PROLOGUE

4.2K 81 17
                                    

P R O L O G U E

I rolled my eyes as the red small button lightened up. Marahas kong binagsak ang mga papeles sa Papersheet Area Room at bumalik ulit sa opisina ng napakagaling kong Boss.

"Kakautos palang niya sakin, may susunod na naman!" bulong ko at padabog akong umalis. Mabilis ang mga hakbang ko at sumakay sa elevator. I press the 20th floor and the elevator closed.

"Anong akala niya sakin hindi napapagod?! Bwisit siya, kainis siya! Siya kaya maging Personal Secretary, tapos utus-utusan ko ng sunod-sunod! Tingnan natin kung hindi ba siya mapapagod! Kainis talaga! Sarap niyang sapakin, sarap niyang kiritisin!" inis na inis kong sabi at umeecho pa sa loob ng elevator.

Mabuti na lamang ay ako lang ang mag-isa roon dahil baka kung may kasama ako pag-isipan pa akong baliw.

Nasa 20th floor na, at nabuksan na rin ang elevator. Rinig na rinig ko ang tunog ng 3-inch heels ko dahil sa lakad kong padabog.

Pinagtitinginan na rin ako ng mga empleyado. "Anong mukha yan, Heaven?" hindi ko pinansin ang sinabi ni Cielo at dire-diretso pa rin ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng pintuan ni Boss.

Mabilis ang aking paghinga at inayos ko muna ang sarili ko, bago ako kumatok ng tatlong beses.

"Come in"

Inis kong pinihit ang doorknob at nakita ang Boss ko na prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair, paikot-ikot pa siya habang pinaglalaruan ang ballpen sa kanyang mga kamay.

"You are 30 seconds late, My Miss Secretary." Tumingin siya sa gawi ko at itinigil ang paglalaro sa ballpen. "Alam mo namang siguro ayaw kong pinaghihintay ako, and worst is getting late."

"Boss, 30 seconds lang akong late. At tsaka, ang layo-layo ng inutos niyo sakin. Biruin niyo, nasa 3rd Floor ako at kailangan ko pang mag-elevator papuntang 20th floor para lang sainyo. Tapos sasabihin niyo sakin na 30 seconds akong late, eh nagkaundagaga na ako sa daan para lang makarating dito" inis kong sabi.

He glared at me "So, nagrereklamo ka?"

"Oo!" taas-noo kong sabi. "Kakautos mo palang sakin, mag-uutos ka ulit. Porket Personal Secretary mo ako, ganyan na ang trato mo sakin"

"The word "Personal", Imagine Miss Secretary. P.E.R.S.O.N.A.L, lahat ng gusto kong ipagawa sayo ay dapat mong gawin."

I clenched my fist. Bumaba ang kanyang tingin sa mga ito then he smirked.

What the? He's making my blood boiling!!!

"For your information Boss, alam kong Personal Secretary mo ako. Pero hindi naman araw-araw, utus-utusan niyo ako ng sunod-sunod. Nakakapagod. Tao rin ako hindi ako isang robot o may kapangyarihan na kayang mag-teleport at makakapunta kaagad dito" inilagay ko ang dalawang kamay ko sa balakang ko dahil sa inis at matalim siyang tiningnan.

He chuckled, then he look at me while biting his lower lip "You know, you look hot whenever i see you mad. It makes me turn on, Miss Secretary"

Napanganga ako sa kanyang sinabi pero kinakain pa rin ako ng inis sa kanya. "Pervert!"

He shook his head. "I'm not a pervert, Miss Secretary. Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ng mga mata ko" mas lalong lumawak ang pagtaas ng gilid ng labi nito na mas lalo kong kinainis.

Hindi ko na talaga kaya. Mamamatay ako ng maaga dahil sa bwisit na Boss ko.

I calm myself down for 5 seconds then i smile at him, a fake smile tbh. "So, may ipapagawa pa ba ang aking Great Boss?" ngumiti ako ng pagkalaki-laki pero ang mga ngipin ko gigil na gigil sa kanya.

