CHAPTER 9: GET TO KNOW EACH OTHER

2K 32 3
                                    

MAICEE'S POV:

Nandito kami ngayon sa isang cafe malapit sa school.

Naguguluhan ako diyan kay Medrick. Kanina lang di ako pinapansin. Tapos di ako tinabihan. Tapos ngayon ililibre na ako. Anong trip nito?

Hayaan na nga.

Nakita ko siyang pabalik na dito sa mesa namin. Naka smile Ang kingina. Kapag naka ngiti yan ang kyut niya titigan. Kasi anlalim ng magkaliwaang dimples niya. Nakaka in---charot.

"Ahem.May dumi ba sa mukha ko?" tanong niya.

"A-ah w-wala naman." gosh bat ako nauutal tangina naman. Nakakahiya.

"E' bat ka nakatitig sa mukha ko habang nakangiti?" tanong niya ulit.

Nakatitig ba ako sakanya? Eh tinitignan ko lang naman yung mga dimples niya.

Biglang uminit yung mukha ko. Tangina.

"Anong nakatitig? Kapal mo ha." sagot ko.

"Hahaha eh bat ka namumula?"

"Anong namumula ka diyan? Blush on lang yan."

"Okay sabi mo eh." sagot niya habang naka ngiti padin.

Sapakin ko kaya to?

Pigilan niyo. Sige pigilan niyo ko!

Biglang dumating yung ni order niyang cake.

I mean cakes.

strawberry shortcake, cheese cake, chocolate cake, mocha, vanilla, blackforest, blueberry, redvelt,etc.

Putangina ang dami. Ano to?

"Bat ang dami?" nagtataka kong tanong.

"Tinanong Kasi kita kanina kung anong gusto mo."

"Pero sabi ko kahit ano."

"Kaya nga. Wala daw silang cake na kahit ano. Kaya binili ko na lang lahat." sagot niya ng natatawa.

Baliw ata to.

"Ehh wala akong perang dala. Wala akong pambayad diyan." sabi ko naman.

"Don't worry. Ako magbabayad niyan. Diba sabi ko naman sayo treat ko?" sagot niya ng nakangiti padin.

Ackkkk bat ba siya ganyan?di ko mapigilang tumingin sa mga dimples niya wahhh helpp!

"Mauubos ba natin lahat to?"tanong ko. "Syempre hindi"sagot ko sa sarili kong tanong.

"Kung hindi mo maubos edi itake out na lang tas bigay mo na lang sa mga kapatid mo."

"Bakit hindi na Lang ikaw Ang mag uwi?"

"Walang kakain niyan sa bahay." sagot niya at medyo lumungkot Yung mukha niya.

"Mga kapatid mo?" tanong ko.

"Wala akong kapatid."

"Ahh only child."

"Oum."

"Anong feeling ng only child?" tanong ko. Lagi ko Kasi ini imagine na pano kaya kung mag isa Lang ako. Saya siguro.

"Masaya at the same time malungkot."  Ano daw? Bakit naman?hmm.

"Ha?ano?gulo ah." Kamot noo kong sabi tsyaka nag subo ng cake. Hahaha sarap netong cheese cake. favorite ko kasi.

FALL INLOVE WITH MY BESTFRIEND (ON GOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang