Chapter XVIII

73 5 1
                                    

Chapter XVIII- Suicide Tree

Third Person's P.O.V.

"Sa tingin mo, papayag akong magsumbong ka?"

Sa pangatlong pagkakataon ay naramdaman ni Elaine ang pagtaas ng kanyang balahibo dahil sa pagbigkas nito ng mga salita. Mula sa presensya nito ay ramdam niyang nasa bingit na siya ng kamatayan.

Labis ang pagkagulat niya sa sinabi nito.

Alam na niya ngayon na nasa kapahamakan siya ngunit hindi niya inaasahang mapapaaga ito.

"A-anong ibig mong sabihin?" utal na saad ni Elaine.

"Come on, Elaine. Alam kong alam mo kung anong ganap natin ngayon." sagot nito sakanya. Mas tumindi ang kaba ni Elaine.

"I-ikaw ang m-mastermind!?" tanong ni Elaine dahilan upang lumapad ang ngiti ng kausap niya.

"Nice to meet you." ngiting saad ng mastermind.

Naghalo ang emosyong nararamdaman ni Elaine- ang pagkagulat, takot, at galit.

Sa wakas, nakilala na niya kung sino ang mastermind.

"Putang ina mo." mura ni Elaine.

Kahit natatakot ito sa kaharap niya ay hindi niya napigilan ilabas ang galit niya sa taong kinamumuhian niya.

"Gago ka! Hayop ka! Traydor!" sigaw niya.

Nanggigil na siya ngayon at nais pumiglas ngunit hindi pa rin siya nito pinapakawalan.

"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin, murahin mo ako. I don't fucking care." saad nito.

"Tutal, ito na rin naman ang huli." malamig niyang saad na ikinatakot ni Elaine.

Dahil dito ay sinubukan niyang tanggalin ang kamay ng mastermind sa braso niya. Dahilan para lumuwag ang pagkakahawak nito. Ngunit hindi pa rin siya nabitawan nito at agad siyang sinikmuraan kaya bumagsak siya at labis na namilipit sa sakit dahil sa sobrang lakas ng pagkakasuntok.

Hindi pa nakuntento ang mastermind, at hinablot ang buhok nito paangat at malutong siyang pinagsasampal nang ilang beses.

Nakaramdam ng matinding pagkahilo si Elaine dahil sa sinapit niya.

Napakalakas niya, gayong mas malaki ako kaysa sakanya.

"Hindi ka makakatakas!" saad nito habang hawak pa rin niya ang buhok ni Elaine.

Hinila niya ang buhok ni Elaine at nagpatuloy sa paglalakad na parang naghihila lang ng laruan.

Gustuhin mang pumiglas ni Elaine ay hindi niya kaya dahil sa paghila sa kanyang buhok. Ni hindi niya matansya kung gaano kasakit mahilaan ng buhok. Tanging iyak at sigaw lamang ang kaya niyang magawa.

Huminto ang mastermind sa tabi ng isang puno.

"Alam mo ba ang lugar na 'to? Actually, hindi naman 'to kalayuan sa school eh. Ayun lang 'yung school natin, oh." turo ng mastermind habang hawak pa tin ang buhok ni Elaine. Walang imik si Elaine, tanging hikbi lang ang maririnig sakanya.

IV-CharlesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora