Chapter 30

554 21 2
                                    

Kaylee POV

"Hey, Good morning." Bati sakin ni Connor na kakapasok lang ng kwarto.


"Good morning." Bati ko rin dito at bumangon na. "Tulog pa ba si Scarlet? Anong oras na ba?"



"Quarter to 7. She's still sleeping." Sagot nito at naupo sa kama.



Tumango naman ako at pumasok ng banyo para mag-hilamos at mag-sipilyo. Medyo naging maayos naman ang pakiramdam ko ngayon matapos ang nangyari kagabi.


Nang makalabas ako ng banyo ay nasa ganoong pwesto pa rin ito.


"What?" Tanong ko dito dahil seryoso ako nitong pinagmamasdan.


"What happened last night?" Diretsong tanong nito na hindi man lang inalis ang tingin sa'kin.


Tumayo naman ito at lumapit sakin nang hindi ako sumagot. "Alam mo bang alalang-alala ako sainyo kagabi? Lalo na si dad, muntik pa tumawag ng pulis para ipahanap kayo. Halos mabaliw na  rin ako dahil nawawala kayo ni Scarlet.." Mahabang sambit nito at niyakap ako nito ng napakahigpit.


I let out a heavy sigh and faced him after he let go from the hug. "Caleb kidnapped us."


Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Kakikitaan ito ng galit. "Damn hm! Ipapakulong ko si--"


"Hindi niya na kami gagambalain ni Scarlet." Putol ko dito dahil ayokong mas lalong lumaki ang gulo. Hanggat maaari ay ako na lamang ang iiwas.


"How can you be so sure, Kayl?!" Bakas ang iritasyon sa boses nito.


"Calam down. Sinabihan ko na siya at mukhang gagawin niya naman." Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa dibdib ko ng sabihin ko ito. Nagiging makasarili ba ako dahil sa hindi ko hinayaang malaman niyang anak niya si Scarlet? Iniisip ko lang naman ang kapakanan ng anak ko. Lalo na't lahat ng paghihirap na naranasan ko ay dahil sa kapatid ko. Gusto ko lamang protektahan ang anak ko sa lahat, lalong-lalo na sa kapatid ko. Hinding-hindi ko hahayaang pati ang anak ko ay masaktan. Magkakamatayan muna kami bago iyon mangyari.


Seryoso kong tinignan si Connor nang may maalala ako. "Bakit hindi mo sakin sinabi?" Biglang kumunot-noo ito dahil sa sinabi ko kaya hindi ito sumagot.


"Naaalala ko na rin ang lahat." Sambit ko mapalitan ng gulat ang mukha nito.



"What? How?"


"It just hapened. Bigla na lang nagflashback sakin ang lahat nang tawagin ako ni Caleb sa palayaw na palagi niyang tinatawag sakin."

He took a deep breath. "I'm sorry. I thought you don't necessarily need to know."


"Mabuti na rin at hindi mo na sinabi." 



"Hindi ka ba magagalit sakin?"


"I won't. Wala na akong pakialam sa nakaraan. Wala namang magbabago kahit nalaman ko. Ang pokus ko na lamang ay kayo ni Scarlet."


Hinawakan nito ang dalawang kamay ko at tumango. "S-orry hindi ko kayo nabantanyaang ma--"



"Hindi mo ginusto ang mga nangyari." Sa dami-dami na nang naitulong niya sa'kin, samin ng anak ko, ayokong isipin niya na nagkulang siya samin dahil lang sa nangyari kagabi.



Bumuntong-hininga naman ito at niyakap ako. "Pangako, hinding-hindi ko na ulit hahayaang mangyari ito." I hugged him back.



"Thank you." Puno ng sinseridad na sabi ko. Sinisigurado kong hindi maapektuhan ang relasyon namin ni Connor dahil lang sa mga nalaman ko dahil masaya na ako sa kung ano kami ngayon at masaya ako kay Connor.


Sister Rivalry [Under Editing]Where stories live. Discover now