Chapter 23 "Thorn in a Rose" (Edited)

17.3K 583 98
                                    

[[[3rd Person's POV]]]

"Guys pwede bang umupo muna tayo? ang sakit na ng paa ko oh!" sabi ni Lyza at umupo sa isang malaking piraso ng bato na nasa gilid ng mga puno.

Nasa loob sila ng mapunong bahagi ng isla, buti nalang ay kasama nila si David kung hindi ay naligaw na sila.

"Oo nga guys! Promise! Hindi natin maiikot tong buong isla na to ng isang araw lang" Dagdag pa ni Rose at umupo sa tabi ni Lyza at minasahe ang kanyang masakit na paa.

"Hey guys! Ang mga prinsesa natin oh pagod na, we should take a rest muna then babalik na tayo sa Hotel" Sabi ni David kay Jaypee at Will.

"Thanks god at pinagbigyan n'yo rin kami! lintek, gusto n'yo yatang magkamuscle ang mga binti namin eh" Sabi ni Lyza at minamasahe niya pa ang kanyang binti, napansin naman ni Rose ang magandang bracelet na nakakabit sa kamay ni Lyza.

"Ay Lyza! Ang ganda naman nito, bet ko" Sabi ni Rose at hinatak nya ang kamay ni Lyza para nas makita ng malapitan ang bracelet.

"Sandali, parang pamilyar na 'yang bracelet na 'yan ah, nakita ko na s'ya ng maraming beses. I can't remember lang kung kanino ko nakita" Sabi ni David at parang iniisip niyang mabuti kung san niya nakita yung bracelet.

"San nga b---"

"Kay Liza! Nakita ko 'yan kay Liza!" Sigaw ni Will ng maalala niya kung kanino niya iyon nakita.

"Ah oo kay Liza 'to, eto ang huling bagay na ibinigay sakin ng kapatid ko bago s'ya mawala" Bakas sa mukha ni Lyza ang pangungulila at pagkalungkot ng bigla niyang maalala ang kapatid niya.

"Ahh pasensya na kung napansin ko pa ah? Nagandahan talaga kasi ako" Nahihiyang sabi ni Rose.

"Papersonalize kasi 'tong bracelet na 'to, ako at si Liza ang nagdesign nito. Si Liza lang talaga ang nagsusuot dahil birthday gift ko sa kanya 'to nung 12 years old na kami" Pilit na ngiti ang ibinigay sa kanila ni Liza.

"Stop na ang drama! Tara na bumalik na tayo sa Hotel at alam kong nagugutom na kayo" sabi ni David sa kanila, agad naman silang tumayo, para maiayos ang sarili.

Napatahimik na lang si Jaypee habang sumusunod sa kanila, kanina pa kasi siya may napapansin at yung napapansin niya na yun ay baka maging daan para makaalis sila ng isla.

"Huu buti na lang may David tayo kung hindi kanina pa tayo naligaw" Sabi ni Will.

"Oo nga eh!"

"Ano ba kayo, tinandaan ko lang yung mga dinadaanan natin then nag-iwan ako ng ilang palatandaan para makabalik tayo... oh! Kapag naliligaw alam n'yo na ang gagawin n'yo ah? do the David's style" Sabi ni David na ikinatawa naman ng lahat.

"Jaypee bakit parang kanina ka pa tahimik? May sakit ka ba fre?" Tanong ni Rose at hinipo ang leeg at noo ni Jaypee agad naman tinapik ni Jaypee ang kamay ni Rose dahil hindi siya sanay na ginagawa sa kanya iyon.

"Aray ko naman! Hindi ka naman mainit pero parang sinaniban ka d'yan" Sabi ni Rose.

"Wala! Nakakapagod lang talaga mag-ikot, tsaka nakakagutom. Nag-iikot kasi tayo ng tirik na tirik ang araw"Sabi ni Jaypee at pinahid ang humuhulas niyang pawis.

"oo nga eh, kaya tara na dahil gutom na ko" sabi ni Lyza... pinangunahan naman ni David ang daan pabalik sa hotel para makakain na sila

Death Game: The Royal BattleWhere stories live. Discover now