He raised his eyebrows. Biglang itinaas nito ang hintuturo nito at sinasabi nitong lumapit ako sa kanya na kaagad kong sinunod. Rinig ang tunog ng heels ko, dahil sa dabog.

Nananatiling nakangiti ako sa kanya pero gustong-gusto ko na siya sakalin hanggang mawalan siya ng hininga.

Kung pwede lang eh.

"What is it Boss?" i made a he-he laugh for the sarcasm giggled. Bwisit. Aalis na talaga ako dito bukas. Maghahanap na ako ng bagong trabaho. Kahit anong trabaho basta huwag lang sa isang ito.

I will resigned being his Personal Secretary.

He look at me in my eyes, so intense. His dark black eyes is so beautiful, nakakalunod ang tingin nito sa akin. Nakipagtitigan rin ako dito.

But my body tensed when his face comes closer at mine, then his eyes look down to my lips.

Damn.

I gulped really hard. Then his eyes look into mine. "Let's date"

"Wait, what?!" i step backwards at tiningnan siya ng hindi kapani-paniwala. "Fyi, ayoko ng Boss with Benefits. At tsaka hindi ako klase ng mga babae na madali mo lang makuha sa mga salitang Let's Date". I crossed my arms and raised my eyebrows.

"Gusto ko lang din sabihin na ngayon na ang last na pagkikita natin." I proudly said.

"And why?" halata sa mukha nito ang pagkagulat. "You mea--"

"Yes, I will resigned a leave for being your Personal Secretary." I pronounced Personal as sarcasm. Huh, anong akala niya na kahit boss siya hindi ako lalaban sa kanya.

Not me.

Hindi siya nakapagsalita at nanatiling nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Bukas ko nalang bibigay. Maghahanap nalang ako ng ibang trabaho, kahit anong trabaho basta huwag lang dito at hindi ko makita yang pagmumukha mo. Nakakabwisit ka ng araw. Hmp!" tumalikod na ako at mabilis na umalis sa opisina niya.

Pagbukas ko ng pintuan, nagulat ako ng makita ang mga empleyado sa labas.

Mga chismosa.

Nagpalakpakan silang lahat na ikinagulat ko. Lumapit kaagad si Cielo sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Teh, bilib na bilib kami sayo. Ikaw palang ang tanging sekretarya ni Boss Khalie na kaya siyang labanan. Grabe, ang intense!" bigla niya akong niyakap na ikinangiwi ng mukha ko.

Nang humiwalay na siya tiningnan ko silang lahat "Aalis na ako dito, bukas nalang ako babalik para ibigay sa kanya ang resigned leave ko."

"ANO?!"

"Bakit naman?" tanong ni Cielo.

"Siya ang may kasalanan eh. At tsaka madami naman diyang magagandang trabaho. Basta hinding-hindi na ako babalik rito"

Malungkot ang mga empleyado at niyakap nila akong lahat.

"A-a-ano ba..."

"Mamimiss ka namin Heaven!"

"Wala ng lalaban kay Boss Khalie"

Napangiwi ang mukha ko dahil sa sinabi nila "Ano ba kayo, para naman akong mamamatay. Magkikita pa rin naman tayo sa labas. Ang OA ha." tawa kong sabi.

"Eh paano yan Heaven, bagong sabakan ka na naman" saad ni Cielo. Tumango nalang ako at nagpaalam sa kanila na kailangan ko ng umalis dahil aasikasuhin ko pa ang file for leaving.

Akala niya siya ang may karapatan. Kung gusto kong umalis, aalis ako. Huh.

Nang makalabas ako ng building, tiningnan ko ang mataas na floor at nakita si Boss Khalie na nakatingin sa akin sa glass window.

Inilabas ko ang dila ko at binelatan siya. I raised my middle finger to him na ikinagulat niya.

Tawang-tawa ako sa ginawa ko kaya tumakbo ako habang tumatawa. His expression is so priceless.

Nagiging bad ako kapag bad din ang tao sa akin.

My middle finger raise to you, Boss Khalie...

Dominant Lover (Burning Touch Series 6) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon