50

4.2K 107 1
                                    

"What do you want baby?" Tanong ko sa anak ko.

"Mommy I want doll.."

Tumango ako. "Okay sweetie. I'm gonna buy you doll. I love you baby." sabi ko na naka ngiti.

"Thank you mommy! I love you too. Ba-bye!" Ang anak ko ko na mismo ang nag patay ng linya namin. Hindi naalis ang ngiti sa labi ko dahil sa saya na binibigay palagi ng anak ko.

Tinignan ko muna ang likod ng phone ko kung saan naka dikit duon ang picture ng anak ko.

"So cute.." I smiled and touched her picture.

Humarap na ako sa mga bodyguard ko.Andito pa rin kasi kami sa parking lot.

"Huwag kayo mag papahalata okay? Diyan lang ako sa gilid gilid."

Sabay sabay silang nag tanguan. "Yes ma'am!" Ngumiti ako sa kanila at nag simula nang maglakad papasok sa mall.

Sa totoo lang ayoko naman talaga magkaroon ng mga bodyguards. Pero ang sabi nila mom para sa kaligtasan ko naman to' kaya hindi na ako umalma pa.

Ayoko na rin naman kasi maulit ang nangyari sa akin. Ngayon pa't malapit na namin mapag tagumpayan ang plano namin para kila Rebecca.

Palinga linga ako sa paligid upang makita na kung saan ang bilihin ng mga laruan. Pasimple akong tumingin sa likuran ko nang mapansin ko ang pasimpleng palinga linga ng mga bodyguard ko.

"Ayun.. " mahinang wika ko nang sa wakas ay nakita ko na.

Maglalakad na sana ako papunta duon nang mapahinto ako. Nandito sila Stacie kasama ang anak nilang si Zeus. Nagtago ako agad sa mga matao at pinagmasdan sila.

"I miss you Stacie..." malungkot kong sabi sa hangin at pinipigilan mapaluha. Gusto ko na sila lapitan at yakapin.

Naalala ko noon ang reaksyon nila. Lalo na si Stacie , bakas na bakas sa kaniya ang pangungulila sakin. Nalipat ang ang tingin ko naman sa kanilang anak.

Hawig na hawig ni Zeus ang mommy niya. Ang tanging mata lang ang nakuha niya sa kaniyang ama.

"Ang gwapo..." ngiti kong sabi.

Nang tuluyan na silang naka alis sa bilihan ng mga laruan. Mabilis akong naglakad papasok duon. Huminga ako ng malalim at tinignan muna sila.

"What can I do for you ma'am?"

Bahagya ako napatalon dahil sa taong nagsalita sa aking likod. "You startled me miss..." Sabi ko habang hawak ang dibdib ko. Yumuko naman ito at nahihiyang ngumiti sa akin.

"I'm so sorry ma'am. Hindi ko po sinad—"

Pinutol ko siya at winagayway ang kamay ko sa harapan niya. "No it's okay. It's okay." I smiled at her. "Nasan dito yung mga dolls? "

Ngumiti siya at iginaya ako papunta sa mga manika. "This way ma'am.. "

Nauna na siya at sumunod na ako. Natutuwa ako sa mga batang nandito kasama ang mommy at daddy nila. Pero syempre andun ang lungkot dahil hindi pa namin kasama ang ama niya.

Naka ngiti akong namimili ng manika na magugustuhan ng anak ko.

"Ito kaya–ay hindi masyadong malaki...kung ito naman?"

Kuha ko sa manika at pinagmasdan ang kabuuan nito. Ang ganda ng manika nato. Sigurado ako na magugusto to ni Zafrina.

Kulot kasi ito at kasing tangkad din ng anak ko. "Pwede na to.. " Sabi ko at hinaplos ang buhok niya na gayang gaya lang sa buhok ko.

Zaniel Alejandrino Onde histórias criam vida. Descubra agora