako sa nagmamay-ari ng kamay. Hindi ko ito mamukhaan dahil naka-cap ito at nakatingin sa manggang hawak naming dalawa.

"Excuse me? I was the--"

"Kaylee..." Halos maistatwa ako nang magsalita ito. No.., no, this can't be! Parang nagi-slow mo naman ang paglingon nito sa'kin!

"Mommy! I got my marshmallow!!" Nalipat ang tingin ko kay Scarlet na nakahawak sa legs ko at may dalang napakaraming marshmallow.

"Hey mister! Why are you holding my momma's hand?" Lumipat naman ang tingin nito sa lalaking nasa harap namin. Mabilis ko namang binawi ang kamay ko at hinawakan si Scarlet sa isa nitong kamay.

"Let's go baby." Mabilis kong itinulak ang cart na puno ng mga pagkain at nakailang hakbang pa lamang ako nang may kamay na humawak sa bewang ko kaya napahinto ako!

"Mommy, what's wrong?" Tanong ni Scarlet ng huminto ako.

"Hey! It's you again mister. What do you want from momma!?" Humarap ito sa likuran at tinabig nito ang kamay na nakahawak sa bewang ko.

"Let's talk, Kaylee." Malakas na bumuntong-hininga ako at humarap sa'kanya. Dahan-dahan naman nitong tinanggal ang cap niya!

"Momma! He looks like me!" Kinabahan naman ako nang sabihin iyon ng anak ko! Ito ang ikinatatakot ko!

Yumuko naman ako para maging katapat ang anak ko."Scarlet baby, kumuha ka ng mga  chocolates na gusto mo, okay? Mommy will wait you here." Mahinahon kong sabi dito para hindi marinig ang usapan namin.

Ngumiti naman ito ng malapad. "Okay mommy!!!" Ti-nap ko naman ng mahina ang ulo nito. "Good girl." Mabilis naman itong tumakbo papunta sa chocolates section.

Umayos ako ng tayo at matapang siyang hinarap. "Anong kailangan mo? Kilala ba kita?" Diretso kong tanong dito, seryoso naman ang mga titig nito sa'kin.

"I know that you already know me. Can we just talk?"

"Just direct to the point. Mahalaga ang oras ko."

"I knew everything. Could you give me a chance to explain? And I wanna say sorry for everything." Akmang hahawakan niya ako nang ilayo ko ang sarili ko. Akala niya ba ganon ganon lang kadali iyon?

"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo." Pagmamatigas ko.

"Don't play around, Kay. You knew what I'm saying."

"No. First of all, I don't know you. Second, does your wife knew about what you were doing? You already have a wife, right? Third, are you following me?"

Ilang segundo bago ito sumagot. "I want to clarify things with y---"

Ngumiti ako. "You don't have to because in the first place you weren't been part of my life." Seryosong saad sakanya at tuluyan ko na siyang tinalikuran pero bago pa ako makalayo ay nagsalita muli ito dahilan para lalo akong kabahan.



"Stop denying it because if my presumptions is right, I'll do anything to get you back."

Sister Rivalry [Under Editing]Where stories live. Discover now