Chapter X

70 8 1
                                    

Chapter X- The Killers

Third Person's P.O.V.

Araw ng Lunes, patuloy pa rin sa paghahanap ang ina ni Grace sa kanyang anak na halos dalawang araw nang nawawala.

Ngayon, nasa bahay ang kanyang ina. Pinilit itong pakalmahin at pahingahin dahil halos dalawang araw na rin itong hindi nakakatulog dahil sa pag-aalala sa kanyang anak.

"Ma, magpahinga ka muna, ang mga pulis na ang bahala sa paghahanap kay Grace." suhestyon ng kanyang isa pang anak. Nakatulala lang ang kanyang ina, mukhang iniisip lang ito ang anak na nawawala.

Saan ka na ba, anak?

Naisipan ng ina na pumunta sa kwarto ni Grace. Ipinagwalang bahala ang mga sinabi ng kanyang mga kasamang nag-aalala rin. Habang naiwan ang mga kasama niyang halata nang nag-aalala sa kalagayan nito.

Pagkadating ay inilibot niya ang tingin sa buong kwarto. Umaasang may bakas na makikita na makakapagbigay ng pahiwatig kung nasaan ang anak.

Sa kabilang banda, nag-uusap-usap ang kapatid, ama, at pinsan ni Grace.

"Ano 'pa, wala pa rin bang balita?" tanong ni Frank, ang nakakatandang kapatid ni Grace. Bumuntong hininga ang kanyang ama.

"Wala pa rin. Sabi ng mga pulis kanina ay pupunta sila sa school ni Grace ngayon para mag-imbestiga at magtanong tanong sa mga kaklase niya." paliwanag ng ama.

"Ano naman kaya ang nangyari sa batang 'yun? Pa'no kung nakidnap pala siya? O naligaw sa gubat? O 'di kaya may kumuha sakanya? O baka naman-" tanong ng pinsan niyang hindi mawari kung nag-aalala o nang-aasar lamang.

"Tama na nga 'yan, Liane. Baka marinig ka ni mama tapos mag-isip na naman 'yun-" hindi na natapos ang panenermon ni Frank nang may sumigaw.

Ang kanyang inang sumigaw mula sa kwarto ng kanyang anak.

Dali-daling nagsiakyat ang tatlo. Nagulat sila nang makitang nakaupo ang ina na may hawak at patuloy sa pagsigaw at paghagulgol. Agad silang lumapit dito at tiningnan ito. Nagitla sila sa nakita.

Hawak ng ina ang balat na parang anyong mukha at iba pang balat na mukhang galing naman sa katawan. Namukhaan agad nila kung kanino iyon. Napatakip na lang sa bibig ang pinsan nito. Napasuntok sa pader ang kanyang kapatid. At niyakap naman ng ama ang inang nagluluksa.

"GRACE!!!" sigaw ng kanyang ina bago ito mawalan ng malay.


***


Chantelle's P.O.V.

Uwian na nang dumating ang aming adviser. Mukhang may importanteng sasabihin or announcement si Sir ah, mukha ring badtrip tsk.

"Guys! Upo muna. Wala munang uuwi." sigaw ko sa harap ng klase, napatingin sila sa'kin. Agad naman silang umupo.

"Charles." bigkas ni Sir, halata ang pagkadismaya at lungkot sa mukha nito. Huminga ito nang malalim bago nagsalita.

"Alam niyo bang nawawala ang kaklase niyo?" tanong niya. Si Grace ba? Kung alam mo lang talaga, Sir. Saturday pa siya nawawala. Tumango ang halos lahat, hindi na nagulat sa balita. Eh pa'no ba naman, alam na naming wala na siya.

"So totoo na nawala siya nang Saturday n'ong nagpractice kayo?" tanong ulit ni Sir. Tumaas ng kamay si Angel at nagsalita.

"Opo, Sir. Kasama pa namin siya n'on kumain. Tapos after n'on, nagpaalam siyang may bibilhin. Pero hindi na nakabalik." paliwanag ni Angel. Sumang-ayon ang iba naming nakasama n'ong kumain kami. Bumuntong hininga siya.

IV-CharlesWhere stories live. Discover now