CHAPTER 7: TOPAK

2.2K 39 13
                                    


Hindi ako maka focus dito sa mga pinag aaralan namin. Tsk lutang utak ko tangina kasing lalake yun. Hanggang ngayon iniisip ko kung sino yun.

Tinignan ko kung anong oras na.

9:50am

Ano ba naman yan! Break palang pala. Ang aga pa tsk. Uwing uwi na ako.And gusto kong malaman kung sino yung lalaking yun.

"Hoy Maicee! Tara na sa canteen!" Rinig kong aya sakin ni Medrick

"Hey!" Pagtawag niya.

Pero di ko siya pinansin.

"Maicee!Tara na gutom na ako oh. Kanina kapag tulala diyan"

Pero di ko parin siya pinansin HAHAHA bahala siya diyan. Busy ako sa pag iisip sa lalakeng yun ( kunware may isip talaga ako HAHAHAHA).

"AYAW MO HA!" Sabi niya at pagkatapos ay sumayaw sayaw siya sa harap ko.

HAHAHAHAHAHAHAHA parang bulateng binudburan ng Asin Ang kingina.

"Hoy anong ginagawa mo?" Tanong ko sakanya.

"Ano bang tawag dito sa ginagawa ko? E di sumasayaw" sagot niya naman.

"Ahh sumasayaw ka pala? Akala ko Kasi nabudburan ka ng Asin sa katawan kaya ka nagkakaganyan HAHAHA" pang aasar ko sakanya at sabay tawa ng malakas with pahawak hawak pa sa tiyan HAHAHA.

"So? You're saying that para akong bulate ganon?" Tanong niya ng naka kunot ang noo. Halatang inis na to may English nang kasama eh HAHAHA.

"Parang ganon na nga.Hahaha pero totoo naman yung sinasabi ko para kang BULATENG BINUDBURAN NG ASIN" pang aasar ko pa lalo sakanya.

"Okay lang naman kung nagmukha akong bulateng binudburan ng asin. Atleast napatawa na kita" Sabi niya.

Napatigil tuloy ako sa pagtawa.

"Kanina pa kita inaaya pumunta sa canteen pero hindi mo ako pinapansin. Ano bang iniisip mo? o Sino?" Dagdag niya.

Pero hindi ko sinagot yung tanong niya. Tumingin ako sa taas. Tong Ceiling kasi ng room namin may Solar System. Constellations. Galaxies. Dito ako tumitingin kapag may item sa exam na about planets or constellations hahahaha. Kodigo namin. Just kidding. Dito ako tumitingin kapag nabobore ako.

"Tutulala ka nanaman diyan?" Tanong niya ulit.

"Tara na sa canteen gutom na ako" Aya niya.

"Ikaw na lang hindi naman ako gutom eh" sagot ko na lang para matigil na sa pangungulit pumintang canteen. Pero ang totoo gutom na din ako kasi hindi ko natuloy yung kinakain ko kanina dahil sa lalakeng yun grrrrr! Ayoko din pumintang canteen Kasi tinatamad ako maglakad HAHA bat ba?Tamad talaga ako eh.

"Hindi ka talaga gutom?" Tanong nanaman niya.

"Hindi nga Medrick! Ang kulit ha." Kunware mataray.

"Ok." Sabi niya at lumabas na ng room.

Mag isa ako ngayon dito sa room. Malamang nasa canteen sila. Hayyst.

Tumunong yung tiyan ko. HAHA gutom na talaga ako. At dahil mapride (masurf, ma ariel) ako hindi ako pupunta ng canteen Kasi alam kong nandon si Medrick.

Tinignan ko na lang yung mga planets.

Mercury..

Venus..

Earth..

Mars..

Jupiter..

Saturn..

Uranus..

Neptune..

Pluto..

Pero ngayon diba may sinasabing bagong planet?Nakalimutan ko kung anong pangalan nung planet na yun. Nakita ko lang sa news update ng NASA.

"O, ito kainin mo" nagulat pa ako tangina naman.

