7

5.1K 137 3
                                    

Hindi naman siguro ako nananaginip hindi ba? Kasi gising talaga ang diwa ko ng pumunta ako dito sa mansion ng kaibigan ko. Totoo ba to?

Ang lalaking matagal ko na gustong makita muli. Ang lalaking laging gumugulo sa isipan ko. Hindi ko man maamin sa sarili ko na gustong gusto ko talaga siyang makita ulit. Ngunit hindi ko inaasahan na ngayon gabi mangyayari ang pagkakataon na iyon.

Kaya ba ako kinakabahan kanina? Ito ba talaga dahilan kung bakit?

Nang magtama ang paningin namin. Halos mabuwal ako ng makilala kung sino ang nasa harapan ko. Mabuti na lang nasa likod ko si Stacie upang alalayan ako.

Sa bawat segundong na lumilipas sa pagtitinginan namin dalawa unting unting nawawala ang malamig niyang titig sa akin , gaya ng una kong kita sa kaniya.

Napalitan ito ng matang pananabik o tila natutuwa. Hindi ko alam kung tama ba ang mga salitang ginamit ko. Kaya naman nakaramdam ako ng mas lalong saya sa puso ko.

Ang bilis ngayon ng tibok nito. Tila bang nagwawala ng hindi malaman na dahilan.

Pero agad din naglaho ang galak na aking nararamdaman ng tumikhim ito at bumalik muli ang lamig sa kaniyang mga mata na tila isang yelo sa sobrang lamig. Dagdagan pa ang matalim nitong mga titig sa akin.

"Babalik na muna ako sa table ko." walang emosyon nitong saad.

Nakatingin lamang ito sa akin ng matalim. Bigla akong nakaramdam ng panghihinayang.

Umiwas ako ng tingin.

"Sige pare. Susunod na lang ako." rinig kong sagot ng kaibigan niya. Lance ang pangalan nito base sa narinig kong pag uusap nila.

Umubo si tito Fred na tila ba kinuha ang atensyon namin. "Maupo ka muna sa amin Lance."

Umupo naman ito. Kaya naman naupo na rin kaming lahat.

"Hindi ko inaasahan na kasama mo pala si Zaniel iho..." Sambit ni tita Margareth. 

Zaniel? Is that his name?

Bumaling ang atensyon ko kay Lance. "Ah.. " Uminom muna ito ng wine bago mag salita mula.

"Actually, ayaw niya talaga pumunta. Alam niyo naman po ang lalaking iyon." Umiling iling pa habang natatawa nakita ko rin ang pag sulyap nito kay Stacie. "Mabilis mabagot." Dagdag pa nito.

Bahagya akong nagulat ng may isang kamay ang humawak sa hita ko. Si Stacie.

Kunot noo akong lumingon sa kaniya.

"What?" mahinang sabi ko.

"Later."

Tumango ako at bumaling muli ako kila tito at nakinig sa usapan nila.

Nalaman ko na si Zaniel Alejandrino ay isang napaka yaman. Siya rin ang namamalakad sa kumpanya niya. When I say niya sa kaniya talaga. Hindi galing sa magulang lang niya o kung saan man. Sariling sikap niya to. And 25 years old na sila. Anim na taon ang agwat nila samin ni Stacie.

"Bakit ba naging ganyan ang ugali ni Zaniel?" Biglang tanong ni tito.

Bigla akong nagka interest. Well kanina pa talaga ako nagkakainterest sa usapan nila lalo na si Zaniel ang pinaguusapan. Pero sa ngayon, ibang usapan to. What does he mean? Ugali ni Zaniel? Bakit hindi ba ganito ang ugali niya?

Zaniel Alejandrino Where stories live. Discover now