Chapter 16 "Forget the Problems" (Edited)

20.1K 651 61
                                    

3rd Person's POV

"Lyza kumain ka muna oh, kanina ka pa dyan tulala" Sabi ni Cyril habang inaabutan ng pagkain si Lyza.

"No, hindi ako gutom" Sagot n'ya kay Cyril ngunit tulala pa rin siyang nakatingin sa kanyang mga kamay. Hinawakan naman ni Cyril ang kanyang kamay upang mapagaan ang kanyang loob.

"Lyza, Walang may kasalanan sa nangyari, naipit lang tayo sa sitwasyon" Sabi ni Cyril sa kanya, masyadong naging tensyonado ang nangyari kanina pero pagpapatawad lang at pag- unawa ang naisip ni Cyril na paraan para makaiwas sa mas malaking gulo.

"Nagpapatawa ka ba? Nakapatay kami! Dapat pala nakinig ako sa inyong dalawa ni Edrick, dapat hindi na ko nakihatak, hindi na ko nalalayo sa isang killer. Killer na pumatay sa mga kaklase natin, killer na pumatay sa kakambal ko, isa na 'kong mamatay tao" Humahagulgol na iyak ni Lyza habang pinagmamasdan ang kanyang mga kamay.

"Kamay mo lang ang nadungisan pero ang malinis na hangarin mo na mabigyan ng justice ang kapatid mo, enough na reason na 'yon para patuloy kang lumaban. Alam mong isa satin ang main killer at h'wag mong ipakita sa kanya na nahihirapan ka, na nasasaktan ka, na napanghihinaan ka ng loob. Pwede n'ya 'yon gamitin para maging sandata laban sayo" Sabi ni Cyril at bigla naman yumakap sa kanya si Lyza at umiyak ng malakas.

"Pero si Celine at Cindy..... Napatay namin sila"

"I'm sure na naintindihan kayo ng dalawa na yun, they know na gusto n'yo lang makaalis sa lugar na 'to and they know na kahit baliktarin man nila ang sitwasyon... mamamatay pa rin sila" Nakangiti na sabi ni Cyril kinuwa niya naman ang pagkain na nakapatong sa isang table.

"Lyza eto oh, kumain ka muna dahil kailangan mo 'to, kailangan mo ng maraming lakas para mag-continue pa rin sa larong 'to" Sabi sa kanya ni Cyril at hindi na maiwasan ni Lyza na mangiti sa kabaitang ipinapakita ni Cyril sa kanya.

"Salamat Cyril"

***

[[[ P.O.V. Maggy ]]]

Nandito ako ngayon sa Restaurant, ikakain ko na lang lahat ng nangyari ngayon. wala akong time para mag-inarte pa! Like duh? Hindi lang ako mag-isa ang gumawa ng krimen na yun. marami kami, halos lahat sa amin. The killer just tempt as to kill Celine and Cindy, pero ang problema pa rin ay nasa amin, nagpadala kami sa tempt na yun. Masisisi n'yo ba kami na gusto na talaga namin makaalis sa lugar na ito?

Napalingon naman ako sa kabilang side ng table at nakita ko si Edrick, mag-isa lang s'yang kumakain and mukhang dumidistansya s'ya sa mga kaibigan n'ya...... it really hurts siguro sa kanya dahil hindi nakinig sa kanya ang mga kaibigan nya.

Napansin ko rin na gustong-gusto siyang lapitan nila Rain upang humingi ng tawad pero pinangungunahan sila ng takot.

"Lapitan na kasi natin s'ya. Its our fault kaya dapat tayong magsorry kay Edrick" naririnig kong bulong ni Charly.

"No, Let's give him some space muna. I'm sure na fresh pa sa kanya yung nangyari and he was blaming us kasi we are the reason why Cindy and Celine died" Sagot naman ni Rain sa kanya which is sa tingin ko ay tama.

"Yeah I agree with Rain" Pagsang-ayon ni Samuel.

"Sige na, panalo na kayo pero mamaya kakausapin na natin s'ya. Hindi ako sanay na gan'to ang barkada" Sabi ni Charly na may lungkot sa kanyang mga mata.

"Oy Girl, keri mo pa ba ang nangyayari?" Seryosong tanong sakin ni Abby na kakaupo lang sa tabi ko pero nakita ko sa kabila ng kanyang pinapakitang ngiti, meayong mga luha na kanina pa nagbabadyang pumatak.

Death Game: The Royal BattleWhere stories live. Discover now