Chapter 18 "Moving On" (Edited)

18.1K 608 54
                                    

3rd Person's POV

Lahat sila'y nagising dahil sa ginawang ingay ng mga babae, napalabas sila ng kani-kanilang mga kwarto at napatakbo sa kung saan nanggagaling ang sigaw. Natatakot sila na baka may nangyari na namang masama sa isa nilang kasamahan.

Isa-isa silang dumating sa tapat ng elevator at laking gulat nila ng tumambad sa kanila ang walang buhay na si Xander na nakabitin.

"Shit! Sinong gumawa nit okay Xander?! Sino?! Sino?!" Malakas na sigaw ni Will habang nilalapitan ang kaibigan, umiiyak siyang lumapit kay Xander.

"Hi-hindi namin alam basta na-nakita lang namin s'ya na ganyan nung pagkabukas ng elevator" Sabi ni Andy habang patuloy na lumuluha ang kanyang mga mata, never n'yang inexpect na isang close friend n'ya sa mga lalaki ang mawawala... ang hirap... ang hirap tanggapin.

"Will huminahon ka" Sabi sa kanya ni David dahil nakikita ni David ang galit sa mukha ni Will.

"Huminahon? Ayos ka rin pala eh! Bata pa lang kami ay magkasama na kami ni Xander! Tapos sasabihin mo huminahon ako, gago ka ba?! Pare-parehas kayong walang mga alam, hindi naman kasi kayo ang nawalan" sigaw ni Will.

"Will oh" sabi ni Roger at inaabutan nIya si Will ng kutsilyo para maputol ang lubid na nakatali sa leeg ni Xander, agad naman itong kinuwa ni Will at Ibinaba si Xander.

kagabi lamang ay naghaharutan pa sila sa kwarto ni Rain tapos ngayon malalaman na lamang nila pagkagising ay wala na si Xander, isang malaking gaguhan ang nangyayari sa kanila.

"Oy Xander... Gising naman oh...Wala namang ganyanan pre!" Sabi ni Will habang tinatapik ng mahina ang pisngi ni Xander. Isa-isang bumabagsak ang mga luha ni Will.

"Oy guys may nakita kaming pap---" May sasabihin sana si Maggy ng biglang sumabat si Andy.

"Guys, we should investigate this" sabat niya. Tinitigan naman siya ni Maggy ng puno ng pagtataka.

'ba't ayaw ipaalam ni Andy ang nakita namin?' Iyan ang tanong na biglang nabuo sa isipan ni Maggy.

Tinitigan naman siya ni Andy na parang sinasabi na dapat magtiwala siya sa kanya.

***

"Oh ano kamusta na si Will?" Tanong ni Judy habang nasa Restaurant sila, nag-imbistiga naman sila kaso nga lang wala talaga silang makitang ebidensya dahil napakalinis ng pagkakapatay kay Xander, pulido!

"Ayon nagkukulong parin sa room n'ya" sagot ni Roger.

"Give him some space, kailangan n'ya 'yan. Kaibigan n'ya ang namatay" sabi naman ni Charly at binigyan naman sya ng tango ng iba.

"Abby anong sinasabi mong magkasama kayo kaga---?"

"Oh diba gutom ka Maggy, eto pa Spaghetti oh! Ang laki na ng pinapayat mo oh" Sabi na naman sa kanya ni Andy at sinubuan siya ng maraming Spaghetti, binigyan ni Maggy ng matatalim na tingin si Andy pero parang wala lang kay Andy.

"Abby ano yung sinasabi ni Maggy?" Curious na tanong ni Rose.

"Wala! Wala!" biglang depensa ni Abby sa kanyang sarili.

Naguluhan naman ang lahat sa kinikilos nila.

"They've know something" Bulong ni Edrick sa mga katropa niya.

"I feel that too" pagsang-ayon sa kanya ni Samuel.

"Kung ano man yung tinatago nila aalamin natin 'yon" Sabi ni Edrick at binigyan siya ng tango ng mga kasamahan.

Death Game: The Royal BattleWhere stories live. Discover now