Prologue

6.6K 89 3
                                    

Azeilyn

Nakatingin ako sa kung anong nangyayari sa loob ng campus. I'm still here outside the gate. I saw an article yesterday which is binasa ko naman. Napayuko ako, but I won't show them my damn care. Nag-eexist ba 'yon sa 'kin? I am the definition of a Queen na walang makakapantay sa 'kin. 

Okay, let's just say that I am boastful, but I am only telling the truth. Wala silang ganda, makakapal ang kilay nila at walang arc, maninipis ang labi at kahit naka-lipstick ay nagmumukhang pato, buhaghag ang buhok kahit na nakatali ay parang walis ng mangkukulam.

Kinuha ko na ang bag at isinukbit sa aking balikat. Nakatingin sa akin ang lahat na may galit, selos, and oh, not my fault. I am walking in the middle of the soccer field when there's someone who approached me na may galit.

"Hindi sana kita sasampalin kasi may respeto pa akong natitira sa 'yo Azeilyn, pero..." in a span of seconds ay bigla niya akong sinampal na napakalakas. Tiningnan ko siya nang masama. Nakitsismis din ang mga stupidyante rito. 

Wow, parang first time nilang makitang may taong sinampal.

"Ilang degrees 'yon?" tanong ko sa kanya and I just smirked para hindi nila makitang apektado ako. Okay, it hurts, ang sakit kaya no'n pero isa akong living bakal na hindi matutunaw. 

Sinampal na naman niya ako sa kabilang pisngi kaya hindi agad ako nakapaghanda.

"What's your damn problem bitch?!" I shouted.

"Wala ka ba talagang alam o tinatalikuran mo lang? My bestfriend died because of you!" dinuro niya ako.

"Aba, bakit nasali pangalan ko?! Binaril ko ba siya, ha? Sinaksak? Pinalunod sa dagat?" pamimilosopo kong pagkakatanong. Hinawakan ko nang napakahigpit ang buhok niyang parang alambre. "Sagot!!!"

She pushed me after that.  

"We all know na napaka-bully mo! Kaya namatay kaibigan ko sa suicide dahil sa 'yo! Pinatay mo siya, hayop ka! Wala kang awa!" nakatayo ako pero pinagtutulak niya pa rin ako.

"Gusto mong makick-out?" I asked.

"Wala akong paki!" tumulo ang kanyang luha at nagngingitngit sa galit siyang humarap sa akin na walang bakas na takot. Lumapit siya sa mukha ko. "She suffered depression because of a bully like you, wala siyang ginawa Azeilyn, ikaw pa rin ang pumatay sa kanya kahit wala kang baril, kutsilyo, pero you killed her emotionally." umiyak ito sa aking harapan.

May humawak sa aking braso at si Shai iyon. She's my friend na loser noon, panalo na ngayon. 

"Let's go, Zeal." mahina niyang sabi.

"And why would I? Magmumukha lang akong talunan." inis kong sabi. May dumating na babaeng may katandaan na.

"It's early in the morning at nagsasampalan kayo! Mga walang modong estudyante!" sigaw ng assistant principal. Mabuti nalang nakilala ko siya, masyado na kasing naging gurang.

"Talaga?" sabat ko kaya sa akin niya inilipat ang kanyang tingin.

"Nandiyan ka pala?"

"Nandiyan ka nga rin, eh." asik ko naman sa principal na halatang may natatagong inis sa 'kin.

"Magtataka pa ba ako? Sa mga hindi involve umalis na kayo, at ang kasali, sumama kayo sa 'kin." sabi ng assistant principal sabay tingin direksyon ko.

XU Series #1: The Campus Bully Queen (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon