CHAPTER 1

2.9K 66 5
                                    

C H A P T E R 1

"ANO?"

"WHAT?"

Natakpan ko ang tainga ko ng malakas na napasigaw sina Mama't Papa. Sinabi ko lang naman sa kanila na nagresigned na ako sa pinagtratrabahuhan ko.

Kung makareact naman sila parang laking kawalan ng pag-alis ko doon.

"Anak, bakit? Sayang. Ang laki ng pinapasahod sayo ng boss mo. Laking tulong sa pamilya natin."

I flip my hair "Ma, oo malaki nga ang sahod. Pero puta--"

"Heaven!" Papa said.

Sumimangot lang ako "Sorry..." I look at them "Umalis lang naman ako doon kasi utos ng utos yung boss ko. Parang ako lang ang empleyado na nagtratrabaho roon, ang dami-dami niyang pinapagawa sa akin." padabog kong tinusok ang pagkain sa plato at sinubo.

Rinig kong nagbuntong hininga si Papa. "Heaven hija, ganoon talaga ang pagtratrabaho. Mapapagod at mapapagod ka talaga, kaya anak bumalik ka na dun"

Dikit ang kilay ko silang tiningnan "Teka nga lang, bakit ba gustong-gusto niyo akong bumalik roon?" hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-iwas nila ng tingin sakin at nanahimik.

May itinatago ba sila sa akin?

"Ma? Pa?"

"E-eh syempre malaki ang sahod doon eh"

"Oo nga, tsaka mahihirapan ka ulit maghanap ng trabaho sige ka"

I raised my eyebrows and look at them in their eyes, panay ang iwas nila ng tingin sa akin. I smell something and i have to find out.

Sigurado akong may mali eh.

Hinayaan ko nalang sila, umalis na rin ako kaagad para simulan ng maghanap ng trabaho. Desidido naman talaga ako na maghanap ng ibang mapapasukan and at the same time nanghihinayang rin, sayang yung sahod ko dun. 150,000 kada buwan.

Di ba? Nakakagulat. Kaya nung naghahanap sila ng Personal Secretart nung CEO nila na si Boss Khalie, agad kong pinasukan iyon. Sa unang beses ko palang na nainterview, hired na kaagad ako.

Akala ko magiging maayos ang pagiging Personal Secretary ko pero hindi pala! Para akong nasa impyerno! Kaya mabuti na lang talaga umalis na ako roon at hindi na ako babalik dun!

Tirik ang sikat ng araw na kahit may dala na akong payong ay ramdam ko ang init nito sa balat ko.

Wanted: Waitress/Waiter, Janitor

Kung sineswerte ka nga naman oh! Salamat!

Pumasok na ako sa loob at tinanong ang isang empleyado roon. "Excuse me, nakita ko kasi na naghahanap kayo ng waitress. Available pa ba?"

Biglang nagpanic ang babaeng empleyado at mabilis na tinanggal ang nakapaskil sa labas na WANTED, "A-ah eh, meron na kaming nakuha. No slots na po. Pasensiya na po" dali-dali nitong tinapon iyon sa basurahan.

"O-okay" pagaalinlangan kong sagot. She's weird. Nagpasalamat nalang ako rito at malamyang lumabas ng restaurant. Hindi iyon swerte. Urgh!

After 2 Hours...

"Ayoko na!" hinampas ko ang folder sa sahig at napaupo sa gilid ng kalsada. "Ano ba naman yan! Ni isa walang tumatanggap sakin! Ano bang mayroon at hindi ako nahihire? Naglagay pa sila ng wanted kung mayroon na pala silang nakuha" ani ko. Kinamot ko ang ulo ko at kinuha ang folder.

"Paano na ako nito? Saan na naman ako maghahanap?" dagdag ko. Matamlay kong tiningnan ang kalsada habang hawak-hawak ang payong. Ang init na nga ng panahon, nakisabay pa itong init ng ulo ko.

Dominant Lover (Burning Touch Series 6) ✔Where stories live. Discover now