27

4.4K 96 4
                                    

Pagkamulat ko ng mga mata napadaing ako at napahawak sa aking ulo.

"Baby... "

Lumingon ako sa nakahawak sa aking kamay. Si Zaniel.

"Ano nararamdaman mo?" Nag aalalang tanong nito sakin. Bumuga ako at ngumiti ng pilit. "Medyo nakirot lang yung ulo ko."

Tumayo ito. "Sandali tatawagin ko lang yung doctor." Sabay halik sa noo ko.

Napapikit ako sa ginawa niya.

Bago niya pa ako talikuran inabot ko ang braso niya. "Please hurry up." Wika ko.

Napangiti si Zaniel. "Yes. I will."

Sumandal ako. Iniisip ko kung bakit ganun. Dati rati naman hindi ako hinihimatay everytime na sumasakit ang ulo ko. Ngayon na lang ulit.

Simula nakita ko yung picture ng baby na yun. Ibang sakit na naranasan ko , kumpara dati. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari sakin to. Hindi ko naman magawang sabihin kay mama yung nangyayari sakin dahil ayoko na mag alala pa siya.

S-sandali nga, alam niya na kaya nangyari sakin?

Napatingin ako sa bagong dating na Doctor na kasama ni Zaniel.

"Ano nararamdaman mo ngayon Ms. Cassie?"

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Medyo nakirot pa po ulo ko.."

Hinawakan ko ang sintido ko at minasahe. Pero may kamay na nag patigil sa ginagawa ko.

"Ako na..." He smiled. Siya na rin ang nagmasahe sa aking ulo.

"Doc , ano bang problema sa akin? May sakit po ba ako?" Tanong ko.

Natahimik ito at tila nag aalangan sumagot.

Nagsalubong ang kilay ko. "Doc?" Tawag ko.

"A-ah. Wala ka naman sakit. Dahil lang sa stress kung kaya't lagi sumasakit ang ulo mo. You better not to stress yourself."

Nagtaka ako.

"Doc , hindi naman ako na s-stress." Sagot ko rito. Dahil totoo naman simula nagkaroon ako ng trabaho. Hindi na ako nakakaranas non. Dahil lahat ng trabaho ko ay madali lang para sakin.

"May mga bagay kasi na hindi mo napapansin na na-sstress kana pala Ms. Cassie." Maya maya may nilabas itong papel. "Ito nga pala yung mga kailangan na gamot na bilhin mo para mawala yung pagsasakit ng ulo mo."

Si Zaniel na ang tumanggap. "Salamat , Doc."

"Pwede kana rin lumabas ngayon. Sige mauuna na ako."

Sinundan ko ito ng tingin pagkalabas niya. Bago ko binaling muli ang tingin ko kay Zaniel.

"Alam ba nila mama na narito ako?"

Umiling ito. "Hindi ko sinabi. Dahil alam kong ayaw mo mag alala ang mama mo." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sinabi niya. "Pero si Stacie , sinabi ko sa kaniya ang nangyari sayo. Galing na siya dito kanina , pero umalis din agad dahil may meeting pa ito."

"Asan nga pala sila Mrs. Buenavida?"

"Kakalis lang din nila. Mabuti na nga lang , natawagan ako ni David at sinabi ang nangyari sayo." Hinahaplos haplos niya ngayon ang aking pisngi.

"Cassie...sana huwag na mangyari ulit sayo to. Halos paliparin ko na ang sasakyan ko dahil sa pag aalala sayo."

Tumayo ako sa pagkakahiga. Hinawakan ang magkabilang pisngi niya at masuyo ko itong hinaplos.

Zaniel Alejandrino Where stories live. Discover now