Chapter 12 "Sister's Love" (Edited)

17.1K 622 92
                                    

[[[ 3rd Person's POV ]]]

"Oy wala pa rin si Liza hanggang ngayon, wala ba tayong balak na hanapin siya?" Tanong ni Maggy sa kanyang mga kasamahan dahil napansin nya na ilang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa rin si Liza.

"Baka tumae lang yun at nagdedeliryo na sa banyo kaya matagal" Sagot sa kanya ni Lyza. Alam niya kasi sa kapatid niya ay nagtatae ito kapag nasobrahan sa pagkain ng chocolates, naparami yata ang kain sa mga chocolates na dala ni Abby.

"Grabe ah, Lyza ah. Sobra ang pagiging concerned mo sa Twin sis mo ah... 'kakatouch" Pabirong sabi ni Abby at nagkunwari lang nagpupunas ng luha.

Natawa naman ang mga girls sa loob ng kwarto.

"Hoy Abby maligo na nga muna tayo at ako'y init na init na." Sabi ni Andy kay Abby

"Ay oonga pala!! Dalawang araw na pala kong hindi naliligo" Sabi ni Maggy at mabilis naman lumayo ang mga kasamahan niya sa kanya at mga nagtakip pa ng ilong na para bang bahong-baho sila kay Maggy

"Hello! Hindi lang ako naligo, hindi po ako nakapatay inosente po ako. Grabe kayo sakin" Sabi ni Maggy at nagdrama pa dahilan para matawa ang mga babae sa room.

"oh rose saan ka pupunta?" Tanong ni Cyril ng mapansin niyang tumayo si Rose

"Ah pupunta akong kitchen gagawa ng milk. Alam mo naman na hirap ako makatulog kapag hindi naggagatas" Sabi ni Rose kay Cyril at lumabas ng room, totoo naman ang sinabi ng dalaga na hindi siya nakakatulog kapag walang milk.

"Eh ikaw naman Lyza saan ka pupunta?" Tanong ni Celine kay Lyza ng tumayo ito.

"Sa labas hahanapin ko lang si kambal ng makatulog na kami" sabi niya sa kaibigan at lumabas ng kwarto.

"Uwian na ba? Wait lang hindi pa ko tapos kumain ng chocolates" Sabi ni Maggy at patuloy sa pagkain.

"Kasi Maggy ang Nutella pinapalaman sa tinapay hindi para papakin mo" Sabi ni Cindy sa kanya.

"Hello!! Ang Nutella sa panahon ngayon pinapapak na lang. Grabe Cindy chef ang parents mo pero outdated ka sa pagkain ng Nutella" Sabi ni Maggy sa kanya at halos kalat kalat ng kumain ng Nutella.

Marami na rin ang umalis sa kwartong iyon dahil mga nagsipaliguan, ang naiwan lang sa kwarto na iyon ay si Maggy,Celine, at Cindy.

***

"Huu refresh!" Malakas na sigaw ni Xander pagkatapos niyang maligo. Dahil nga marami sila at 5 lang ang shower room sa boys ay kailangan pa nilang mag-hintayan.

Naglalakad siya papunta ngayon sa kwarto niya para kumuwa ng damit. Nakasabit naman sa leeg ang towel niyaa at pinupunasan ang kanyang basang ulo. Naka-expose ang katawan niya habang naglalakad.

"Oh Abby saan ka galing?" Sabi niya ng makita niya si Abby sa entrance at mukhang bagong ligo lang ito.

"Ade naghanap ako ng ibang C.R sa park na pwede akong maligo like duh? Ayoko kayang maghintay sa kanila dahil mababagal maligo ang mga kikay" Sabi ni Abby kay Xander at inirapan ito. Napangiti si Xander sa inasal ni Abby dahil alam niyang lumalabas na ang mga totoong kulay ng kanyang mga kasamahan.

"Grrr ang lameeeeg!" Biglang may nagsalita sa likod nuya at nakita nuya rin si Jaypee na nakatopless at tumatakbo papunta sa room niya.

Doon lang din naramdaman ni Xander ang ginaw kaya naman tumakbo na siya papunta sa room niya, pero bago iyon ay nahagip ng mata niya ang Lyza na papasok sa entrance na mukhang bagong ligo lang din at sa labas rin ng hotel naligo.

***

Mahimbing ng natutulog ang lahat sa loob ng kani-kanilang room ng biglang sumisigaw na pumasok si Maggy sa loob ng hotel.

"TULONG! TULUNGAN NIYO KO!" Sigaw ni Maggy at nagmamadaling tumakbo papunta sa mga kwarto at malakas na kinakalampag ang mga pinto nito.

"Gosh! Maggy, hating gabi na nambubulabog ka pa! Kung maghahanap ka lang ng kalaro sa scrabble, pass muna ko" pumupungas na sabi ni Andy pagkabukas niya ng pinto.

"Si-si Liza!!!" Malakas na sigaw ni Maggy at dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Napabangon naman ang lahat dahil hindi pa nga nila nakikita si Liza.

"What happened to her!?" Sigaw ni Roger paglabas niya sa kanyang kwarto. Wala silang pake kung naka pantulog silang lahat at hindi nakapansosyal mode.Buhay ng kasamahan nila ang nakasalalay.

"At the Inn" Sagot ni Maggy sa kanya, nagbabalak kasi siyang kumuwa ng beverage para makatulog siya ngunit nakaamoy siya ng malansang amoy mula sa Ikalawang palapag ng Inn. Doon na nga tumambad ang walang buhay na katawan ni Liza.

Agad naman silang tumakbo lahat papuntang Inn, kahit mga antok na antok ay pinilit nilang magising.

"WHAT HAPPENED TO MY TWIN SIS?!" Sumisigaw na sabi ni Lyza habang sila'y tumatakbo.

"I don't know! Nakita ko lang sya doon" Malakas na sigaw ni Maggy sa kanya.

Pagdating nila sa Inn ay agad silang tumakbo sa ikalawang palapag at pumasok sa room na tinutukoy ni Maggy.

"What the heck!?" Malakas na sigaw ni Edrick ng makita na puro dugo ang kwarto at hiwa-hiwalay ang parte ng katawan ni Liza.

"Sinong may gawa nito sa kapatid ko? SINO!" Malakas na sigaw ni Lyza at lumapit sa mga putol na katawan ng kapatid at niyakap ito. Wala siyang pake kung mabahidan siya ng dugo.

"Ano to?" Nauutal na sabi ni Rose ng may makita sya sa pader na nakuwa naman ng atensyon ng lahat.

Nakasulat ang mga bawat letra gamit ang dugo, dugo ni Liza.

"SORRY"

"SORRY?" Naguguluhang tanong ni Rain, alam niya rin naman na walang kaalam-alam ang mga kasamahan niya.

"What's the use of sorry kung nangyari na... Mababawi ba niyan ang buhay ni Liza na nawala?" Sabi ni Abby.

"Sino ba ang gumagawa ng mga kagaguhang ito! please sino" Sabi ni Judy at napaupo sa sahig dahil sa takot at tuloy-tuloy na dumaloy ang kanyang luha.

Lahat sila ay nagulat sa ginawa ni Judy dahil ito ang unang beses nilang makita na matakot si Judy ng ganun. Kilala kasi nila ito bilang isang matapang at mataray na babae, lahat sila ay natahimik sa kwarto. Dinig na dinig nila ang bawat paghikbi ni Lyza na mararamdaman mo na nasasaktan ng todo sa nangyari at sinapit ng kanyang kapatid.

Death Game: The Royal BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon