Chapter XLIX: OUTRAGED

8.5K 183 18
                                    

Clark's POV

Aakyat pa sana si Andrea to help Elisha pero ako na mismo yung pumigil sa kanya.

"But-" sabi ni Andrea.

"Kaya na ni Ash yan." Sabi ko.

"El, alam mo na." Sabi ko kay El. Tumango lang si El at saka sumunod kay Ash.

Back up si El. Incase na sumobra na si Ash, si El yung taga pigil.

Medyo nasa dulo pa kaming gawi ng gym. Sobrang dami na agad tao na malapit sa stage na pinapanood sila Elisha. Medyo mahihirapan ata si Ash na makasingit sa mga taong nagkakagulo.

"Ikaw umayos nyan sabi ko!" Sigaw ni Sandra kay Elisha.

"Bakit ako??! Alam nyo ba kung gaano na karami yung nagawa ko dito?! Halos maghapon at magdamag akong gumawa! Ang aga ko pang pumasok! Halos mag iisang araw na akong hindi pa kumakain! Wala rin akong halos tulog! Tapos ako pa yung sisisihin at uutusan nyong tatlo??" Sabi ni Elisha.

"Ay wow!" Sabi ni Sandra sabay irap.

"Matagal na akong nagtitimpi sa mga ugali nyo na yan. Pinapalampas ko na nga lang eh! Pero sobra na!" Sabi ni Elisha.

"Bakit ba masyado kang nagmamagaling?" Sabi ni Marga. Mas lalong lumakas yung tili ng mga nanonood.

"May karapatan ako Marga dahil ako yung leader nyo!" Sabi ni Elisha. Tumawa lang yung tatlo.

"Masyado kang ambisyosa! Sipsip! Feeling magaling! Feeling matalino! Feeling maganda! Ang lakas mo magmayabang! Nahiya naman ako sa kalandian mo! Eh ikaw nga halos isa isahin mo yung ACE eh! Una si El, tapos ngayon si Ash yung hinaharot mo!" Sabi ni Marga.

"Oh? Edi lumabas din yung totoo? Yan yung dahilan kaya kayo galit na galit sa akin. Tungkol lang sa decorating yung topic natin tapos bigla nyong isisingit yung tungkol kay Ash? Haha! Bat ba ganyan yang mga ugali nyo?" Sabi ni Elisha. Agad na hiniklat ni Marga yung buhok ni Elisha.

Marami na ding kumukuha ng video. Kala mo tuloy may stage play.

"Araaaay! Sumosobra ka na Marga!" Sigaw ni Elisha.

"Ako pa yung may kasalanan ngayon? Eh puro palpak naman kasi yang mga gawa mo!" Sabi ni Marga.

"Anong karapatan mong isisi sakin yung kasalanan na hindi ko naman ginawa? Task nyo yan! Yan na nga lang yung pinapagawa ko sa inyo hindi nyo pa magawang maayos!" Sigaw ni Elisha na halatang punong puno na sa pangyayare.

"Eh kung hindi ka kasi pabayang leader, hindi to mangyayare!" Sigaw ni Marga.

Si Marga, Sandra, at Kara. Tatlong mga sassy na freshmen. Kilala sila dahil anak sila ng mayayaman. Yun nga lang, kinapos sa ganda at talino.

"Mygad Marga! Gaano ba kahirap yung magrent ng tela?! Diba sinabi ko sayo kahapon ng umaga na magrent na kayo agad para wala na tayong poproblemahin kinabukasan?? Eh anong ginawa mo? Panay ang pahinga mo dyan sa tabi! Panay ang text nyong tatlo! Puro kayo tambay dito tambay don! Paganda dito paganda don!" Sabi ni Elisha.

Halatang sobrang nainis yung tatlo sa sinabi ni Elisha. Isinaboy ni Sandra yung isang planggana na Harina kay Elisha. Sabay sabay na nag "booooo" yung mga nanonood.

"Oh my god! Para sa games mamaya yung harina na yun! Kawawa naman si Elisha." Sabi ni andrea na nasa tabi ko.

Medyo natatanaw ko na si Ash na malapit na syang makarating sa stage.

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now