CHAPTER 17

1.8K 44 1
                                    

C H A P T E R  17

KUMATOK ako sa pintuan ni Mr. Sanchez. Gusto ko makapagpaalam ng maayos. Binuksan ko ang pintuan at sumilip.

"Oh, Ms. DelaCruz, what brings you here?"

Inayos ko ang tayo ko. Nakita kong may nakaupo sa isang sofa kaso nakatalikod ito. Nakatingin sa labas na syudad. May importante pa yata siyang ginagawa, naabal ko pa.

I walked toward his table. "A-ah Sir, gusto ko lang po sana magpaal—"

"About next week? Ms. DelaCruz, you can have your vacation leave in advance. In fact, pwede na ngayon. Tutal, next week rin ay Christmas Break niyo na." putol niya sa akin.

Totoo nga ang sinabi ni Khalie. He already ask Mr. Fuegas about my leave.

"G-ganon po ba..."

"Wait..." pinagsiklop niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng lamesa. "Do you have any relationship to Mr. Ludkiviel?" he asked. Doon ako kinabahan, ano ba ang isasagot ko? Mahal ko naman talaga si Khalie, natatakot lang talaga ako na masaktan ulit.

"H-he's special to me, Sir. We don't have any relationship..." saad ko. Tumingin ako sa ibaba at pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Did you hear that, Mr. Ludkiviel?"

Mabilis kong inangat ang ulo ko kay Mr. Sanchez. Ang lalaking nakatalikod ay dahan-dahang humarap sa gawi ko. Gulat ko itong tiningnan.

Khalie!

"I'm special to you, Heaven?" Khalie asked. Naglakad ito palapit sa akin. Umatras ako ng isang hakbang pero mabilis ang galaw niya. He wrapped his arms to me while looking directly to my eyes.

Hindi ako nakapagsalita. Tinikom ko ang bibig ko at iniwas ang tingin. Kita kong abala sa pagpipirma si Mr. Fuegas ng mga papel na parang wala siyang pakialam.

"Bakit hindi ka makasagot?" bulong niya.

Hinapit niya ang baywang ko sa katawan niya. I can already feel the hot tension between us. Palihim kong kinurot ang braso niya at mariin siyang tiningnan.

"Let me go, jerk! Nasa harapan tayo ng Boss ko. Hindi ka ba nahihiya?"

He smirked. "Why would I? He already know what's between in us..." nilingon niya si Boss. "Mr. Sanchez, who is Heaven in my life?"

Umangat ang tingin ni Boss sa amin.

"She's the only woman whom you love for the rest of your life." saad nito.

Hindi nakatakas sa akin ang pagkindat ni Khalie kay Boss. He raised a thumbs up.

"Huwag kayong maglandian dito sa loob ng office ko, Iuwi mo na yan Khalie." tumawa pa si Mr. Sanchez.

Ramdam kong uminit ang dalawang pisngi ko. Nakakahiya. Lumayo na si Khalie pero nakahawak pa rin ito sa beywang ko.

Mr. Fuegas looked at me. "Heaven, you can have your leave now. Enjoy."

"Thank you, Boss."

Nang makalabas kami sa opisina, kinurot ko ang kamay ni Khalie na nakahawak sa beywang ko.

"A-aray! Aray!"

"Ang landi mo talaga eh noh. Nakakahiya!"

Tumawa lang siya, ngayon naman ay inakbayan niya ako. Iniyuko ko ang aking ulo dahil nakita ko ang mga kaibigan ko sa trabaho na nakanganga habang nakatingin sa amin.

"Khalie..."

"Ihahatid na kita sa inyo para makapagsimula ka na din magimpake ng mga dadalhin mo." nagpatianod na lang ako habang nakayuko. Sa gilid ng  mata ko, ang mga mukha ng katrabaho ko.

Dominant Lover (Burning Touch Series 6) ✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant