Chapter 3

9.5K 432 768
                                    

Happy reading. :)

ALIGAGANG nag-ayos ng sarili si Mari upang maghanda dahil ngayon siya muling mamimili ng mga kakailanganin sa kanyang apartment. Isang buwan na ang lumipas ng huli siyang lumabas sa madilim na silid na iyon at ngayong ubos na ang supply niya ng pagkain ay mapipilitan na naman siyang lumabas.

Takot siya sa mga tao pero dahil nag-iisa ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang harapin ng paunti unti ang kanyang takot. Kahit anong gawing dasal ay wala siyang nagiging karamay kaya ang sarili nalang niya ang tanging masasandalan.

Nang masigurong komportable na siya sa suot na damit ay ilang ulit muna siyang humugot ng malalim na hininga bago tuluyang lumabas ng maliit niyang apartment. Tulad ng nakasanayan ay makulimlim na ng tingalain niya ang kalangitan.

Walang katao tao sa hallway ng dalawang palapag na paupahan ng land lady niya na siyang ipinagpasalamat niya. Maliliit man ang mga kwarto ay ayos lang dahil ang lugar ay hindi tulad ng sa skwater na maraming mga tao at magugulo. Tahimik at minsanan rin lang na umuwi o umalis ang mga boarders, lugar na tamang tama para sa kanyang pag-iisa.

Nagsimula siyang humakbang paalis at nagtungo sa kanyang destinasyon. Nilalakad niya lamang ang daan mula sa kanyang apartment patungo sa palengke dahil kahit mga taxi driver ay hindi niya magawang pagkatiwalaan. Dala ang basket ay palinga linga siya sa paligid habang mahigpit ang pagkakahawak sa balabal na nakatakip sa kanyang ulo.

Natigilan siya sa paglalakad at napatingin sa babaeng nakasuot ng purong puti at nakangiting may katawag sa cellphone nitong hawak. Hindi niya mapigilan ang pagkirot ng kanyang dibdib habang puno ng inggit na pinagmamasdan ang nurse uniform nito. Noon iyon ang suot niya kapag lumalabas sa kanyang apartment, tulad nito ay palagi rin siyang masayang nakangiti at positibo ang pananaw sa buhay ngunit ibang iba na ngayon ang kanyang sitwasyon.

Bago pa man tuluyang maluha ay nag-iwas na siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi niya makakayang maging nurse ngayon sa kanyang kalagayan, hindi na niya kayang umalalay sa panggagamot dahil mismo ang sarili niya ay hindi niya kayang gamutin.

"Iyong dati pa rin ba, Mari?" Masuyo ang ngiti ni Aling Maing ang tindera ng mga isda at gulay na palagi niyang binibilhan. Suki siya nito kaya't alam nito ang palagi niyang binibili.

Pinilit niyang ngitian ang ale at tumango. "Pasosobrahan kita nitong mga kamatis at sibuyas para marami ang mailagay mo sa iyong tinola mamaya, sakto at mga bagong bagsak ito at sariwang sariwa."

Tulad nang nakasanayan niya ay tahimik lamang siyang nakikinig sa mga kwento nito, likas na makwento ito kaya't kahit papaano ay naaaliw siya.

"May bagong bagsak rin na ampalaya, isasama ko na rin ba?"

"Oho," tanging sagot niya.

"Lagi kang mag-iingat ineng, ha?At lagi kang maging malakas," payo nito.

Nang maiabot sa kanyang ang lahat ng kanyang pinamili ay nagpasalamat siya at agad na nilisan ang lugar.

Ang sunod niyang destinasyon ay ang malaking sari-sari store na nasa tapat ng palengke ngunit agad siyang lumihis at dire-diretsong naglakad nang mapansin niya ang dalawang lalaking sumusunod sa kanya. Ramdam na niya ang tingin ng mga ito kanina n'ong kausap niya si Aleng Maing at ngayon ay sinusundan na siya.

Nanginginig ang kamay na hinigpitan niya ang pagkakahawak sa basket dahil sa labis labis na kabang bumubundol sa kanyang dibdib. Mas lalo niyang nilakihan ang mga hakbang at halos mapatili siya sa takot nang malingunan niyang malapit na ang mga ito sa kanya.

Madilim na at kakaunti lamang ang mga taong makikita sa daan at kahit sumigaw siya ay alam niyang walang sasaklulo sa kanya tulad noon.

"Wag niyo po akong pabayaan," usal niya sa itaas.

Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion (PUBLISHED under Immac PPH)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt