Chapter VI

76 7 7
                                    

Chapter VI- The Butcher

Lei's P.O.V.

5:50


Maaga akong pumasok ngayon dahil may laro kami sa volleyball. Next week na ang game kaya kailangan nang magtraining. May court naman sa building ng club and hall pero sa old building pa rin ako magpapractice dahil una, nakalock pa 'yun ngayong oras at isa pa, wala naman akong kasama. Actually, mamayang uwian pa ang training namin.

Okay, may dalawang oras pa before time. 8 am pasok namin.

Pumasok na 'ko sa old building. Kahit nakalock ang gym dito, nagagawa pa rin naming makapasok kasi may daanan sa may locker area. Natuklasan namin 'yun n'ong naglibot kami n'ong first day of class.

Ang dilim. Hindi pa ata nila binubuksan ang mga ilaw dito, malamang sino bang papasok nang ganito kaaga.

Sabagay, maaga pa kasi. Umakyat muna ako sa room para ilagay ang mga gamit ko na puro notebooks at books lang. Pinatong ko lang sa desk ko, mamaya ko na aayusin.

Hindi ako natatakot kasi 7 am naman daw 'yung time ng patayan. Bawal pumatay before that time or else sila ang malalagot. Pupunta na lang akong classroom ng mga 6:50 para hindi late.

'Yun oh, mahaba-habang training 'to.

Pumasok na ako sa loob at ako lang mag-isa ang narito. Nilagay ko ang gamit ko sa may locker area at nagsimula na 'kong tumakbo paikot sa gym.

Nakailang ikot na ako, mga 5 na ikot at naglaro ng volleyball mag-isa hanggang sa naisipang magpahinga.

Time check.


6:47


Wooh, pawis na pawis ako. Magpapalit muna 'ko ng damit, pumunta ako sa locker tapos kinuha ko ang extra t-shirt ko at pumunta sa CR at nagpalit.

"Uy gagi, ba't dala-dala ko 'to." sabi ko pagkakita ko sa hawak kong bola.

Iniwan ko muna saglit ang bag ko sa locker at dali-daling pumunta sa gym para ibalik ang bola sa lalagyan. Linagay ko na ang bola at lumabas na.

Napatigil ako sa paglalakad nang may nakita akong taong nasa gilid, parang may hinihintay.

Teka classmate ko 'to ah.

''Hi Lei!''kumaway siya sa'kin.

''Oh, ba't ka nandito?'' tanong ko habang nagpupunas ng pawis ko at naglakad kami papunta sa hagdanan.

Napatingin ako sakanya, ngumiti siya nang matamis. Umiwas muna ako ng tingin at patuloy sa pagpupunas ng aking mukha.

''Para patayin ka.'' tugon niya na parang masayang bata.

Napalingon ako agad, napatigil sa pagpupunas at napakunot ang noo ko.

Ilang seconds bago ko na-gets.

Shit.

Tiningnan ko ang orasan ko, saktong 7 am na. Tumingin ako sakanya.

Nagsimula na akong kabahan nang nakangiti pa rin siya habang papalapit sakin at ang mga kamay niya ay nasa likod niya.

Unti-unti akong humakbang paatras habang siya nama'y palapit nang palapit. Hanggang sa wala na akong maatrasan, dahil nasa likod ko na ang hagdan. Nakangiti pa rin siya, at tumigil sa paglalakad.

Kaharap ko na siya.

Bigla rin akong napatigil, di ko alam kung bakit.

Natauhan lang ako nang agad niyang sinaksak ang mahabang itak sa tiyan ko.

IV-CharlesWhere stories live. Discover now