37

3.9K 68 0
                                    

"Sino ba ang nanakit sayo anak?" Tanong ni mama nang bisitahin ko sila ni John sa bahay.

"Hindi na mahalaga yon mama. Saka napatawad ko na sila." At tumingin sa mga mata ni mama. Punong puno ng kalungkutan ang mga mata niya. Kaya naman binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

"Ikaw talagang bata ka. Napaka lambot ng puso mo. Hindi mo kayang magtanim ng sama ng loob manang mana kay kay Ma—"

"Kanino po?" Nangingiting sabi ko.

Bakas sa gulat ni mama nang putulin ko ang sasabihin niya. Kapagkuwan umiwas ito ng tingin at muli akong hinarap. Nagtaka ako pero hindi ko na lang pinansin iyon.

"Syempre kanino pa ba? Edi sa mama mo."

"Manang mana ako sayo mama eh." Niyakap ko siya ng mahigpit sa kaniyang bewang. Namiss ko ito.

"Nanlalambing na naman ang maganda kong anak." Pumikit ako habang dinadama ang haplos niya sa aking buhok.

Kakalabas ko lang din ngayon araw sa hospital. Naka dalawang araw din don dahil hindi ko pa kayang igalaw ang buong katawan ko. Sa ngayon medyo konting kirot lang sa katawan ang nararamdaman ko.

"Anak?"

"hmm?"

Inangat ko ang ulo ko upang makita si mama. Malungkot ang mga mata niyang nakatingin lang sa akin. Napakunot-noo naman ako.

"T-Tandaan mo mahal na mahal kita. Ginagawa lang namin to para sa kaligtasan mo. Hayaan mo anak. Konting konti na lang."

"Mama. Hindi ko po kayo maintindihan." Mahina akong bumuntong-hininga.

Ito nga pala yung palaging sinasabi sakin ni mama na ayaw na ayaw niyang ipaalam sa akin hanggang ngayon. Kung ano man yun. Sana makayanan kong tanggapin lahat ng lihim ng pagkatao ko.

"Kung dadating ang panahon na malalaman ko na ang pagkatao ko. Never akong magagalit sayo mama. Kung ano man yon. Iintindihin ko lahat yon. Huwag kang mag alala... "

Sinubsob ko muli ang aking mukha sa dibdib ni mama at kasabay nang pagtulo ng luha ko.

"Pasensya kana kung ganito ang naging sitwasyon mo. Natutuwa ako na ganito ang pagkatao mo. Hindi ka basta basta nagagalit. Dahil iniintindi mo lahat ng bagay na nangyayari sa paligid mo."

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko upang pigilan ang paghikbi.

Sana nga ma , makayanan ko lahat ng malalaman ko pag dumating na ang tamang panahon na sinasabi niyo. Sana.

Ibinaba ko ang hawak ko mga projects na kailangan kong pag aralan nang may biglang kumatok sa pinto ng aking opisina.

"Pasok."

Pinagsiklop ko ang mga daliri ko at pinatong ito sa aking lamesa.

"Goodmorning Cassie.. " Napatayo ako agad at lumapit sa kaniya.

"Dapat nagsabi ka na pupunta ka pala dito Bettina.." Nakipag beso ako sa kaniya at iginiya siya sa upuan.

"Nakalimutan ko kasi hingin palagi yung cellphone number mo kapag magkasama tayo. Kaya heto personal na kitang yayain na kumain."

Nang matapos ang pag uusap namin sa hospital nagsimula rin ang pagiging magkaibigan namin. Nagbago na rin si Bettina hindi gaya ng dati namin pag tatagpo. Naging mabait na rin ito sa mga taong nakapaligid sa kanila. Pati na rin si tita Rebecca.

"Ganon ba? Sige sige. Ayusin ko lang to mga gamit tapos larga na tayo."

Tumalikod na ako sa kaniya at sinimulan ko nang iligpit ang mga papeles na nasa lamesa ko.

Zaniel Alejandrino Where stories live. Discover now