Chapter 5

2 0 0
                                    


" Ganito. Hawakan mo yun kamay ko , tapos umikot ka lang. Don't worry ,  hindi kita bibitawan. " nagpapraktis kami ngayon ng  cotillion namin para sa ball. Iniinstruct ako ni Dy,  since sya ang daner sa aming dalawa at hindi ko alam kung anong gagawin.

Hindi ko matawag kung swerte ba ito o malas  e. Paano ba naman,  magkagrupo pa kami nina Ed sa sayaw. Umiikot kasi ang mga babae at nagpapalit ng partner,  since sobrang dami namin ay iginroup kami at sa kasamaang palad ay nakagroup ko sya.

Nagkakachat parin kami ni Ed kahit na hindi ako yung partner nya . Hindi nya din inoopen ang topic na patungkol sa ball. Hindi ko alam pero mukhang iniiwasan nya.

" Tumingin kayo sa mga mata ng partner nyo. Eye to eye contact dapat. I feel nyo" sigaw ng instructor namin. Nagulat ako ng higitin ako ni Dy at inilapit pa lalo ang katawan nya sa katawan ko. Nahugot ko ang hininga ko ng dumampi ang kanyang mga palad sa aking mukha ng ilagay nya ang takas kong buhok sa likod ng aking tenga. Then he look me straight itanong yes.

" Perfect" agad akong napalayo ng sumigaw ang instructor  na ngayon ay nasa tabi na pala namin.

" Dapat ganito. Kita nyo kung gaano sila kaintimate?Ganoon dapat. "  simple akong tumingin kay Dy na ngayon ay nakangiti at nakatingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ako sanay sa ganoon. Sa pag iwas ko ng tingin ay napabaling ang aking mata sa lugar kung saan naroroon sina Ed.

Nakakunot ang noo niyang nakatingin kay Dy. Kita kong  kinukuha ni Mae ang atensyon nya pero hindi sya bumitaw ng tingin sa gawi namin. Nagtangis pa ang bagang nya bago umalis.

" Teka,  Ed" rinig ko pang sigaw ni Mae bago sana sya susundan ngunit nagtaas ito ng kamay.

" Cr lang daw po" sigaw pa nito bago pilit na ngumiti.

Ilang linggo din kaming nagpractice bago ang pinakahihintay na araw na ito.  I was wearing a white tube gown partner with black stilletos.

" Emeged. Ang gaganda natin " excited na sabi ni Jessy wearing a red off shoulder dress.

" Hindi ako komportable sa suot ko,  pwede bang umuwe nalang? "  walang ganang saad ni Gelly habang hinihila pataas ang kanyang kulay asul na tube gown.

" Alam mo,  always ang KJ mo. Ang ganda nga nyang suot mo e. Smile. Dapat happy lang " tinapik pa ni Rica ang pwet ni Gelly . Rica is wearing a black sleveless gown. Bumagay pa ito sa kanya dahil sa taglay nitong kaputian.

"Gab , ano? Tara? " aya sa akin ni Dy. Tumingin pa muna ako sa aking mga kaibigan para magpaalam. Nag thumbs up sila sa akin hudyat na maari na akong umalis.

" Ang ganda mo" bulong sa akin ni Dy habang sumasayaw kami. Sahalip na kiligin ay mas lalo lamang akong nahiya.

" Haha! Hindi naman" pilit akong ngumiti sa kanya saka ipinagpatuloy ang sayaw.

Umikot kami saka nagpalit palit ng partner. Nang nasa tapat na ako ni Ed ay dahan dahan kong inilagay ang aking kamay sa kanyang balikat. Halos mapaigtad ako ng maramdaman ang kamay nyang nakahawak sa aking baywang. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya,  walang imik hanggang sa magpalit na ulit kami ng partner.

Nasagot ko na ang matagal nang tanong ni Jessy sa akin. Oo,  Inaamin ko na sa sarili kong mahal ko sya.

  “ hindi porket di ako pumasok sa isang sitwasyon ay wAla na akong gusto or wala na akong intensyon"

Yan ang sagot nya nung sinabi kong may gusto ako sa kanya. Hindi ko na alam kung bakit hindi nya ako sinagot ng diretso. Matatanggap ko naman kung sabihin nyang wala syang gusto sa akin e.  Hindi yung ngayon ay litong lito ako.

" Can i have this dance? " nagdalawang isip pa ako bago ako pumayag sa pagaaya ni Ed. Sobrang awkward kasi ng mangyayari ,  for sure.

" Paborito ko itong kanta " pinakinggan kong mabuti ang saliw ng musika na kung saan ay sinasabayan namin. Torete ang kantang iyon.

" Talaga? Haha" tanging sagot ko at simpleng tumingin sa kanya. Diretso ang mga matang nakatingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.

" Bakit hindi ka makatingin? Kay Dy ,  titig na titig ka" sumulyap akong muli sa kanya,  this time ay tinitigan ko na sya sa kanyang mga mata.

Not My Ideal OneWhere stories live. Discover now