Chapter 4

3 0 0
                                    


" Oyy! Usap-usapan na may seniors ball daw"  naririnig ko na kanina pang umaga ang balitang ito. Seniors ball. Para yong JS prom noong wala pa ang K-12,  Senior's na nga lang ang tawag since Senior High na kami.

Wala kaming Junior's ball noon kaya hindi namin alam kung anong ginagawa doon. Kung sakali man na matutuloy ,  first time namin to.

" Frienniee, may partner daw dapat. " kinikilig na sabi ni Gelly.

" Wag ka ng umasa,  walang magyayaya sayo no" ngumuso lang si Gelly kay Rica bago ito tuluyang inirapan.

" Palibhasa,  may Niel ka na e. Kaya wala ka nang problema sa partner" pang aasar ni Jessy kay Rica. Niel ang pangalan ng bagong manliligaw ni Rica.  GAS student pero nagiging kaklase namin sa mga core subject kaya nagkakilala sila.

Sa ngayon,  hanggang ligawan portion lang ang tanging maibibigay namin sa mga lalaki. Syempre,  kinikilala pa namin ng husto bago namin sagutin. Katulad nalang ni Gelo,  naging manliligaw ko noon ,  niligawan nya ko ng ilang buwan tapos bigla kong nalaman na pinagpupustahan lang pala ako dahil yung isang barkada nya e binasted ko "daw" na hindi ko naman natatandaan. Nag sorry naman sakin non si Gelo at sinabing nafall na sya sakin ang sabi pa nya,  nahulog daw sya sa sarili nyang patibong,  gusto nya na magsimula ulet kami sa simula ,  yung wala ng pustahan pero hindi na ko pumayag. Once the trust is broken,  mahirap nang ibalik.

" Guys,  punta daw tayong lahat sa gym. May announcement daw"

Agad kaming tumayo sa kinauupuan namin saka pumunta sa gym. Madami pa akong niligpit na gamit kaya nahuli kaming apat. Halos patakbo kaming pumunta sa gym  para abutan ang announcement. Malayo pa naman ang classroom namin kaya kailangan naming bilisan.

" Sino partner mo,  John? " rinig kong tanong ni Dy sa kanyang kasamahan. Nasa unahan namin silang nakatayo. Late din ata silang dumating kaya nasa hulihan.

" Si Jessy brad,  ikaw? "  i look at Jessy's direction pero mukhang hindi nya narinig dahil busy sya sa pakikinig.

" Ikaw? Ed?" Itinuon ko ang atensyon ko sa kanila at medyo umisod pauna para marinig ang sagot ni Ed.

"Absksbsbsjvahsiw"

huwaatt? Anong sabi nya? bakit hindi ko narinig? Bakit hindi ko naintindihan? Pwedeng paki ulet? Author,  pwedeng pakirewind? Pleaseee.

" Okay. Pwede na kayong bumalik sa klase nyo. Goodmorning"

Nanlulumo akong bumalik sa klase. Sobrang saya nila dahil sa papalapit na ball ,  ako lang ata ang hindi. Bakit hindi ko narinig yung sinabi nya. Yung sagot ni Jhon ,  sobrang linaw  e,  ang layo pa ni John sakin pero bakit yung sagot nya ang lapit lapit na nga e hindi ko pa narinig.

" May partner naba kayo?" tanong ni Rica sa amin hangang kumakain kami sa canteen.

" Si Wesley ang partner ko. Ako na ang nag-aya sa kanya since  sa lahat ng lalaki dito sa school,  sa kanya lang ako komportable. "  walang ganang sagot ni Gelly . Tumango lang kami bago tiningnan si Jessy.

" Meron na. Si Luoel."   napataas ang kilay ko dahil sa sagot nya. Luoel,  akala ko si John.

" Narinig ko yung sinabi ni Kuya John kanina. I was so scared of him kahit na ka dance troupe ko sya. Kaya kinontrata ko na si Luoel. Sa kanya lang din ako komportable" napatango kaming tatlo sa sagot nya. Sabagay,  kung ako din naman ang yayayain ni John,  e baka hindi ko mahindian. Malaki kasi ang katawan nya kaya sobrang nakakatakot.

" Ikaw,  Gab? Si Ed? " this time sa akin naman nakatuon ang buong atensyon nila. Hindi ako makasagot dahil hindi pa naman nya ako niyayaya. Pero kasi , since ngayon lang naman namin nalaman ,  baka ayain nya ako mamaya.

" Mae, totoo bang si Ed ang partner  mo?" napalingon ako sa gawi kung saan ko narinig ang pangalan ni Ed.

" Oo, matagal nya nang alam to ,  since student council sya. Kaya ,  inaya agad nya ko hindi pa man inaannounce. " tumingin ako sa babaeng nagsabing kapartner sya ni Ed. Maganda sya,  simple lang yung ganda nya. At kung ihahalintulad sa akin ,  ay walang wala na ako. Hindi na ko magtataka kung sya ang niyaya ni Ed.

Malungkot akong ngumiti  sa kanila saka sana sasagot ng biglang may mga lalaking tumayo sa gilid namin. Nang tingnan ko sila ay nagulat ako ng sina Dy yon. Anong ginagawa nila dito? At bakit wala si Ed?

" Gab,  may partner ka na?" nagulat ako sa biglaan nyang tanong at hindi nakasagot agad.

Si Dy? Teka,  joke ba to?

" Ha? Ah.Wala pa" sabi ko sabay iling sa kanya. Myghaad. Yayayain ba nya ako?

" Yown." ngumiti sya sa akin bago nagbigay ng isang kulay pulang rosas. " Can you be my partner ?" lahat siguro ng tao ay nakatingin na sa amin ngayon. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

Dahan-dahan akong tumango bago ngumiti sa kanya "Sige"  sagot ko bago kinuha ang pulang rosas na ibinigay nya.

" Kita nalang tayo sa practice,  thank you "  nagtaas baba pa sya ng kilay bago ngumiti at umalis sa harap namin. May narinig pa akong nagsabi na ang swerte ko daw dahil ako ang napili ni Dy.

" Paano si Ed? " seryosong tanong sakin.

" May partner na sya" pilit akong ngumiti sa kanila saka muling lumingon sa gawi kung saan naroon ang partner ni Ed.  Nahagip ng mata ko ang lugar kung saan nakapwesto ang grupo nina Ed,  pero tanging barkada nya lang ang naroroon.
Nasaan kaya sya? Napaka unusual naman kasi,  first time nyang hindi sumabay sa kanila. Hays!

Not My Ideal OneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora