Chapter 4

8.2K 393 651
                                    


KIPKIP ng mahigpit ang kumot sa kanyang dibdib habang nakatingin siya sa lalaking nakangiti sa kanyang harapan. Malumanay ang mga tingin nito ngunit sa kabila niyon ay hindi pa rin siya panatag na nasa paligid ito. Nagising siya kanina at ito agad ang bumungad sa kanya. May dala itong tray ng pagkain at inomin.

May takot pa rin sa kanyang kalooban ngunit habang nakatingin sa nakangiti nitong mukha ay hindi niya mapigilang mainggit. Napakaaliwalas ng mukha nito at ang ngiti ay napakasaya na tila walang problema.

Ako, kailan kaya ulit ako ngingiti ng ganyan? Naiiyak na tanong niya sa isipan.

"Gabe na kaya kailan mo nang kumain," pagbasag nito sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Umiling siya. "Hindi ako gutom," ngunit napangiwi nang mag-ingay ang kanyang tiyan.

Mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi nito. "You're hungry, I'll leave for a while so you can eat your dinner." Itinuro nito ang tray na nakalapag sa paanan ng kama.

Nakapamulsa lamang ito hindi kalayuan sa kanya. Nakasuot ng simpleng puting V-neck shirt and gray cotton jogging pants at tsinelas na pambahay. Maayos na nakasuklay ang itim na itim nitong buhok pataas at walang ni isang bigote na makikita sa mukha. Napakalinis. Maaliwalas.

Mas humigpit ang pagkakakapit niya sa kumot nang humakbang ito papalapit sa kanya ngunit tumig din nang makita ang reaksyon niya. Tumango ito na parang naiintindihan ang takot niya.

"If you need anything just knock in my room. Katabi lang nitong kwarto." Tumalikod ito kaya akala niya ay aalis na ito ngunit ilang sandali lamang iyong nakatayo sa kinaroroonan bago muling lumingon sa kanya. "I'm harmless." At tuluyan itong lumabas.

Samantalang siya ay tulala lamang sa pintong nilabasan nito. Ilang ulit siyang napakurap at napabaling sa pagkain na nasa paanan niya dahil muling tumunog ang kanyang tiyan. Doon lamang niya namalayan ang labis na gutom.

Agad siyang bumangon at tumakbo papunta sa pinto upang ilock iyon, naagaw ang atensyon niya ng bukas na bintana na tinatangay ng ngayon ang puting kurtina patungo sa balkonahe niya. Tumakbo rin siya papunta doon upang isara at ilock iyon. Gabe na nga at mas lalo siyang nilulukob ng takot dahil hindi siya sanay sa lugar.

"Kailangan kong umuwi," bulong niya sa sarili. Nilapitan niya ang tray ng pagkain at tila may kaagaw sa bilis niyang kumain. Minsan ay hindi na niya hinunguya ang kanin at agad na nilulunok kasabay ng pag-inom ng tubig.

Kahit na napakaganda ng silid na napapalibutan ng abong kulay ng dingding at kompletong kagamitan mula sa flat screen television, sa single couch sa paanan ng kama na kaharap ang t.v. Carpeted floor at may sariling banyo, doble ang laki kaysa sa apartment niya ay nangangamba pa rin siya. Hindi siya sanay na mapunta sa ibang lugar lalo at lalaki ang kasama.

"Gusto ko nang umuwi." Pagkausap niya sa sarili.

Matapos kumain ay inilagay niya sa mini center table ang pinagkainan na nasa katabi ng kama bago bumalik sa kinahihigaan kanina at binalot ng kumot ang buong katawan. Nanginginig na naman ang kamay niya. Inis niyang tinanggal ang kumot sa mukha at ilang ulit na huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili.

"Parang pamilyar siya," aniya. Hindi niya alam kung saan niya unang nakita ang lalaki pero pakiramdam niya ay hindi ito ang una nilang pagkikita.

"Kahit na ang gwapo ng mukha niya kapag nakangiti ay masama pa rin siya. Walang lalaking mabuti."

Niyakap niya ang sarili at sumiksik sa head board ng napakalaking kama. Ikaapat na bahagi lamang siguro sa kanyang papag na pinagtyatyagaan halos isang taon na.

Napaigtad siya nang makarinig ng katok. Mabilis siyang nagtalukbong ng kumot at mas lalong niyakap ang malambot na unan. Pinagdikit niya ang mga tuhod upang patigilin ang panginginig.

Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion (PUBLISHED under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon