Chapter 6

3 0 0
                                    


Mabilis akong bumitaw sa pagkakahawak sa kanya saka tumakbo palabas. Nakakainis sya. Hindi nya ako sinagot ng diretso tapos ganon ang itatanong nya?

Dumiretso ako ng CR para ikalma ang sarili ko.  Nakakainis talaga sya. Arghhhhh.

Halos sampung minuto rin akong nanatili sa cr bago napagdesisyunan na bumalik sa loob. And to my surprise, sakto,  sumasayaw si Mae at si Ed sa kantang Perfect ni Ed Sheeran.  May kinukwento si Mae sa kanya habang nakangiti namang nakatingin sa kanya si Ed. Dahan dahan akong pumunta sa lamesa namin saka umupo at humarap kung saan nagsasayaw ang dalawa.

Bigla kong naramdaman ang  malamig na bagay sa aking pisngi. Tuloy tuloy ang pag agos ng aking luha na hindi ko mapigilan. Hindi ko alam kung bakit  ako umiiyak dahil lamang sa aking nasasaksihan. Masakit. Oo masakit sa puso na makita silang dalawa , at ang makita na kung paano nya ako titigan ay ganoon din sa kanya.

My night was ended just like that. Ilang beses kaming sumayaw ni Dy. Hindi ko nga alam e,  pero pansin ko na parang ako lang ata ang sinayaw nya buong gabi.

Masakit sa puso pero kailangan kong tanggapin na ngayong araw ay aalis na sila sa iskwelahan na ito. Alam ko naman na darating talaga kami sa ganitong punto,  ang hindi ko lamang matanggap ay ang pag alis nya.

Wala kaming closure,  ika nga nila sa isang relationship. Hindi na kami nagkachat pa pagkatapos noon. Hanggang sa magpasukan na ulet kami. Hindi ko na alam ang nangyari sa kanya ,  pero umaasa pa rin ako hanggang ngayon na baka pwede pa kami. Ang mga salita nya lamang ang pinanghahawakan ko.

" Wala na,  Gab. Tigil na"  isang balita na gumimbal sa buong pagkatao ko.

Sila na? Haha.

Niyakap ako ni Jessy saka tumulo ang mga luha kong matagal ko ng pinipigilan. Kachat ni Jessy si Mae ,  noon pa. Si Jessy ang nagbabalita sa akin tungkol kina Ed at Mae. Hindi pa sila,  pero masakit para sa akin na mabasa kung gaano sila ka sweet sa mga convo nila. Nagpapasa si Mae ng convo nila ni Ed  kay Jessy, kaya nababasa ko rin ito since alam namin ang facebook account ng isat-isa.

" Hindi pa sila,  pero tama na,  Gab. Tama na. Wala na e." hagod ni Jessy sa aking likod. Nakayakap silang tatlo sa akin at umiiyak din. Sila ang saksi sa journey  namin ni Ed,  sa libro kung saan kami nakasulat at saksi sa pagtatapos ng librong iyon.

Oo gab. Tama sila. Tigil na. Marami pang lalaki dyan diba? Hindi lang si Ed. Hindi lang sya.

----------------------------

Ed

I was so stunned when i saw her. Hindi ako ganito sa ibang babae sa tuwing nagkakagusto ako. Pero iba e,  iba sya. First time na nakita ko sya ay nakuha na nya agad ang atensyon ko. 

Sa araw araw naming magkachat ay mas lalo ko syang nakilala. Mas lalong gumaan ang loob ko sa kanya. Hindi sya masungit katulad ng ibang babae,  sobrang  bait nya na sa tuwing kailangan ko ng tulong ay tinutulungan nya ako. Walang pag aalainlangan. Hindi lang sa akin kundi pati narin sa iba.

" Dy,  pwede ba kitang makausap saglit?"  lumayo kami ng konti sa mga kaibigan para makapag usap ng maayos.

" Ano yon?" sumandal ako sa hamba ng pintuan bago sya tiningnan ng seryoso.

" May partner ka na sa ball?" it was a big relief nang umiling sya. Kumunot ang noo nya saka nagtanong ng bakit.

" Naka-Oo na kasi ako kay Mae e. Sa akin lang daw sya comfortable kaya pumayag na ko. Alam mo naman yon diba? Sobrang layo non sa mga lalaki kaya hindi ko na nahindian. I just want to ask a favor since wala ka pa namang partner"  i pause dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Sa buong barkada ko,  sya lang ang mapagkakatiwalaan ko kay Gab. Kahit na playboy ang isang ito,  gentlemen parin naman tsaka may respeto basta nirerespeto ko.

" Pwede bang partneran mo si Gab? Ikaw lang kasi ang malalapitan ko e. Tsaka , tiwala na ko sayo." Saglit syang nag isip bago tumango sa akin. Tinapik pa nya ang balikat ko saka sinabing

" Basta,  walang selosan ha" kumindat pa muna sya sa akin bago umalis.

Hindi ko naman intensyon na saktan sya ng malaman kong may gusto na sya sa akin. Sobrang nagulat ako ng sabihin niya iyon,  at wala akong mahanap na salita na sasabihin sa kanya.

I know,  if we are meant to be,  kami talaga. God's plan is the best. Magkikita at magkikita din kami. And if that happened,  hindi ko na sya papakawalan pa. I will make sure na this time , masasabi ko na sa kanya na.

"Oo,  mahal din kita"

Maybe i am not her ideal man. Pero ako ang ginusto nya. She is not my ideal girl also,  pero sya ang ginusto ko. Tama nga sila. Kung sino ang ideal mo,  sya ang hindi mapupunta sayo. And that's it. Sya ang mapupunta sa kin. At sisiguraduhin ko iyon. Sa ngayon,  hanggang dito nalang muna ang kwento naming dalawa. Dahil ako,  kagaya nyo ay naghihintay rin  sa next chapter ng buhay namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Not My Ideal OneWhere stories live. Discover now