Chapter LXXXIII: KOREAN RESTAURANT

7.3K 152 13
                                    

Elisha's POV

*kinabukasan*

Sabay sabay na kaming nagbreakfast dito sa seafood restaurant ulit. Napansin ko naman na walang masyadong laman yung plato ni Ash. Maski kahapon wala rin halos laman yung plato nya kundi mga pasta lang.

Napansin ko naman na napansin din yun ni Autumn kaya medyo napapailing iling si Autumn. "So anong arte mo?" Tanong ni Autumn kay Ash.

"Ha?" Tanong ni Ash na parang nagulat sa tanong ni Autumn.

"Tss." Sabi ni Autumn sabay baba ng kutsara at tinidor.

"Autumn please.." sabi ko kay Autumn dahil nararamdaman ko na papunta nanaman to sa away.

Napatigil din sa pagkain si El at Clark at halatang nabwisit sa sinabi ni Autumn.

"What did you say?" Tanong ni Ash kay Autumn.

"Wala. Ang arte mo kako. Siguro sanay ka sa mamahaling mga restaurants hano?" Tanong ni Autumn.

"Paano mo nasabi?" Tanong ni Ash na parang walang pake sa mundo.

"Halatang halata naman na nagrereklamo ka. Kung ayaw mo sa Restaurant na to, hwag mo naman masyadong ipahalata." Sabi ni Autumn.

"Ano bang sinasabi mo Autumn??" Tanong ni Clark na hindi na makapagpigil.

"Bakit? Halata naman talaga ah! Sa tuwing kakain tayo dito halos walang kinakain si Ash lagi." Sabi ni Autumn.

"That's because he's allergic to seafoods." Simpleng sabi ni El.

Hindi naman nagalit si Ash. Wala pa rin sya masyadong imik at halos nakatulala lang sa kinakain.

Nakatingin lang sya sa kinakain nya habang dahan dahan na ipinapaikot yung tinidor para makuha yung pasta.

Himala ata at hindi sya nagagalit kay Autumn.

"Before you judge someone, make sure that you know the whole story about it." Sabi ni El.

"At bago ka mang judge, siguraduhin mo muna na judge ka." Sabi naman ni Clark. Medyo nasamid si MM sa sinabi ni Clark na yun.

Hindi na sumabat si Autumn dahil alam nyang mali sya sa part na yun.

Nakatahimik lang kami lahat habang kumakain. Si Ash parang sobrang lalim ng iniisip.

Nang makatapos na kami, sabay sabay na rin kaming nagpunta sa pangpang.

Lalapitan ko sana si Ash kaso pinigilan ako ni Autumn. "Hayaan mo na sya parang ayaw naman nya ng kausap." Sabi ni Autumn.

Sabay sabay rin kaming naupo dito sa may buhangin habang pinapanood yung mga nagsusurfing.

Si Ash panay lang ang laro sa buhangin. Si El at Clark naman busy mag usap. Si MM naman panay ang picture.





Ash's POV

"Bro, talagang ayaw nyang palapitin sayo si Elisha." Sabi ni Clark.

"Alam ko yun." Sabi ko.

"Pano na yan? Hahayaan mo na lang na ganon?" Tanong ni El.

"Oo. Ayoko naman na ipagpilitan ko pa yung sarili ko. Sinabihan na ako ni Elisha na hwag kong aawayin si Autumn dahil best friend nya yun." Sabi ko.

Pamaya maya inaya ni Autumn si Elisha at MM na pumunta sa may isang Restaurant malapit sa tinutuluyan namin.

"Hindi ba natin sila aayain?" Rinig kong tanong ni Elisha.

Medyo mukang nabwisit naman si Autumn.

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now