Take Me Dancing (Tagalog Story)

3 0 0
                                    

Wrote this back in 2015 around prom season but I didn't like where the story was going so I just stopped writing.  Pagpasensyahan din yung writing style ko dito medyo nakakahiya.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"waaaaahh! JS Prom naaaa!" sigaw ni Reeves sa tenga ko. Oo, Sa tenga ko mismo. Kanina pa Yan tili Ng tili simula nang in-announce ang prom.

Hmp. Dagdag bayarin Lang yun. Buti sana kung masarap ung buffet na ipapakain nila samin eh eto pang school namin laging hingi ng hingi ng pera tapos chippanggacious lang ang makukuha namin, diba? Psh.

"Sienna! Dalian mo ha! Andyan na si crush oh! Waaaaah!" Sigaw na naman ni reeves habang naglalagay ako ng gamit sa locker kasi ba naman anjan si Luke, ung long-time crush niya, by long-time I mean simula pa nung Nursery. Wala eh, LOYAL and FAITHFUL.

"HIIII LUKEEEE!!!!!" Sigaw ni Reeves na todo kaway pa at parang kala mo mapupunit ung mukha sa sobrang laki nung ngiti.

"Hello" Simpleng sabi ni Luke na walang emosyon whatsoever at nilagpasan na kami pero dahil matindi ang fighting spirit ng best pren ko siyempre hinabol niya pa ito.

Sinara ko na ung locker ko at sumandal doon para panuorin kung ano naman ang gagawin ngayon ni Reeves.

hulaan niyo kung anong ginagawa niya.

Dali hulaaaan niyoooooo. Daliiii. Ahahhha okayy, demanding.

Eto na nga, drum roll please.

tuttututuutuututu (oo drum roll yan wag nang umangal)

Umangkas siya nang biglaan sa likod ni Luke. Yes, tama ang nababasa niyo, UM-ANG-KAS. Buti nalang matigas tong si Luke kundi disgrasiya ang abot nun, ahahha, At ayun nga, parang asong hinahabol ang buntot ang itsura ni Luke ngayon tapos si Reeves ayun as usual, tuwang tuwa.

"A penny for your thoughts?" sabi ni Vince na parang kabute na bigla-bigla nalang sumusulpot habang ginugulo niya ung buhok ko.

Tinapik ko palayo ung kamay niya at tinignan siya ng masama.

"Hooy! Kayong dalawa Jan! Naglalambingan na naman kayo!" sabi ni reeves nang papalapit siya sa amin. Siya tuloy ung binalingan ko ng sama ng tingin.

Baka nagtataka kayo kung jowa ko ba tong mokong na toh. Well, HINDI. Manliligaw ko lang siya dahil sa isang bet, kasi ako ung pinakamasungit sa batch namin at never nagka-MU, crush, or jowa kaya ayun, pero hindi niya alam na alam ko kaso ang pinagtataka ko lang is ang duration lang ng dare is 5 months and tumatagginting na 3 years na eh patuloy pa din, siguro nageenjoy lang siya sa chase.

"tsss. Tara na nga" sabi ko Sa kanya sabay hila papalabas Ng school hanggang Sa antayan Ng jeep.

"Reeves alam mo ba-" naputol ung sasabihin ko nung nakita ko na ibang Tao na pala Yung hawak ko.

Nakangiti ng tagumpay si Vince tapos salit salit ung tingin niya sakin at Sa magkahawak naming kamay na parang sinasabi niya na: 'ahahah, yayyyy! Hawak niya kamay ko' sarap batukan eh.

Bumitaw ako Sa kanya, "tsk. Lumayas ka nga Sa paningin ko!"

"ayaw ko nga!" sabi niya Ng pamaktol.

"Aba! Alis na! shoo!" Sabi ko sa kanya, rude na kung rude eh umiinit dugo ko sa kanya eh.

"Candy munaaa!"

"Para ka talagang Bata!"

"siyempre,baby mo ko eh!"

"sinabi ko bang baby o sanggol ha?! Bata ang sabi ko, Bata! Tsk. Oh bakit ka Nakangiti Jan?"

Umiling-iling siya at namumula pa! Ano ba tong lalaki na toh, bakla Ata toh eh.

ScenesWhere stories live. Discover now