Chapter 4

2.5K 56 3
                                    

Azeilyn

Nakikinig ako sa new lesson na itinuro ni Ms. Atrino at wala akong choice kundi ang magcooperate even if I knew in the first place na I can ace every exams kahit hindi na ako makinig pa sa discussions.

Alam ko na agad ang mga lessons dahil nag-advance study ko last summer vacation. Fresh pa iyon lahat sa utak ko at walang halong kadumihan pero mga kalokohan, meron.

Iyon lang naman ang magagawa ko aside from going to the mall and going somewhere else like coffee shops or restaurants. Nasa illegal age pa ako, bawal pa akong mag-bar. Kahit may katigasan ang ulo ko, hindi ako gagawa ng isang bagay na kung saan ipapatawag si Lolo, tapos kakalat ang balita, then masisira ang pangalan namin dahil msg-iiskandalo na naman ako. 

I can't go to the bar, I don't want to be a mess at mag-iiskandalo. No'ng unang beses kaming uminom ni Shai sa birthday niya last year, I was so drunk at siya pa ang naghatid sa akin sa bahay.

Kahit na nakakawalang gana ang pagtuturo ni Ms. Atrino, nakinig pa rin ako. Bumuntong hininga ako at tiningnan ang lalakeng nasa harapan ko. His name is Dylan.

Kinalabit ko ang upuan niya, dahilan para mainis siya sa ginawa ko. Dapat lang.

I keep on kicking his chair by tapping it repeatedly using my shoes. Nakakunot ang noo na lumingon si Dylan sa akin.

"Ganyan ka ba katangkad para takpan ang vision ko? I can't see the writings on the board," may pagkapikon kong turan. Kanina ko pa kasi pinanghahawakan ang pasensya ko. I can't see the writings on the board kasi!

Kasalanan ko ba'ng matangkad siya?

Dylan massaged the temple of his nose. Doon ko lang napagtanto na pati pag-ayos niya sa eyeglasses niya at pagbasa ng kanyang labi ay pinagtuonan ko rin ng pansin. I am so fucking weird.

"You're not even listening," pagsusuplado niya.

"Me? I am listening kaya," I glared at him kasi naiinis na talaga ako sa kanya. Bakit ba niya ako kinakalaban!?

Bumaba ang tingin niya sa hawak kong cellphone kung saan nakabukas ang Twitter application ko. I am just reading a random tea from an unknown user. Ang saya kayang mangalap ng issue sa ibang panig ng mundo!

"Really?" randam ko ang pagkasarkastiko ng kanyang boses.

I clicked my tongue and clenched my jaw. He moved his body a bit and adjusted his position for me to see the board without hindrance.

Oh... thanks, I guess?

Tinuloy ko ang pagbabasa ng bagong stories sa Twitter at palihim na hinihiling na sana walang mangialam sa akin.

But I almost curse when someone snatched my phone. as expected naman kay Ms. Atrino, napaka-epal.

"Miss Hatico, did I allow you to use your cellphone during my class?" she asked habang nakapameywang.

Nasa akin lahat ang mga tingin ng buong klase, parang gusto kong itusok 'yang mga mata nila gamit ang ballpen ko. Don't expect me to be good, kasi hindi mangyayari iyon.

"As far as I remember hindi," walang gana kong sagot.

Palasagot or participative ako sa oral recitations pati na rin sa trashtalks dahil isa akong honest na tao. Hindi ako plastic, at hindi ako nag-aambag ng pollution dito sa bansa.

Iyan ang personality ko. Hindi ko aaksayahin ang energy ko para lang makipagkaibigan sa mga taong sasaksak sa akin kapag ako'y nakatalikod.

Inangat ko ang aking tingin at tinaasan ng kilay ang guro. Bakit ba may mga taong nagdidikta sa akin, ayoko namang tumahak sa daang ayaw ko. I know na dapat dinidisiplina ng guro ang estudyante. However, in my case kasi, unfair lang na ako palagi ang napapagalitan at nakikita nila at hindi ang isa sa mga kaklase ko.

XU Series #1: The Campus Bully Queen (Editing)Where stories live. Discover now