5

5.3K 124 2
                                    

Pinasadahan ko ng mga daliri ang aking kulot na buhok nang matapos kong basahin ang ipapabasa samin ni Sir. May sasagutan din kasi kami rito.

Narinig ko ang mahinang pag reklamo ni Stacie na nasa tabi ko. "Ano ba yan hindi ko maintindihan... " Nilingon ko siya.

Naramdaman niya naman ang paglingon ko sa kaniya. Nabasa ko agad ang gusto niyang sabihin sa akin gamit ang kaniyang mata.

"Pa help." Nahihiyang sabi ni Stacie. Mahina akong natawa at lumapit pa ako sa kaniya upang ma explain ko ng maayos sa kaniya at maintindihan niya ito.

This is about love. Nakasaad dito na hindi mo malalaman kung kailan, saan, bakit, at paano mo siya siya minahal. Basta basta mo na lang mararamdaman at masasabi na mahal mo pala ito.

May iba't ibang pagmamahal. Pagmamahal sa Diyos, sa pamilya, sa kaibigan, sa kalikasan, sa bagay at sa taong gusto mo makasama sa pag tanda. Ang pag mamahal ay isang damdamin ng tao na may iba't ibang kaakibat na emosyon. Makakaramdam ka ng kilig, lungkot, saya, selos, tampo,at galit.

Marami rin ang nasasaktan sa pag ibig. Dahil may mga taong hindi nakukuntento. Nanloloko sila, gaya na lamang pag rerelasyon sa iba kahit may may karelasyon pa sila. Kaya may mga taong ayaw na magmahal. Natatakot sila na baka maulit muli ang karanasan na yon.

Nakailang minuto din ako bago maintindihan ni Stacie.

Nang matapos na napag desisyunan namin na pumunta na sa canteen dahil nagugutom na rin kami.

"Thankyou bestfriend!" Sabay yakap nito sa akin ng makaupo kami.

Daing ko. "Ouch..." Masyado mahigpit ang pagkayakap niya sa akin kaya naipit ang naglalakihan kong dibdib.

Mahirap kaya na magkaroon ng ganito kalaki. Dahil kahit sobrang balot na balot ako may mga tao pa rin nambabastos sa akin.

Humiwalay kaagad si Stacie. "Kasi naman ang laki laki ng dede mo." Kunwaring inis niya sa akin. "Mag donate ka naman." Dagdag pa nito at tumingin sa dibdib niya. Hindi naman maliit ang kaniya , sadyang mas malaki lang ang sakin.

"Tumigil ka nga diyan." sabay tawa.

Tumayo na si Stacie upang siya na ang mag order ng pagkain. Maraming nabenta si mama kahapon kaya nakapag bigay ako kay Stacie ng pera sa pagkain namin. Una ayaw itong tanggapin ni Stacie ngunit wala naman siyang nagawa. Kaya tinanggap niya na ito.

Habang kumakain kami. Bigla kong naalala ang usapan namin ni Peter. Hindi ko pa rin ito nasasabi kay Stacie. Dahil nakakalimutan ko ito.

"Bestfriend gusto pala ako ligawan ni Peter."

Nagulat ako ng nabulunan si Stacie. Agad kong kinuha ang juice niya at binigay ito sa kaniya. Hinimas himas ko pa ako kaniyang likod.

"What?!" Gulat na tanong ni Stacie. Ano bang nakakagulat sa sinabi ko?

Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin. "Gusto niya kako ako ligawan... "

"Oh, no... anong sabi mo?"

Tumingin ako sa kaniya. "Ang sabi ko..." Huminga muna ako ng malalim. "Ang sabi hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kaniya."

Ngumiti siya pero nagpatuloy pa rin siya sa pagtanong. "Ano yung sagot niya?"

Bigla akong nalungkot. "Wala siyang sinagot. Basta na lang siyang umalis ng bahay. Nakita ko rin siya kanina sa Gym. nagkatingan pa kami ngunit umiwas lang siya ng tingin."

Zaniel Alejandrino Where stories live. Discover now