42 || Voice

22 1 0
                                    

(A/N: Hello po hehe, hindi ko alam kung bakit nadelete ang chapter 42 dito that's why sinulat ko na lang ulit, sorry kung nandito siya sa dulo hehe, soweeeee : (()

H A V E A

“Haven, calm down.”

“How can I, Havea?” he said nervously habang nakahawak sa manibela. “I-It's my Dad.” he whispered.

“He's fine.” I said, hinawakan ko ang kamay niya. “He's okay.” bulong ko para pakalmahin siya. Napatingin naman siya sa akin ng saglit. “Y-Yes, he's okay.” he whispered bago higpitan pagkakahawak sa kamay ko.

Ilang minuto ang lumipas bago kami nakarating sa hospital. Pagdating namin sa parking lot ay lumabas agad si Haven sa sasakyan without hesitation. “Daddy!” he shouted pagpasok namin sa loob ng hospital.

Shit. Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa kahihiyan na ginawa niya. Aish, Haven.

“Haven—Haven!” tawag ko sa kanya, gosh! Bakit ba ang kulit niya? Saan ba siya pupunta? Hindi pa namin alam ang room number ng Daddy niya.

“Haven!—”

“Waaaaaaaah! Daddy!”

Okay. Napatingin na lang ako sa kanya ng lumiko siya sa dulo ng hallway. Oh God, he's crazy.

“Miss.” lumapit ako sa counter para tanungin kung saan ang room ng Dad ni Haven. Nang malaman ko na kung saan 'yon ay sinundan ko si Haven para sana sunduin siya dahil para siyang batang nawawala ngayon. Damn it. Yung totoo? 19 years old na ba 'yon?

“Haven—”

“Fuck it. What?! Paano nangyari 'yon?! Akala ko ba maayos na ang lahat?”

Napatigil ako sa paglalakad ng may marinig akong boses galing sa likod ko. Lilingon sana ako para sana makita siya but then—

What the hell?

I can't move.

Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Damn.

“Psh. Ayusin niyo 'yan. Huwag niyong hayaang malaman ito ng master.”

Master?

“Argh.” I whispered. Bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko? Damn! Her voice is familiar, so familiar.

“I'm on my way now.”

Ah shit. Bakit ba hindi ako makagalaw?! Bakit ganito ang katawan k—

Muntikan na akong madapa ng bigla kong maigalaw ang katawan ko. Mabilis na napalingon ako sa likod ko para sana tignan ang babaeng kanina ko pang naririnig pero—

she's gone.

“Shit.” I whispered. What the hell is that? Bakit hindi ako nakagalaw kanina? Sino ang babaeng 'yon? Bakit familiar ang boses niya sa akin?

“Havea!”

Napalingon ako sa boses na 'yon. “Haven.” lumapit ako sa kanya. “Puntahan na natin ang Dad mo.” I said bago hawakan ang kamay niya papunta sa room kung saan nandoon ang Daddy niya.

“I'm fine, Haven.”

“Do you need anything Daddy? Water? Pagkain?”

“Pft. Okay lang ako anak.”

Tinignan ko ang Daddy ni Haven. What happened to him? Mukha naman siyang okay ngayon.

“Bakit ba kasi ang likot likot mo Daddy?” tanong ni Haven sa ama niya. “Haven.” umupo ito sa kama, “Okay na ako ngayon. Gusto ko ng lumabas dito, I still need to do a lot of things.”

“Agad? Daddy naman—”

“I'm fine, Haven.” tumayo ito sa kama at tumingin sa akin. “Havea.” lumapit siya sa akin, “Nag aalala ka din ba sa akin iha? Don't worry, I'm fine.” he said while smiling. Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot.

“Let's go.” he said bago lumabas ng room. Susunod na sana sa kanya si Haven but then—

“Haven.” hinawakan ko ang braso niya. “Honey?” tumingin siya sa akin. “Why?”

“Uhm.” napatungo ako.

Dapat ko bang sabihin sa kanya ang tungkol sa narinig ko kanina? Ang tungkol sa nangyari sa akin kanina?

“Havea? What's wrong?” hindi ko napansin na nakahawak na pala sa pisngi ko si Haven. “May problema ba?” he asked worryingly.

No.

Hindi mo dapat sabihin sa kanya ang nangyari sa'yo kanina.

I shake my head, “Wala.” ngumiti ako sa kanya. “I'm just worried about you.” I said.

Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko, “Aish. Love na love mo 'ko?”

“Yes.” I answered.

“Shit. Pinapakilig mo ba ako?”

“Kinikilig ka ba?”

“Hindi.”

“Okay.” nagsimula na akong maglakad palabas ng roo—

“Joke, kinikilig ako Honey.” hinila ako ni Haven palapit sa kanya, “I love you.”

dug dug dug dug

Feeling ko ay napatigil ako dahil sa sinabi niya.

Aaaaaargh. I can finally feel my heartbeat.

“Tss. Tara na.” I said bago siya hilahin palabas ng room. Paglabas namin ay nagderetso agad kami papunta sa parking lot. Pagdating namin dito ay nagulat ako ng makita si Kieron.

“Kieron?” I asked surprisingly. Anong ginagawa niya dito?

“Havea, Haven.” tawag niya sa aming dalawa ni Haven.

“Kieron, what are you doing here?” tanong ko sa kanya. “Let's talk.” he said habang nakatingin sa akin.

“Hoy hoy hoy, ano naman pag uusapan niyo ha?” napalingon ako kay Haven.

“Honey.” I whispered, “Huwag kang OA, mag uusap lang kami.” I said.

“Hmp, saglit lang 'yan ha.”

“Yeah.” lumapit ako sa kanya at tumingkayad para humalik sa pisngi niya, “Pumunta ka na do'n sa sasakyan.” I whispered bago siya kindatan.

Natawa na lang ako ng makita ang itsura ng mukha niya, “W-WAAAAAAAAAAAAAAAH!”

Here we go again. Pft. Natawa na lang kami ni Kieron ng bigla siyang tumakbo papunta sa sasakyan.

“Pft.”

How crazy Haven, aaaa, my Honey.

DEATH HEARTWhere stories live. Discover now