Nilapag niya sa table ko yung tray na may nakalagay na isang burger, spaghetti, fries, cheese sticks, piattos, yakult, soft drinks, at tubig.

"Aanhin ko to?Bakit Ang dami naman? Libre ba to?Kung hindi sayo na lang wala akong pambayad diyan." Sunod sunod na sabi ko.

"Binili ko yan Kasi Hindi ko alam Kung ano Ang gusto kong kainin. Libre na yan Basta kainin mo lahat." Sabi niya saka umalis na ulit.

Anong meron don? HAHAHA parang Lolo na nakalimot yung noo eh. Hmmp bahala siya Basta ako ANG SAYA KO! Ang daming pagkain hahaha. Thanks to Medrick. Ang bait ng magiging asawa ko. Ayy hala joke haha.

Sa sobrang dami nito hindi ko na maubos kaya pupunta na Lang ako sa kapatid kong unggoy bibigay ko na lang sakanya.

Paglabas ko ng room dala dala Ang tray na may pagkain nakita ko si Medrick na nakaupo sa isang bench sa lilim ng puno. Naghabsa ng libro ang Lolo niyo. Kunot noo padin ehh HAHAHAHAHAlt.

Pumunta ako kung nasaan siya. Umupo ako sa tabi niya.

"Anong binabasa mo lolo med?" Tanong ko.

"Advance reading lang sa Science." sagot niya ng Hindi tumitingin sakin.

"Kumain ka na ba?Hindi ko Kasi maubos tong binili mo lolo eh. Sayo na lang." Sabi ko sakanya.

"Sumabay na ako kila Princess kanina." Sagot niya ng Hindi padin tumitingin sakin. Tutok na tutok sa binabasa.

"Close na kayo? Ayiieeee si lolo dumadamoves HAHAHA" pang aasar ko sakanya.

"Anong Lolo?" Tanong niya at sa wakas! Tumingin na din siya sakin.kanina ko pa tumatawag ng Lolo pero ngayon lang nag react hahaha.

"Para ka kasing Lolo naka kunot ang noo hahaha"

"Ah sige." Sabi niya at tinuloy Ang pagbabasa.

"So close na nga kayo ni Princess? Gusto mo siya? Ilalakad kita sakanya kung gusto mo. Kung ayaw mo edi itakbo na lang kita."

"Hindi." Sagot niya.

"Yieeee si Lolo nag d- deny pa." Pang aasar ko pa.

"Hindi nga!" Sabi niya.

At iniwan na ako dito. Hmmp napaka sungit naman non. Meron ba siya ngayon?

Nakita ko si Tekla na papalapit saakin.

"Sis anong meron don kay Medrick? Kanina pa masungit." Salubong na tanong niya sakin.

"Malay ko ba don. Pati ako sinusungitan eh." sagot ko naman.

"Kanina sa canteen inaaya ni Princess na sumabay na siya samin kumain pero sabi niya ayaw niya tapos pinilit siya ni Princess kaya yun sumigaw si fafa Medrick ng "AYOKO NGA SABI!" kaya yun napahiya si Princess." Kwento naman niya.

Pero kanina sabi ni Medrick sumabay siya sakanila diba?Hmmmp. Ang gulo. Ano bang meron don sa Lolo na yun. Bigla bigla na lang nagiging masungit. May nangyare kaya? O baka naman meron siya ngayon? O baka tinutopak Ang Lolo niyo? HAHAHAHA

Hmmpp bahala nga siya. Ang mahalaga MAGANDA AKO! HAHAHAHA charot.

Kanina yung misteryosong lalake lang ang iniisip ko. Pero ngayon dumagdag pa si Medrick. Hayyst.

Sakto naman nag ring na yung bell kaya pumunta na kami sa room.

[A.N.: Suggest naman po kayo ng pwedeng name ng characters HAHAHA wala kasi akong maisip (Wala naman talaga akong isip)]

FALL INLOVE WITH MY BESTFRIEND (ON GOING)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें