Chapter 22

518 18 2
                                    

Kaylee's POV

"Uwi na tayo Connor." Hinawakan ko sa kamay si Connor na karga-karga na ang tulog na si Scarlet. Nakatulog ito kakalaro sa cellphone ni Connor.


Napatingin naman ito sa'kin na kanina'y abala sa paglilibot ng tingin niya sa paligid. "Why, sweetheart? Hindi pa nagsisimula ang party." Aniya na pinisil ng marahan ang kamay ko.


"Basta gusto ko ng umuwi." Pagpupumilit ko dahil nakakaramdam ako ng kaba na at hindi ko maipaliwanag. Kanina kasi'y pakiramdam ko ay may nakamasid sa'kin. 'O baka naman nag o-overthink lang ako. Pero mas okay ng magdoble ingat. 


"Alrght. Let's go." Binuhat niya naman si Scarlet at hinawakan ako sa kamay. Hawak-kamay kaming lumabas ng hotel.

**************

"Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito pagkapatay ng makina ng kotse.


Umiling ako. "Ewan. I felt something weird."  Hinaplos niya naman ng marahan ang pisngi ko. "Nago-overthink ka na naman, hon." Sabi nito.


"Gusto ko na lang matulog." Connor nodded and we got out of the car. When we entered the house we went straight to Scarlet's room. Connor carefully laid my daughter on her bed and slept soundly.


Connor put one of his arms around my waist and led me out of Scarlet's room. Pumasok na kami ng kwarto naming dalawa. Binitawan niya naman ang bewang ko at umupo siya sa kama niya. Ganoon din ang ginawa ko. Bale magkatapat na kaming dalawa ngayon. Ang kama kasi namin ay magkahiwalay at may space ito sa gitna.


Pumaibabaw saming dalawa ang katahimikan, at nakatitig lang ito sa'kin. Bigla naman akong nakaramdam ng akward.


"Magkagalit ba kayo ni Haylee?" Siya na mismo ang bumasag ng katahimikan namin. Nag-iwas naman ako ng tingin.


"Yeah." Yun na lang ang nasabi ko dahil yun naman ang totoo. Pero alam kong galit talaga ito sakin. Ayoko na rin siya pag-usapan dahil masama ang loob ko sa'kanya. Dahil sakanya, nagulo ang tahimik kong buhay.


"Why? What happened?" 


"Hindi ko rin alam. Malayo naman na talaga ang loob niya sakin noon pa. Mas lalong lumayo ito nang maaksidente ang mga magulang namin." Bigla namang sumakit ang ulo ko.


"Did you still know him?" Nagtaka naman ako sa tanong nito.


"Ha? Sino ang tinutukoy mo?"


"Wala. Ano ba talaga ang nangyari 10 years ago? Simula nang maaksidente sila tito at tita ay pareho kayong nawala ni Haylee."


"Gusto ko lang lumayo para wala ng gulo pero hindi ko alam na sa paglayo ko ay lalong magugulo ang buhay ko."


He took a deep breath and hold my both hand. "I'm sorry that I wasn't there for you when you went through those days." Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nito.


"Please. Can you tell me everything. I want to know everything.." He paused.. "from the past..."


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko isama mo pa ang seryosong mukha ni Connor. Matagal na panahon ko nang itinatago ang nangyari noon at hindi man lang sinabi sa'kanya dahil gusto kong kalimutan na lang lahat.


"I'm sleepy, Connor," Pag-iiwas ko sakanya. Hindi niya naman binibitawan ang mga kamay ko.


"I know you're not, let's talk about it."


Bumuntong-hininga naman ako. Mukhang wala na akong takas sa'kanya.


"Ano bang gusto mong malaman?"


"Lahat." Mabilis nitong sagot.


"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula."


"Sino ang tatay ni Scarlet?" Seryosong tanong nito na hindi man lang iniiwas ang tingin. Hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon.


Napa-iwas muli ako ng tingin. "Tell me Kay. I just really want to know everything. Maybe this is the right time na kailangan ko nang malaman ang lahat." Totoo ito. Alam ni Connor na ayoko pang buksan ang issue tungkol sa nangyari sa'kin dati kaya hindi niya ako pinipilit na sabihin ko sa'kanya ang nangyari sa'kin noon.


Siguro nga karapatan niyang malaman ang lahat dahil sa kabila ng lahat siya ang nasa tabi ko noong panahon na wala akong malapitan. Siya ang nasa tabi ko noong mga oras na halos gusto ko na lang mawala para makatakas sa katotohanan. 


Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago magsalita. "S-i C-aleb..." Parang hirap na hirap akong bigkasin ang pangalan ng walang modong lalaking 'yon pero wala na akong nararamdamang galit sa'kanya. Hindi niya kasalanan na pinagkamalan niyang ako si Haylee kahit siguro sinong tao ang nasa posisyon niya ay magsasarado ang utak dahil sa galit at sakit na nararamdaman nito.


"What? You mean Caleb Logan?" Rumihestro ang gulat sa mukha ni Connor pero agad naman niya itong binawi.


Umiwas na naman ako ng tingin. "Napagkamalan niyang ako si Haylee. Matagal niyang hinanap si Haylee dahil may malaking kasalanan daw ito.." Tumingala ako at pumikit. "Pinatay ni Haylee ang mga magulag nito pero hindi ko maintindihan kung bakit ako ang nahanap niya. Tapos one day nalaman ko na lang na sinet up ni Haylee ang lahat. I tried to tell him that I'm Kaylee pero hindi siya naniwala. Siguro'y sarado ang utak niya dahil sa galit. Kaya napagpasyahan kong mag stay, nagbabaka-sakaling malaman ko ang totoo. Pero hindi naging madali iyon. Sinasaktan niya ako, pinagbuhatan niya ng kamay and worst.." Ibinalik ko kay Connor ang tingin ko na seryoso namang nakatingin din sa'kin. "Pinakasalan niya ako para gawin ang gusto niya sakin..." Diretso kong sabi na hindi man lang iniiwas ang tingin sa kanya.


Tahimik lang din siyang nakipagtitigan. Maya-maya'y tumayo siya at lumapit sa'kin para tumabi. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Nakaramdam ako ng kaligtasan sa mga bisig ni Connor. 


"I won't let that happen again. I will protect you from them... I promise to you." Bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko sa sinabi nito. 


Sister Rivalry [Under Editing]Where stories live. Discover now