Chapter 6

2.2K 59 1
                                    

Azeilyn

"Anong gagawin mo?" kunot-noo niyang litanya.

"Hindi na ba alam ng Mom mo na may anak sa ibang pamilya ang Dad mo? You call that happy complete family, right? Wait no, we can call it a happy extended family!" ganti ko.

"A-Alam mo iyon?"

"Wait, so confirmed? Got 'ya! Narinig ko lang kasi kayo ni Jillian sa restroom kahapon," I chuckled.

Mas lalong nandilim ang kanyang mukha na para ba'ng papatayin niya na ako. If only looks could kill, kanina pa ako nasa 6 feet under the ground, then my soul came out just to hunt them.

Mas lalong lumapad pa ang ngiti ko. Fair na kaming dalawa kasi nadumihan ko na ang uniform niya at pinahiya na. Nakumpirma ko rin ang tsismis na narinig ko from the primary source—Paula.

I didn't mean to eavesdrop, umihi lang ako sa cubicle tapos pumasok sila at iyon ang pinag-usapan. Tsismis na talaga ang lumalapit sa akin. I hate chismosa, but I am also chismosa. I am a hypocrite, I know.

May magagawa pa ba ako? Eh, inatake ako ni Paula by targeting my family matters, so iyon din ang ginawa ko. I didn't expect naman na isang alas na pala iyon na magagamit ko kung sakasakali.

"Is that what you call a happy complete family, Paula? Does your Dad know about this?" I asked with a toneless voice.

"This issue is done, my Mom broke up with him already, matagal na! So, I can call this a happy complete family!" nangangalaiti ito sa galit sapagkat nakakuyom na ang kamay nito.

"Jokes on you. Alam na ba ng Dad mo?"

Hindi ito nakasagot. Nanginginig ang mga kamay niya at hindi makatingin nang daretso ang mga mata.

Gosh, why am I fighting over each other's family matters!? She is petty, pero mas petty ako. I can show her what more I could do if she continues to sabotage me.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Infairness, may itsura naman; may kilay, mata, ilong at bibig pero mukha? Hindi na lang ako magsasalita. Pumapangit si Paula sa paningin ko, eh. She's maganda and worthy of my eagerness to beat her... but that was before she targeted my weakness.

Tinaasan ko siya ng kilay kasi ilang segundo rin siya nakatingin sa akin.

"What?" natatawa kong tanong.

Parang lalabas na ang usok sa ilong at tainga niya sa inis. I like that!

"Azeilyn! Sumusobra ka na!" sigaw ng isa niyang kasama at itinulak ako kaya ako na-out of balance. Nakikinig pala sila?

But good for me, kumapit ako sa isang upuan.

"Tama na Azeilyn, maawa ka sa kaibigan namin," pagsuway ni Jillian sa akin.

Ako maaawa? Wala iyan sa vocabulary ko. I only do what makes me happily satisfied.

"Fuck! Awa is not bagay sa 'kin, it's not a trend," I said.

Kinuha ni Jillian ang Spaghetti na nagkalat sa ulo at balikat ni Paula. Tinulungan siya ng isa niyang kasamahan na tanggalin iyon sa kanya. Nakita kong nakakuyom pa rin ang palad ni Paula.

"Grabeh, ang effort!" I complimented at pumalakpak just to show a bit of my appreciation sa pagkakaibigan nilang parang sa sinehan lang mapapanood.

Kinuha ko ang Chocolate drink na ipinatong ko lang kanina at sinabuyan siya. Kung nagpipigil siyang manlaban dahil inaalala pa niya ang image niya sa publiko, playing hard to be the angel, at ako ang pinagmukhang masama.

XU Series #1: The Campus Bully Queen (Editing)Where stories live. Discover now