Chapter LXIX: AUTUMN VS. ASH

8.5K 156 15
                                    

Elisha's POV

"Don't tell me hindi mo na alam magtagalog?" Sabi ko kay Autumn.

"I still can syempre." Sabi nya.

Sobrang laki ng pinagbago ni Autumn. Inaamin ko na sobrang gwapo na talaga nya ngayon. Sobrang tangkad na nya hindi katulad nun na halos magkasing height lang kami. Sobrang laki na din ng katawan nya. Nagwowork out kaya to? Halos magkasing tangkad siguro sila ni Ash.

"Big time ka na ngayon ah, congrats nga pala Autumn." Sabi ko.

Naningkit nanaman yung mga mata nya. Ayaw nya kasi na tinatawag ko sya na Autumn.

"Oo na, hindi na, DON." Sabi ko.

Ang buong pangalan kasi ni Autumn ay "London Autumn Mendrez." Sobrang favorite ng mommy nya yung Autumn kaya yun yung ipinangalan sa kanya saka sa London sya ipinanganak. Ayaw nya sa Autumn na name kasi nagmumuka daw syang bakla hahaha! Kaya daw "Don" na lang. Pinapayagan nya lahat ng ibang tao na tawagin sya ng Autumn, except me. Di ko alam kung bakit, basta sobra syang naiinis at yun lagi yung pang asar ko sa kanya.

Nandito pala kami ngayon sa labas ng malaking gate nila Autumn. Magkapitbahay lang naman kami.

Kaninang umaga lang sya nakadating dito. Nagulat nga kami nila mama at papa kung sino yung sobrang agang kumakatok sa pintuan namin.

"Kamusta pala studies mo?" Tanong ni Autumn.

"Okay naman." Sabi ko.

"Still the best? sure you still are." Sabi ni Autumn.

Ngumiti lang ako at alam kong alam nya na yun.

Nung mga bata pa kasi kami, ang goal talaga namin ni Autumn eh magtop lagi sa klase at sa lahat ng competition. And we never fail. Si Autumn? Lagi yang champion sa lahat ng sinasalihan nya. Dahil nga ahead sya sa akin ng ilang taon, tinuturuan nya ako lagi sa lahat ng lessons ko.

Usually, ako lagi yung nahihirapan nun pero lagi syang nandyan para pagtyagaan akong turuan lalo na sa Math. Lagi din akong natutulog sa bahay nila, pero syempre hindi kami magkatabi ni Autumn hano, edi nagalit sila mama at papa haha. Pero okay sa kanila si Autumn, kilalang kilala naman na nila kasi at alam nilang wala syang gagawin sa akin na masama. At saka natutuwa rin ako kasi sobrang bait ng mommy nya sa akin.

"Nga pala, saan mo balak magtrabaho?" Tanong ko. Nakagraduate na kasi sya.

"I am planning to build my own Accounting Firm, and also... I will study again because I want to become a Lawyer." Sabi ni Autumn.

"Aba! Attorney pala ang nais! I know you can do it. Ikaw pa ba!" Sabi ko.

"Haha kaya sayo ako eh~" sabi ni Autumn.

Tumawa lang ako.

Pamaya maya may humintong kotche sa harapan ng bahay namin.

"Ash?" Sabi ko ng mahina.

Parehas kaming napatingin ni Autumn sa kotche.

After ng ilang minuto, bumukas yung pintuan ng kotche at saka sabay sabay na bumaba sila Ash, El, at Clark.

Anong ginagawa nila dito?

"You know them?" Tanong ni Autumn.

Tumango lang ako.

"Hello Elisha!!" Bati agad sa akin ni Clark at saka sila naglakad papunta sa gawi namin ni Autumn.

Medyo nahuhuli ng lakad si Ash at nakayuko lang sya.

"Hello!" Bati ko sa kanilang lahat.

"Nga pala, this is... Autumn, bestfriend ko. Don, sila si Clark,El, at Ash." Sabi ko.

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now