36 || Finding Information

19 1 0
                                    

H A V E A

“Are you sure may social media account ang Dad mo?”

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. “I'm sure.” sagot ko. For business purposes, sigurado akong may social media account si Dad. I think, Facebook?

“How about this one?” pinakita niya sa akin ang laptop niya.

Err. “No.” I said ng makita ang profile ng isang lalaki. Masyado naman atang matanda 'yan.

“Aish.” he mumbled, “Kanina pa tayo naghahanap dito Havea, hindi mo ba talaga maalala ang mukha ng Dad mo? O kaya ng Mom mo?”

Umiling ako, “N-No.” sagot ko. “I'm sorry.” I sighed, “Nadadamay ka pa dito.”

“Hey.” hinawakan niya ang pisngi ko, “Anong drama 'yan?” tanong niya. “I'm fine.” he giggled, “I'm alright Honey.” he kissed my cheek. Damn. Hindi pa din ako nasasanay na ginagawa niya 'to sa akin.

“Come here.” hinila niya ako at isinandal sa dibdib niya habang nakatingin sa laptop. “Let's search.” he said that's why napatingin ako sa screen ng laptop.

“Navarro...” binasa ko ang mga nakikita kong pangalan habang nag scroll siya.

“Gwapo ba ang Dad mo?”

Tumingin ako sa kanya. “Do you think I'm pretty?” ngumiti ako sa kanya. Of course, gwapo ang Dad ko. Well, maganda ang anak niya eh.

“A-Aish!” he mumbled, “Tinatanong pa ba 'yan? Yes, you're pretty.” he kiss my nose. “So pretty.”

Fuck. “O-Okay.” I said bago mag iwas ng tingin. Argh. Kinikilig ako.

Tumingin na lang ako sa screen para hindi niya makita ang pamumula ng pisngi ko.

ting!

Napatingin ako sa baba ng screen ng makita kong may nag chat sa kanya.

“Nadiah.” I whispered. Tumingin ako kay Haven, “What's this?” tumaas ang isa kong kilay.

“Psh. Maraming nag cha-chat sa akin Honey.” he said, pinakita niya ang messenger sa akin that's why I rolled my eyes. Napakadami nga, halos karamihan ay babae.

“But don't worry, hindi ko naman sila nirereplyan.” he winked at me. Tch. “Siguraduhin mo.” I said bago tumayo mula sa couch. “Inom lang ako.” I uttered bago naglakad papunta sa kusina.

“Me too!” I heard Haven shouted. “Okay!” I shouted back bago siya ipagsalin ng tubig sa baso.

“Havea! How about this one? Navarro—

Villanueva!”

Shit.

“D-Damn.” I whispered. Napatingin ako sa nabasag na baso sa sahig.

“Havea!” naramdaman ko ang pagdating ni Haven. “What happened? Nakarinig ako ng—shit.” nakita niya ang broken glass sa sahig.

“Are you okay?” hinila niya ako palayo sa nabasag na baso. “Nasaktan ka ba?” he asked worriedly.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya.

“N-Navarro... Navarro Villanueva.” I whispered.

Damn.

Bakit parang narinig ko na ang surname na 'yan?

“W-Why?” tanong sa akin ni Haven. “Does it sound familiar to you?”

“Y-Yes.” I answered. “Villanueva...”

Saan ko nga ba narinig ang surname na 'yon?

Villanueva.

DEATH HEARTWhere stories live. Discover now