Chapter C: ENDING

13.7K 223 23
                                    

(A/N: THIS IS THE ENDING GUYS) :)

Ash's POV

"HELLO ASH." Nagulat ako ng biglang may lumabas sa pintuan ng stock room namin...

Si Elisha.

Hindi ko maiwasan na mapatulala..

Halos 4 months lang ata yung nakalipas pero sobrang laki na ng ginanda nya lalo....

Nakadress sya na color red at naka heels na color white..naka curl din yung buhok nya at naka soft glam make up sya..

"Namamalikmata lang ba ako?" Tanong ko.

Lahat sila nakatingin sa akin at lahat sila ay nakangiti.

"Am I dreaming??" Tanong ko at saka ko paulit ulit na kinusot yung mga mata ko.

Nandito pa rin si Elisha...at nakangiti sya sa akin..

"No anak, it's real.." sabi ni mommy..

Unti unti akong tumayo at sinalubong ko si Elisha at saka ko sya niyakap ng sobrang higpit...

Sobrang dami kong gustong sabihin sa kanya  pero ni isa walang lumalabas sa bibig ko.

Basta gusto ko lang syang yakapin ng sobrang higpitttttt! Yung yakap na wala ng kawala...

"Nice outfit."sabi ni Elisha at saka sya tumawa ng mahina.

"Sabi mo kasi dati na ang cute ko nung nakasuot ako ng pajama eh." Sabi ko.

"Sobrang higpit naman ng yakap mo.." sabi ni Elisha habang umiiyak..

"Dahil ayoko ng mawala ka pa sa buhay ko..." sabi ko..

Mga ilang minuto kaming magkayakap at wala ni isa yung bumabawal sa amin..

"It was your mom who invited me." Sabi ni Elisha.

"Sobra kitang namiss.." sabi ko sa kanya..

"Ako rin naman.." sabi nya.

"Natatanggap mo ba lahat ng sulat ko sayo?" Tanong ni Elisha.

"Only the last one. And thank you dahil pinalakas mo ulit ako...I almost give up.." sabi ko.

"Don't worry...hindi na tayo magkakalayo pa.." sabi ni Elisha...

"Oh sya, tama na yan, kumain na muna tayo!" Sabi ni daddy.

Inalalayan ko na si Elisha na maupo.

"Thank you." Simpleng sabi ni Elisha..

Sabay sabay na kaming kumain..

Halos hindi ko maialis yung tingin ko kay Elisha habang kumakain sya..

Feeling ko kapag kumurap ako, mawawala sya sa akin ulit...

After naming kumain, inaya ko agad si Elisha na sala para manood kami ng movie sana..pero yung totoo, gusto ko lang syang makausap ng matagal...

"Sorry ha..." sabi ko.

"For  what?" Tanong ni Elisha.

"Kasi bigla na lang akong nawala..hindi kita binalikan...wala man lang akong pasabi..."sabi ko.

"Ako nga dapat din tong mag sorry...kasi napahamak ka dahil sa akin.. sana wag kang magalit sa mommy mo dahil inisip lang nya kung san ka mas bubuti..inilalayo ka nya sa akin dahil ayaw ka nyang mapahamak at masaktan.." sabi ni Elisha.

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now