Chapter 3

3 0 0
                                    


" Daan muna tayo sa 7/11. " aya ni Jessy samin. Dahil kakatapos lamang ng exam ay pumayag na rin kami.

Ganoon pa rin ako kung itrato ni Ed. Ewan ko ba. Gaya nga ng palagi kong sinasabi,  hindi sya ang tipo ko. Minsan ,  pinipilit ko pa rin ang sarili ko na dapat si Dy ang magustuhan ko,  pero hindi e ,  sya parin talaga.

" Si Ed yun diba?" nilingon ko ang lugar kung saan sila nakatingin. Kumalabog bigla ang puso ko ng magtama ang aming nga mata.

Pumasok kami loob ng 7/11 kung saan naroon rin si Ed. Lintek na puso naman oh.

Bahagya akong napalingon sa kanya at nagulat ng bigla syang ngumiti at sumenyas sa akin.

" Ha?" napaturo ako sa sarili ko saka napalingon sa likod.

" Hoy! Anong ha" tinapik ako ni Rica sa balikat ngunit hindi ko pinansin iyon.

Lumapit si Ed sa akin na ikinagulat ko.

"Ayun naman pala" napalingon ako sa mga kaibigan ko na hindi ko alam ang sinasabi ngunit  nawala na  sila sa tabi ko.

" Ano? Tara? "

"H-ha? S-saan?" lintik na dila to oh. Tumuwid ka naman kahit ngayon lang.

" Diba sabi ko lilibre kita ng chicken balls pag nagkita tayo? " napasapo ako sa noo ko bago pilit na ngumiti sa kanya.

Shemmss. Bakit mo kinalimutan?Nakakahiya.

" Ahh! Oo. Papalam lang ako sa kanila." tatalikod na sana ako sa kanya ng biglang may tumulak sa akin dahilan para mapahawak ako sa braso ni Ed. Agad din naman akong bumitaw.

" Sus! Wala ng paa-paalam. Go na" tinanguan pa nila tsaka ulit itinulak para makaalis na.

Walang imikan ang nangyari sa aming dalawa. Paano ba naman,  sa tinagal tagal naming magkachat,  ngayon lang kami nagkaharap sa personal. Wala rin naman akong masabi sa kanya dahil sobrang nahihiya ako.

" Tagal na dapat nito e,  nakalimutan mo tuloy" mahina syang tumawa bago napakamot sa kanyang batok.

" Ala. Hindi ah" saglit ko syang tiningnan bago ngumiti " Akala ko kasi joke lang yon, "  kita kong napailing sya bago kami tumigil sa isang stall ng street foods.

" Manong, dalawa pong cup" binigyan sya ni manong ng dalawang cup saka nya ibinigay sa akin ang isa. Medyo madami ding tao kaya pinauna ko muna sila bago ako kumuha. Nagulat ako ng ibigay nya sakin ang cup nya na may laman bago kinuha ang akin.Nilagyan nya ang aking cup saka bumili ng dalawang buko juice.

" Pasensya na,  gusto ko sanang ako na ang magdala kaso,  dalawa lang kamay ko" itinaas pa nya ang kamay nya bago ngumiti sa akin . I was stunned for a momment. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Sobrang gentleman nya. Sobrang bait pa. Yung ngiti nya,  grabe! Nakakatanggal garter. Lalo akong nahuhulog sa kanya. Pero hindi pwede e. Teka,  bakit ba hindi pwede ha? Anong masama kung mafall sa kanya? E , matalino naman,  mabait,  gentleman,  magaling sumayaw,  pamatay na ngiti . Ano pang hahanapin mo ha?

Yun na nga e,  wala dyan ang katangian na dapat na gustuhin mo,  Gab.

" Paano? Bukas ulet? " tumango ako sa kanya ng nakangiti saka kinagat ang ilalim ng labi ko para itago ang kilig.

Shemmss! May bukas pa.

Umuwi kami ng hindi ako tinanong ng mga chismosa kong kaibigan tungkol sa nangyari. Alam ko namang iniipon lang nila ang mga kwento para isang bagsakan nalang. Or,  bukas nila ko gigisahin dahil pagod na rin sila.

As always,  chinat ako ni Ed tungkol sa mga bagay bagay. Kung saan saan na nga napunta e. Pati mga hindi naman dapat pag usapan napag usapan na namin.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang nahiga sa aking kama. Nakatitig lamang sa kisame habang iniisip kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Naalala ko nung tinanong ako ni Jessy isang araw kung may feelings ba daw ako para kay Ed. Hindi ako nakasagot nung araw na iyon , dahil hindi ko talaga alam. Ang sabi lang sakin ni Jessy, ay pag isipan kong mabuti.

Paano ba nalalaman kung inlove ka sa isang tao? Kasi ako,  wala rin akong ideya. Oo,  matalino ako. Consistent valedictorian since elementary hanggang  ngayon,  pero bakit ganon? Bakit simpleng salita na,  kung paano nalalaman kung inlove ka ay hindi ko masagot? Siguro ay tama nga sila ,  kapag daw matalino ay tanga sa pag ibig. Pero hindi e,  hindi naman ngayon lang ako nainlove ,  nagkagusto na din naman ako sa iba dati,  nagkaboyfriend na din ako. Pero hindi ganito ang naramdaman ko sa kanila noon e.  Hindi ganito kalalim.

Not My Ideal OneWhere stories live. Discover now