Chapter VIII- Mistaken
Ynna's P.O.V.
Tumunog ang phone ko, ibig sabihin may message na ang Unknown Number. 'Matic na 'yun, 'tong number lang naman nagmemessage sa'kin eh.
Unknown Number
Who is the killer?
Select Name Random
Tumingin ako sa orasan at binalik ang tingin sa message. Kinakabahan ako sa desisyon kong 'to lalo na nang maalala ko ang pinag-usapan namin about sa consequences ng mapipiling suspect.
Tumingin ako sa paligid, pinakiramdaman at inobserbahan ang lahat ng tao sa room. Mayroong nagcecellphone, mga nakatulala pa rin, at tahimik na nagliligpit ng mga gamit at naghahanda na para umuwi.
Unti-Unti na kaming nasasanay sa ganitong environment. Hahayaan na lang ba talaga naming isa-isa kaming magdusa at mamatay? Naaawa ako sa section namin, sa lahat ng section o eskwelahan na pwedeng pagtripan, paglaruan at gawan ng ganitong karumal-dumal na sitwasyon, bakit kami pa? Ganito ba kami kamalas?
Huminga ako nang malalim at tinitigan ang phone ko. Pumikit ako at pinindot ang 'Select Name'. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ang listahan ng mga pangalan namin.
Unknown Number
Names:
Agustin, Chesse Rio C.
Cardero, Sebastian Kian P.
Celeste, Arc Ray A.
Cortez, Angelo Jiane O.
Dela Rosa, George Jaime E.
Detecio, Jose Valentino B.
Guerero, Xandrei Francis G.
Lavilles, Brian Carl B.
Lee, Khen
Luna, Kristoff Anton J.
Mordido, Andre Kiel R.
Velstein, Alexander T.
Villareal, Reese Jei S.
Yu, Christian M.
Aguantar, Marie Rosanna C.
Alcantara, Chy D.
Alfonso, Ynna Angeline L.
Amor, Mitch Sheynne S.
Berania, Juvic Hope B.
Dela Cruz, Erin Mae D.
Ferrer, Azul Louisse P.
Gonzales, Avery Ivonne S.
Idor, Christine
Joaquin, Angel Amelia H.
Lorenzo, Chantelle Carryle B.
Marcaida, Nikka Stephanie B.
Marqueza, Dianna A.
Perez, Marielle C.
Rivero, Nicole Kyle N.
Tenerio, Elaine Kaye P.
Zapanta, Grace Nathalie V.
Ilang seconds akong tumitig sa mga pangalan. Sana lang talaga tama 'tong desisyon ko. Alam kong kailangan kong magtake ng risk at isakripisyo ang pangalang pipiliin ko, at syempre magsasakripisyo ang taong 'yun nang hindi man lang niya alam. Nanginginig ako ngayon habang pinindot ang pangalan ng nasa pinakahuling nakalista.
YOU ARE READING
IV-Charles
Mystery / Thriller34 students, 12 roles, 1 section. There are secrets hidden and stories untold. All be told by playing a fun game. A battle of minds and lives. "Let me show you your worst nightmare." -Unknown number Will they be able to survive this hell or just acc...