CHAPTER 1 - NEW CLASSMATES

10K 106 7
                                    

MAICEE'S POV:

"Ibigay mo nga sakin yan!"sigaw ko sa aking kapatid habang ina-agaw sakanya ang aking laruan.

"Hinihiram ko lang naman ate eh"

"Nagpaalam ka?!"

"Hindi po" sagot niya ng nakatungo.

"Hindi namn pla ehh kaya ibigay mo na sakin yan! "

Sinuli nya sakin ang aking laruan at agad na tumakbo papunta kay mama na nasa kusina ng  umiiyak.

"Ma inaaway ako ni ate huhuhu"sumbong nya kay mama. Tumingin sa gawi ko si mama at tinignan ako ng masama.

"Ano nanamang ginawa mo sa kapatid mo at bakit umiiyak?!" tanong nya sakin

"Wla naman po akong ginagawa sakanya eh kinuha ko lang po itong laruan ko sakanya kasi kinuha nya nang hindi nagpapaalam"paliwanag ko.

"Ikaw ang nakakatanda kaya ikaw dapat ang nagpa---"hindi na natuloy ni mama ang kaniyang sinasabi nya inunahan ko na sya.

"Nagpaparaya? "

Araw araw ko nang naririnig ang mga ganyang linyahan ni mama dahil sa araw araw na panenermon nya saakin.
Ako. . . . Ako palagi ang mali kahit na hindi ko kasalan. Ako ang may kasalanan kahit na wala akong ginagawa. Ang hirap palang maging panganay kasi ikaw ang may kasalanan ng mga kasalanang ginawa ng mga kapatid mo.

Btw, ako nga pala si Maicee.

"Ano nanamang iniisip mo at natutulala ka nanaman dyan ha"tanong sakin ng kaklase ko. Sya si Nicholie ang isa sa mga bestfriend /cousin ko.

FALL INLOVE WITH MY BESTFRIEND (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon