Chapter XIV

50 4 0
                                    

Chapter XIV- The Plan

Butcher's P.O.V.

Nasa loob na kami ng bus. Hinanap ko siya agad nagbabakasakaling may nagawa na siya. Wala siya rito sa loob. Baka nga may ginawa na.

"Guys! Sino sainyo pwede muna magpaiwan, don't worry, andyan na ang van. Inaayos na lang. Kailangan na kasi nating umalis at isama ang mga batang ito." paliwanag ni Sir Jei. Nasa likod niya ang limang estudyante.

Nag-ingay ang karamihan. Marami ang gustong magpaiwan. Dahil gusto sigurong masolo ang van.

"Kami-kami na lang, Sir!"

"Ako, Sir!"

"Kami po, Sir!"

"I volunteer as a tribute!"

Natawa ang karamihan sa huling nagsalita. Napairap na lang ako. Volunteer pala, huh.

Tumingin si Sir sa buong bus. Siya na lang ata ang pipili. Napadako ang tingin niya sa pinakadulo ng bus.

"Uy, 'yung limang boys dyan sa pinakahuli. Kayo na lang!" sigaw ni Sir. Napatingin ako sakanila. Tumayo naman sila, except kay Cris at Chesse.

"Yown!" sabi ni George.

"Ayoko, Sir!" sigaw ni Cris. Habang si Chesse ay tumungo kay Sir.

Malapit lang ako sa unahan kaya narinig ko ang sinabi ni Chesse.

"Sir, si Cris hindi raw pwedeng magpagabi..." paliwanag ni Chesse. Tumango lang si Sir. Kasama pala rito ang nanay niya ni Chesse kaya siguro hindi na siya lilipat.

"Kami na lang ni Kristoff, Sir!" napatingin naman ako kay Khen na sumigaw. Doon kasi silang dalawa nakaupo bago sa pinakahuli sa bus.

"Oh, sige sige na. Halina kayo. Dalhin niyo na mga gamit niyong lima." sabi ni Sir. Nagsi-ayos naman ang limang boys.

"Padadalhan ko kayo ng sulat, guys!" sigaw ni Khen sa may likod.

"Ingat!" sabi ni Val.

"Mamimiss namin kayo!" sigaw din ni Arc. Nakakapanibago, para namang magkakahiwalay ang mga ito.

"Bye guys! Labyu all!" sigaw ni Kristoff habang pababa ng bus. Si George ay tawang-tawa saka binatukan si Kristoff. Habang ang apat ay kumakaway. Bahagyang natawa ang lahat. Dahil hindi namin inaasahan na sasabihin nila 'yun.

Mukha namang nalugi ang dalawang naiwan nilang tropa.

Lumipat naman ang limang estudyante at naupo sa dulo.

Muntik ko nang kalimutan, wala pa rin siya.

"Marami pang wala ah. Nasaan na ba ang iba?" tanong ng tour guide.

Tumayo ako at nagpaalam na mag-CR lang. Nang makasalubong ko siya habang pababa ng bus at siya nama'y paakyat. Alam kong siya 'yun dahil napalingon siya saglit sakin. Presensya pa lang niya, alam ko na.

Tuluyan na kong nakababa at hinanap si Serial Killer. Inilibot ko ang paningin ko. Hanggang sa nakita ko siya sa na papunta rito sa bus. Saglit siyang tumingin sakin at walang pasabing umakyat sa loob ng bus at iniwan ako.

Nakita ko naman sila George na naghihintay sa labas ng van na sasakyan nila tapos ay naglakad sila papasok sa farm. Muli ko pang inilibot ang paningin ko. May nakita akong isa pang tao na mukhang nagtatago.

Watcher, huh.

Naglakad na ko ulit patungo sa bus at umakyat. Tumabi ako kay Ms. Serial Killer. Tinitigan ko siya habang hinawi niya ang kurtina sa may bintana at nakatulalang tumingin sa labas. Mukha siyang nanginginig.

IV-CharlesWhere stories live. Discover now