CHAPTER 2 :MAGKAIBIGAN/MAGKA-IBIGAN

5.6K 80 1
                                    


MAICEE'S POV:

Nasan na nga ba tayo??? ..Ahhh ayon. Sooooo yun na ngaaaaaa. Katabi ko ngayon si Medrick gosh. At guess what ito ako natutulala sakanya. Ang mas gwapo pla sya sa malapitan hahaha. Hindi ako makakapag focus sa pag aaral nito ehh. Hahaha syempre charrot lang Pagalitan ako ni mama.

" Okay Kahit kilala nyo na ako magpapakilala parin ako" sabi ni mam sa harap.

"Okay ako si Mam Minata Ong Namayapana pero tawagin nyo na lang akong Mam Mina. Ako ang magiging adviser nyo. blah blah blah"haha ang baho ng pangalan ni Mam no? Nagets nyo ba? Hahaha bahala kayo hindi ko i e explain. Hindi ko na narinig yung ibang sinasabi ni mam kasi nga may isang nilalang ang biglang nagsalita sa tabi ko.

"Hi. Ako nga pala si Medrick"

"Alam ko. Ehh nagpakilala ka na kanina sa harap ehh"

"A-ahh hehehe oo nga pala"sabi niya sabay kamot sa ulo.

"Ano nga palang pangalan mo?"tanong niya sakin.

"Maicee Morena"

"Ganda ng pangalan mo bagay sayo". Yieeee gosh bat siya ganyan? Enebe kenekeleg eke.

"Pwedeng makipag friends?

"H-ha? F-friends?"

"Oo. Friends. Kaibigan. Hahaha"sabi nya ng tumatawa.

Tsss. Anong nakakatawa don? Ahhh baka akala niya hindi ko gets. Ano akala nya sakin SLOW? Sampalin ko to ehh. Hahaha chos.

"Ahh cge FRIENDS"sagot ko sabay lahad ng aking kamay sa kanya.

"Friends "at nakipagkamay siya sakin. Naramdaman ko na ang lamig ng kamay niya. Bakit kaya? Hahaha curious lang naman ako. Enebe

"Ahem"sabi ni mam na ngayon ayy nasa side ko na pala. Hindi man lang namin namalayan ang paglapit nya.

"Anong nagaganap dito?"tanong pa ni mam samin ng may mapang asar na tingin.

"Baka may namumuo mam! " sabat ng kaklase kong si Paul.

"Yieeeeeeee! "sigaw naman nilang lahat.

Tumungo na lamang ako dahil feeling ko namumula ang aking pisngi sa sobra init nito dahil sa pagkapahiya namin. Sinulyapan ko naman si Medrick na nakatingin pala sakin at naka ngiti. Agad kong binawi ang tingin ko at tumungong muli. Nakakahiya oh emss.

"Okay class tama na yan at kayong dalawa dyan makinig na kayo."

Sa buong klase ay parang lumilipad itong utak ko dahil wala man lang akong naintindihan. Ano ba yan firstday of school plang wala na agad akong natutunan. Hayyys kainis kasi itong katabi ko ehhh. Kanina ko pa sya napapansing sumusulyap sakin. Hahahaha feeling ko tuloy gandang ganda sya sakin. Hahaha charot.

Nang matapos ang klase ayy agad akong lumabas.

Nang malapit na ako sa gate ay may narinig akong tumatawag sa pangalan ko. Paglingon ko ay nakita kong tumatakbo palapit sakin si Medrick.

"Maiceeeeee!Hintayin mo ko!"

"Sabay na tayo umuwi" hingal na hingal nyang sabi.

"Ha?San ka ba nakatira?"malamang hindi dito kasi ngayon ko lang siya nakita ehh.Kilala ko na kasi last ng Tao dito samin ehh

"Ahh sa malapit sa bayan"

"Sa bayan?! Ang layo non ahh?maglalakad ka lang?"

"Oo hindi ko na kasi mahintay si papa ehh at siyaka gusto kitang makasabay maglalakad!"nakangiting sabi nya!

"Hahaha bahala ka!"

Pagdating sa bahay ay agad akong nag mano kina mama at papa.Siyempre mabait na bata to no!.TULARAN SI MAICEE.

"Kamusta first day nak?" Tanong ni mama.

"Okay lang po ma!Alam niyo ma may bago kaming kaklase!Yong isa parang masungit at Yong isa mabait FRIENDS na mga po kami eh!" Ayan na mag uumpisa na nanaman ang pagdaldal ko.

"Maganda yan nak.Makipagkaibigan ka sa mga kaklase mo hindi Yong nakikipag away ka ha?

"Oo naman po!"

"At kapag MAGKAIBIGAN dapat MAGKAIBIGAN lang.Hindi mapupunta sa MAGKA-IBIGAN yan ha?" Sabi ni mama

"Hala!si mama may ganon! Wala pa sa isip ko yan ma no!"

"Mabuti naman!"

Hayyyysst si mama talaga kung ano anong sinasabi.Promise hindi mangyayari yon no.Friendship lang hindi relationship .

FALL INLOVE WITH MY BESTFRIEND (ON GOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora