52 || Ending

27 1 0
                                    


H A V E N

“She was really cute back then.”

“Beautiful. She's beautiful, Sir.”

“Yes.”

Tinitigan ko ang maliit na picture na hawak ni Mr Vuenavista. Mayroong isang batang babae ang naka ngiti doon. Ang ganda niya. Sobrang ganda niya.

“I remember that time. Unang salitang lumabas sa bibig niya ay mura agad.” napatingin ako kay Mr Vuenavista dahil sa sinabi niya. What the? Hahaha!

“Really?” hindi makapaniwalang tanong ko. Ah, kaya pala. Kaya pala ang hilig niya mag mura.

“Yes. It was 'sh*t'. Akala namin ay nalito lamang siya pero hindi.” tatawa-tawang kwento nito sa akin. Napangiti naman ako dahil doon.

Hayy. Honey...

“I really missed her so much.” nagulat ako sa sinabi ni Mr Vuenavista. “But now, I'm so happy.” bigla ay tumingin ito sa akin.

“Thank you Haven.” binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. Ha? Why?

“Binuhay mo siya. Salamat, Haven.” seryosong sabi nito. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

“She also did the same, Sir. Binuhay niya din ako.” naka-ngiti kong sabi.

“D*mn it.” napalingon kami dahil sa boses na 'yun. Napa ngiti ako ng makitang 'kunwari siyang inis' na nakatingin sa amin.

“Talking about me? Ang drama niyong dalawa Dad, Haven.” kunwari talagang inis na dabi nito. Nagka tinginan naman kami ni Mr Vuenavista at sabay na ngumiti.

“The food is already done. Baka gusto niyong kumain.” pahabol na sabi niya bago bumalik papasok sa kusina. Napa ngiti na lang ulit kami at saka ko tinapik ang balikat ni Mr Vuenavista sabay turo kay Havea. Naka ngiti namang tumango ito kaya sumunod ako kay Havea na pumasok sa kusina.

“Ang sipag naman ng Honey ko.” nung makita ko siyang naka talikod ay lumapit ako at niyakap siya mula sa likod. “Honey.” muli kong sabi bago halikan ang pisngi niya. Napatigil siya sa kanyang ginagawa at tinignan ang kamay ko na nakayakap sa kanya, nagulat ako ng hinawakan niya ang mga ito.

“I'm still thankful, Honey.” bulong niya. Hindi ako sumagot at inilagay ang baba ko sa balikat niya.

“And I can't still believe it.” patuloy lang akong nakinig sa kanya.

“Thank you Haven.” bigla ay umalis siya sa yakap at humarap sa akin. Sobrang lapit ng mukha namin. “Thank you at minahal mo ko. Ikaw ang bumuhay sa akin.” naka ngiti nitong sabi.

Napa ngiti ako at hinawakan ang dalwa niyang pisngi. “Ikaw din ang bumuhay sa akin Honey.” naka ngiti kong sabi. Inilapit ko ang mukha sa kanya at hinalikan ang noo niya.

“I love you, Honey.” parang tanga na kinilig ako sa sinabi niya. D*mn, ang bakla mo Haven. Ang bakla mo.

Mas inilapit ko ang mukha sa kanya at sinabing, “I love you too, Honey.” naka ngiti kong sabi bago ko halikan ang labi niya. Napa ngiti ako ng mabilis niya itong tugunan.

Ang sabi ni Mother death, kapag natapos namin ang misyon ay makakalimot kami. Ngunit, hindi nangyari sa amin yun ni Havea. Pagka mulat ng aming mata, parehong naaalala pa rin namin ang lahat. Lahat ng nangyari, sa mundong ito at sa mundo ng mga patay. Ang sabi ni Mother Death ay kaya kami hindi naka limot dahil pareho kaming umibig sa kapwa naming Black Dead. Pero nakakagulat din na hindi naka limot si Kieron—or should I say, Kuya. Sa ngayon ay kasama niya si Dad—yeah, bumalik na ang totoong ama namin, natutunan niya na ang lahat ng ginawa niya. Medyo matagal man ng mapatawad namin siya, ngunit dumating din ang araw na yun. Nasa America sila ngayon at nagbabakasyon. Iniwan ba naman ako? Hays.

Matapos naming managhalian sa bahay nila Havea ay umalis na kami. Talagang sinundo ko siya dahil nag papasama siya sa sementeryo.

Dadalawin niya ang Mom niya.

Nakatayo kaming pareho ni Havea sa harap ng puntod na nag-ngangalang,

Mina Vuenavista
1988—2018

Tinignan ko si Havea na katabi ko. Hindi mo makikitang nalulungkot siya dahil sa tunay ang ngiti niya. Marahil dahil si Mother Death ang ina niya. Noong gabing namatay pala ito ay sinubukan siyang iligtas ni Mother Death ngunit pareho silang namatay.

“Thank you Mom, Mother Death.” naka ngiti nitong sabi. Napa ngiti din ako at umakbay sa kanya. Isinandal niya naman ang ulo sa aking balikat.

Ilang oras din kaming nag stay sa sementeryo bago namin mag desisyong umalis. Sabi ni Havea ay gusto niyang bumalik sa bahay namin. Kaya pumunta kami doon.

“Hindi ako makapaniwala. Si Kieron pala ito.” hawak niya ang isang picture frame namin ni Kuya. Kami lang dalawa doon at si Dad ang kumuha.

“At hindi rin ako makapaniwala na tinawag niya kong 'oppa' noon.” natatawa kong sabi. Oo naalala ko pa yun, nung bakla bakla pa siya.

“Haven, hold my hand.” inilahad niya ang kamay niya kaya hinawakan ko ito. Hinila niya ako at dinala sa labas ng bahay namin. Bigla ay nagulat ako ng lumuhod siya sa harap ko!

D-d*mn.

“I know mga lalaki ang gumagawa nito. But in my case? I want to do it.” nagulat ako sa sinabi niya, kasabay ng gulat ko ng lumabas sila Dad, Kuya, Mr Vuenavista at iba pa naming kaibigan sa loob ng bahay namin.

W-what the—

“Will you marry me, Honey?”

F*ck! F*ck!

Hindi ko na napigilan at kinuha ko ang singsing pero imbis na sa akin ko ilagay ay sa kanya ko inilagay ang singsing. “Yes Honey, f*cking yes.” hindi ko na siya pinagsalita at hinapit ang bewang niya bago siya halikan sa labi. Narinig ko ang sigawan ng mga tao sa paligid namin.

Ahh. I'm so happy.

DEATH HEARTWhere stories live. Discover now