44 || Something Familiar

24 1 0
                                    


H A V E A

“Are you serious Honey? Kailangan nating mag training!” I didn't mind Haven.

Muli kong tinignan ang papel  a hawak ko,

Laguna
Hendrace Village
B418
N.V.

Nagtataka kayo kung bakit ito ang naka sulat sa papel na ito. Simply. I'm sure na hint ang mga ito sa sinabi ni Mother death sa panaginip ko. Laguna, probably a province. Hendrace Village, ok a village. Now this one confused me, B418 what is that? It's probably a number but what's with the B? And also this one. N.V. Ok? What the hell is that?

“Sana kasi pinapansin ako dito.” napatigil ako sa pag iisip ng mag salita si Haven. Humarap naman ako sa kanya.

“May pasok ka pa, maligo ka na.”

Agad na nangunot ang noo niya, “T-A-Y-O! May pasok pa tayo!” pag didiin niya.

“I'm not going.” sagot ko. It's 6 in the morning and yeah, hindi ako papasok. Napatingin ulit ako sa papel na hawak ko. I'm going to find them.

“Ano ba kasi 'yan? Kanina mo pa tinitignan eh.” bigla niyang kinuha ang papel na hawak ko.

“Laguna, Hendrace Village, B418, N.V? Ano 'to?” tanong niya sa akin. Hindi naman ako sumagot sa kanya at tumayo sa kama. Lumapit ako sa kanya and pinch his cheeks. Uhm!

“Nothing. Go, take a bath now. Baka ma late ka pa.” sabi ko.

“No! Kung hindi ka papasok, then hindi rin ako papasok! Wala ang Honey ko dun, tsk.” inis na sabi niya.

Napabuntong hininga ako. “Haven. Diba may training pa? Pumasok ka na, sige ka baka may mas gumaling pa sa iyo dun.” ok, maniniwala kaya siya? Ayokong sumama siya sa akin sa paghahanap ng magulang ko. Baka mag hinala siya.

“That's not going to happen Honey. Ako ang pinaka-magaling dun.”

“Yabang.”

“Aish! Bakit ba kasi hindi ka papasok?” inis na tanong niya. Hays, ang konti ng pasensya niya.

Ok, I will tell the truth. “This paper,” turo ko sa papel na hawak niya. “Lahat ng nakasulat diyan, pupuntahan ko.” maikling paliwanag ko.

“Ha? Why?” tanong niya.

“Tss. Wag ng magtanong Honey, basta 'yun ang sagot.” sagot ko. Tumango-tango naman siya kaya naka hinga na ako ng maluwag. Yes—

“Then sasamahan kita.”

“W-what?!”

“I'm going with you Havea. Sasamahan kita diyan sa mga naka sulat na yan. Aba! Sino ang makakasama mo kung ganun? Si Kieron? Na-ah! Wala ka ding sasakyan, kaya sa ayaw at gusto mo sasama ako.”

“Haven!”

Lumayo siya sa akin at nag unat-unat. “Maligo ka na honey, aalis na din tayo mamaya. Bye!” bigla na lang siyang umalis at iniwan ako.

DEATH HEARTWhere stories live. Discover now