Chapter 1

9 0 0
                                    

Ideal man. Siguro lahat naman sa atin merong matatawag na Ideal man. Yung tipong ,  matalino,  mabait,  pogi,  talented,  gentlemen. Something like that. Yung sinasabi ng karamihan na hindi nag eexist. Kasi daw,  sa wattpad lang daw meron nun,  achuchu. Haha.

But believe me or not,  I met a boy whose actually like that.  He's not my ideal boy,  really. Nagsasabi ako ng totoo. Kasi ang mga gusto kong tipo ,  yung mga maginoo pero medyo bastos. Yung ganong type,  yung may pagka badboy and playboy side  pero soft hearted pagdating sayo. Parang ang cute lang kasi ng mga ganong tipo e.

Actually,  kapag may nakikita akong ganong couple,  like sobrang innocent ni girl tapos badboy type si boy,  sobra talaga akong humahanga as in. Naiisip ko na,  sana ganon din ako. Though,  innocent type din naman ako ,  hindi lang halata talaga e. Lalo na kapag kasama ko ang mga gago kong kaibigan.

To make the long story short. I met this man,  when I enter my senior high school life. I donno e ,  hinGas answered o naniniwala sa love at first sight pero... Sige na nga aaminin ko na. Kind of,  parang nagwapuhan na agad ako sa kanya.

" Bakla ,  be"  hindi ko pinansin ang sinabi ni Jessy at nagpatuloy ako sa pagtitig sa kanya.

" Grabe! Malamya lang yan ,  pero di pa bakla. Ganan sadya matatalino" i sip on my milk shake before i turn to them.

" Jusskoo. Isang pitik nalang,  bakla na yan e"  Gelly doing some becky hand guestures.

" Wag nga kayong masyadong judgemental,  malay nyo" Erica pause kaya napatingin kaming lahat sa kanya. " Bakla nga sya. Hahahah" tumawa silang lahat

Hindi ko sila pinansin at pinagpatuloy ang pagtitig sa kanya. Hindi ko alam ang pangalan nya. All I know is,  he's a grade 12 GAS Student at sa naririnig ko e matalino sya.

" Bakit ba yan ang iniisip nyo ha? Si Gab nga hindi nagbo-bother kung lalaki ba yan o babae e. Diba Gab?"

" Hmmm. " as I answered Athlia's question,  biglang tumunog ang bell hudyat na kailangan na naming pumasok.

Tumingin muli ako sa kanya bago tuluyang umalis,  and to my surpris,  he's also looking at our direction.

Hindi sayo Gab,  Engot.

We are grade 11 taking up STEM.  I just want to share. Yung mga kausap ko kanina,  mga kaibigan ko sila. Since grade 9 I think ? Haha. Di ko alam e. Basta kaibigan ko sila.

First day palang kase kaya after ng orientation samin regarding school rules and regulation at sa kinuha naming strand e pinauwi na kami agad.

" Wait. Cr lang ako,  Jessy,  samahan mo ko" 

Pumasok ako sa isang cubicle sa loob habang si Jessy naman ay naghihintay ata sa labas. I don't know, nawiwiwi na kasi ako e.

" Si Ed nga yun diba? Yung grade 12 GAS ? Ohemgii. Ang pogi nya tapos ang talino pa tapos ang bait pa. Ang gentleman pa brad. Jusskoo. Hihimatayin na ata ako"

Pagkalabas ko ng Cubicle, hinanap ko agad kung sino yung nagsalita pero  si Jessy lang ang naabutan ko.

" Ikaw ba yung nagsalita ,  Jes?"  tiningnan nya ako ng para bang nagtatanong kung anong pinagsasasabi ko.

" Huh?  Hindi ah. Yung dalawang malanding bulate yung nagsalita. "   Umirap pa ang loko bago nag ayang umalis.

My day was ended just like that. Papasok ,   uuwe,  tutulog ,  gigising, then ganon. Mag dadalawang linggo na kami,  pero hindi ko parin  nakikilala si Kuyang GAS . Bihira ko nga rin syang makita dahil bihira rin naman kaming lumabas ng classroom. Hindi naman sa gusto ko syang makilala at makita no. Wala. Parang iba lang yung feeling ko sa kanya.

" Gel,  pahiram ballpen"

" Hindi ko abot,  ayusin mo naman"

" Lah! Sina Kuya Jules yun diba? "

" Myghaad! Pumasok na si Dy. "

" Antagal namang mag out"

Tumigin ako sa labas kung saan nakatingin ang mga kaklase ko. And there,  I saw him again. Tumatawa kasama ang mga kaibigan nya. Ilang araw ko pang syang hindi nakita pero bakit feeling ko  parang isang bwan na? Ano ulet pangalan nya? Dy? Hindi ba sya pumasok kaya hindi ko sya nakikita?

" Matutunawwww"  sinapak ko si Erica saka inirapan. Sa halip na gumati,  tinawanan lang ako.

" May bagong kasama sila oh" sinundan ko ng tingin ang tinuro nya. Bakit ba hindi ko napansin agad? Napangiti ako as i look to the man beside kay kuyang GAS . There he is. My ideal man.

Not My Ideal OneWhere stories live. Discover now