Chapter 2

16.2K 513 649
                                    

NAGMAMADALING inilagay ni Mari ang kanyang mga pinamili sa munti niyang mesa at mabilis na inilock ang pinto ng kanya apartment. May pagmamadali sa bawat galaw niya habang hinuhubad ang mga kasuotan. Nang masigurong wala na siyang damit ni isa sa katawan ay dali dali siyang humiga sa kutson at binalot ang katawan ng makapal na kumot.

May naramdaman siyang bahagyang pagkirot ng kanyang tuhod ngunit hindi niya iyon pinansin. Marahil ay galos iyon ng muntik na siyang masagasaan kanina ng isang magarang sasakyan ng papunta siya sa palengke para bumili ng makakain para sa loob ng isang buwan.

Punong puno ng pawis ang buong mukha dahil sa pag-iwas sa mga taong nakakasalubong lalo na kung mga lalaki iyon. Ilang ulit siyang humugot ng malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili.

"Hindi ka dapat matakot Mari, wala na sila. Ikaw nalang ang mag-isa." Pagkausap niya sa sarili upang ng sa gayon ay maibsan ang matinding takot sa kanyang sistema.

Sanay na siya sa ganitong mga pagkakataon ng kanyang buhay sa loob ng isang taon ngunit hindi siya masanay sanay sa takot na nararamdaman. Sa bawat paglabas niya ng bahay upang bilhin ang mga kailangan ay palagi niyang nararanasan ang ganito.

Lumipas ang kalahating oras bago niya tuluyang napakalma ang sarili. Nang maging maayos ay agad siyang bumangon at inilabas ang mga pagkaing pinamili. Inayos niya ang mga ito sa ibabaw ng mesa at ang iba ay inilagay sa maliit niyang ref na nasa pinakasulok ng silid.

Napatili siya at bahagyang napatalon ng makarinig ng sunod sunod na katok na nagmumula sa pinto. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay at ang malakas na tibok ng kanyang puso. Kinuha niya ang makapal nakumot at ibinalot iyon sa katawan bago lakas loob na nagtungo sa pintuan upang tingnan kung sino ang kumatok.

Dahan dahan niyang hinawakan ang siradura, nagbilang siya ng tatlong beses bago iyon pikit matang binuksan. Iminulat niya ang mga mata ngunit walang tao kaya napatingin siya sa sahid at tulad ng halos nakasanayan na niya ay may nakita siyang envelop na kulay brown. May pagmamadali niya iyong pinulot at muli ring isinarado ang pinto. Sampung lock ang meron siya sa silid maliban sa doorknob dahil hindi siya mapapakali kong hindi niya siguro ang kapakanan.

"Katapusan ngayon ng buwan kaya pinadala na naman niya ito." Tugon niya. Sanay na sanay na siyang kausap ang sarili dahil sa loob ng ilang taon nang magbago bigla ang takbo ng kanyang buhay ay wala na siyang ibang taong kinausap. Mailap na mailap siya sa tao.

Binuksan niya ang envelop at hindi na siya nagulat nang tumambad sa kanya ang libo libong salapi na laman niyon. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng malaking halaga sa kung sino mang taong ni aninu hindi niya nakita, bawat katapusan ng buwan ay may kumakatok sa kanyang pinto at mag-iiwan nito.

Noong una ay hindi niya iyon tinanggap, ilang beses niyang tinanggihan ngunit ng magipit dahil wala siyang ibang mapagkukunan ng pagkain at pangtustos sa pangangailangan ay napilitan siyang gamitin ang pera. Wala siyang trabaho at iyon na ang bumubuhay sa kanya sa loob ng isang taong pamamalagi sa syudad.

Always take care of yourself. I'm just here to protect you. Be strong, we will see each other in a right time.

Pagbasa niya sa sulat na siyang kasama ng mga pera sa loob ng envelop. Bakit niya pa nga ba binasa kung sa bawat pagbigay nito ay iyon at iyon pa rin ang mensaheng nakasulat.

We will see each other in a right time? Kailan ang oras na iyon? Kapag tuluyan na siyang nabaliw? Kapag patay na siya?

Sino ito? Bakit mukhang kilalang kilala siya ng taong nasa likod nito? Noong una akala niya nagkamali lang ng apartment na pinadalhan ang taong iyon ngunit ng ilang beses na maulit ay napagtanto niyang para sa kanya iyon.

Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion (PUBLISHED under Immac PPH)Where stories live. Discover now