CHAPTER 12

1.9K 47 3
                                    

C H A P T E R  12


ISA'T kalahating oras ang sinayang ko para lang sa lalaking ito. Bakit kasi kailangan niya pa maglibot sa kompanya? Meron naman silang sariling kompanya.

"May kailangan pa ba kayo Sir?" tanong ko. Tapos ko na rin naman siyang i-tour baka pwede na akong bumalik at makapagpahinga. Kanina pa ako salita ng salita habang siya ay tango lang ang ginagawa.

Lumapit ito ng bahagya sa akin. "Actually, meron." nasa Printing Room kami dahil iyon naman ang huli kong ipinakita sa kanya. Iilan lang ang mga empleyado nandito, pero hindi maiiwasan ang mga mata nila.

"Kukunin ko sana yung pagmamay-ari ko."

Naitaas ko ang kilay sa sinabi niya. May shares ata siya dito sa kompanya kaya siya bumisita.

"Then, let's go to Mr. Sanchez."

"No."

Natigilan ako. Ano ba kasi ang kailangan ng isang ito?

"Do you know what I mean?" tanong niya. Kita ko ang pagsalubong ng kilay niya. Umiling na lang ako. Mas lalo pa siyang lumapit sa akin at hindi ko maintindihan na parang nanigas ang mga binti ko para umatras.

He is now closer. He lowered his eye level to mine. Sobra ang kanyang paninitig.

Nakakalusaw. Nakakalunod.

"I came here for you. I'm back, Heaven. Are you not happy?"

Doon na sumabog ang pagtitimpi ko.

"Ang lakas naman ng loob mo para sabihin iyan sa akin. Sa loob ng anim na buwan? Iniwan mo ako ng walang paramdam..."

"I know, I know..."

"Wala ka ng babalikan pa Khalie. Wala na. Sa anim na buwan na iyon, kinalimutan na rin kita. Kinalimutan ko ang lahat sayo..." Lies. "At ngayon? Parang wala lang sayo ang lahat. Oo nga naman, hindi naman ikaw yung naiwan. Ikaw yung nang-iwan!"

Hindi ko alintana ang mga tao sa paligid ko. Gusto ko lang ilabas lahat ng nararamdaman ko.

Lumabo ang mga paningin ko dahil sa namumuong luha. Tumingala ako para hindi sila makatakas pero wala rin. Hinayaan ko na.

"Pwede ba? Tigilan mo na ako. Nananahimik na ako bigla ka pang dumating! Okay na eh! Okay na! Pero bakit? Para lang sa akin? Kasi nangako ka na babalik ka para sa akin? Sa loob ng anim na buwan, hinihiling ko lang naman na magparamdam ka pero kahit ni isa, wala."

"Heaven.." sinubukan niyang hawakan ang mga braso ko pero tumanggi ako. "I'm so sorry sweetie. I know it's my fault. I'm sorry."

Wala na akong mahanap na salita kaya tinalikuran ko na lang siya at umalis sa kwartong iyon. Pinunasan ko ang mga luha ko dahil pinagtitinginan na rin ako.

"Hala! Sis, anong nangyari? Why are you iyak ha?" bungad sa akin ng mga kaibigan ko na kalapit mesa ko lang.

"Hindi ah, nabilaukan lang ako—"

"Sinong niloloko mo?" hinawi ni Marjorie ang buhok niya. "Alam namin ang iyak sa nabilaukan. Hay nako Heaven."

Inayos ko na lang ang computer at sinimulan ang trabaho. Patuloy pa rin silang nangungulit sa akin pero tumigil rin ng makitang wala akong gana sumagot.

Dominant Lover (Burning Touch Series 6) ✔Where stories live. Discover now