Chapter 27 "Tape" (Edited)

16.4K 544 97
                                    

[[[3rd Person's POV]]]

"Guys nakita niyo ba si Roger? Nasa kanya kasi yung bracelet ko eh, hiniram niya kahapon" Tanong ni Ervin sa mga kasama

"Huh? Umagang-umaga naman hinahanap mo si Roger, baka naman nasa kwarto niya pa natutulog" Sagot sa kanya ni Lyza habang nagtitimpla ito ng kape.

"Sa tingin mo ba hindi ko s'ya chineck sa kwarto n'ya? wala nga siya dun eh" Sabi na naman ni Ervin.

"oh ba't galit ka? Baka nasa labas hanapin mo na lang" Pabirong sabi ni Abby habang naglalagay ng pinggan sa lamesa para makapagsalo-salo na sila sa agahan.

"Mabuti pa nga pero bago yun, kakain muna ko. Mukhang masarap ang nilutong pagkain ngayon ni Chef David eh" Sabi niya at umupo sa isang upuan at sumandok na ng kanin at ulam.

"alam mo ang selfish mo Ervin! Hintayin mo nga yung mga kasamahan natin. Put some little manner dude" Sabi sa kanya ni David na tinatanggal na ang kanyang apron.

"Argh! Fine, mukha kasing masarap talaga 'to eh" Zabi ni Ervin at inaamoy-amoy pa ang pagkain.

"Abby, tatawagin ko lang sila ah. Better na bantayan mo yung isa d'yan, baka kasi pagbalik ko wala na kaming kainin at magbalat na lang kami ng patatas" Pabirong sabi ni David at binigyan ng nakakalokong ngiti si Ervin.

"Gago 'to ah! Anong akala mo sa'kin timawa? Tapos kay Abby mo pa ko balak pabantayan haha! Patawa ka naman" Sabi nya naman at binigyan ng nakakalokong ngiti si Abby.

"Aba'y pakyu ka! Napansin niyo na naman yung katabaan ko! For your information sexy na kaya ako, pumapayat na ko" Pagmamalaki ni Abby sa kanila.

Inalisan na lang siya ni David dahil no comment ito sa sinabi ni Abby.

***

Nang nasundo na ang lahat ay nagtataka ang karamihan kung bakit wala pa si Roger.

"Ano naniwala na kayo na wala si Roger? Takte yung bracelet ko nasa kanya" Sabi ni Ervin sabay subo sa kanyang kinakain.

"Masama ang pakiramdam ko dito ah" Sabi naman ni Charly

"Hay! Bago nga yang aksyon kumain muna tayo, mahirap kumilos ng gutom. We need an energy para sa buong araw" suhestiyon ni Judy sa kanila.

"Oo nga guys, malaki ang chance na pumayat si Abby kapag ganun ang nangyari" Sabi ni Will at sinuntok naman siya ng malakas ni Abby sa tiyan.

"Pakyu ka sagad! Sasabat ka na naman, magmamagaling ka na naman eh! H'wag niyong papakainin tong gunggong na 'to ah!" sigaw ni Abby.

"Joke lang naman! Sabi ko nga kain muna tayo bago hanapin si Roger" Sabi ni Will at umupo na sa isang upuan.

Tahimik lang nilang pinagsaluhan ang pagkain, kung kanina ay nagagawa pa nilang magbiro. Iba na sa sitwasyon ngayon lalo na ngayon na alam na nila na nawawala si Roger. Hindi sila mapapalagay dahil ang isa sa mga pinaghuhugutan nila ng lakas ang nawawala ngayon.

"Guys I think we should do a move now?" Tanong ni Edrick sa mga kasamahan.

"Right, hindi na rin ako mapakali, parang may something eh" Sabi naman ni Rain at tumayo sa upuan. Wala ng ibang choice ang iba kun'di gayahin si Rain.

"It's better na sama-sama tayong maghanap, para ma-assure natin ang safety ng bawat isa. Be close to your friends But be closer to your enemy" Makahulugang sabi ni Jaypee na sinang- ayunan naman ng lahat.

Death Game: The Royal BattleWhere stories live. Discover now