Chapter 5

2.5K 52 5
                                    

Azeilyn

"Tabi," maotoridad kong utos.

Pipila na ako ngayon sa canteen for our lunch. Pinaghintay ko muna si Shai sa pwesto namin kasi baka maagaw pa ng iba. Ayaw ko pa naman na may kukuha ng pagmamay-ari ko.

I own that table and the chair as well as the university.

"Oh? Andiyan ka pala?" sarkastikong pagtatanong ni Paula nang pumila na ako. Hindi ko siya napansin na nasa harapan ko na pala siya.

Why did I even choose this line?! Can you blame me? Eh, ang sarap kasi ng fried chicken nila diyan!

"Malamang, kakain ako, eh." bawi ko.

"And so?"

"And so gobble up your fake bravery because it smells fishy. Hindi mo naman ako kaya," pang-aasar ko.

Alam niya iyan. Naninigurado lang ako baka may problema siya sa memorya. Baka i-recommend ko sa kanya ang memo plus gold kung pwede lang sana. Pero dahil sa mabait ako, huwag na lang. Plano ko pa namang damihan at ipasabay sa kanya ang iba't-ibang mga gamot.

Nagtatangis ang bagang ni Paula at halatang pinipigilan niyang makaganti. Huh! Weakshit!

"Guys! Guys! Libre ko ngayon, birthday ko kasi," sigaw ng kaklase naming si Jillian na nakisama kina Paula. Lumingon siya sakin. "Azeilyn, gusto mong sumama? I just wanted to invite you pero baka hindi ka pupunta?"

Nagulat ako sa biglaan niyang pag-imbita sa akin. Mga feeling close kapag nakatalikod ako, doon lang naman sila matapang. Alam kong sinisiraan nila ako nang palihim.

"Hindi naman talaga ako pupunta. I don't want to go to your birthday party with cheap people by the way,"

Paula gave me an annoyed expression. She glanced back at me pagkatapos niyang senyasan si Jillian na huwag na akong kausapin.

"But still, happy birthday," I said while wearing my fake smile.

Sana hindi na lang ako pumila kung pwede naman akong mag-shortcut! Gosh, am I being affected by Dylan? Hindi naman ako usually sumusunod sa rules ng canteen na dapat pumila.

He is changing my energy and he's getting on my last nerves! Ano na ba'ng nangyayari sa akin? Kanina pa 'to sa debate. Kanina... kanina parang gusto kong magpalamon sa sahig.

Dylan ate me alive during the debate!

It's my first time na makaramdam ako ng hiya sa klase. Because of Dylan!

I feel like I've lost my guts in debate in showing off my relevant impromptu answers. Because of him!

It's my first time to feel mad because I am so disappointed of myself and my capabilities. All because of him!

When it's my turn to order, I brought back my arrogant demeanor and forget about Dylan. Kinakalimutan ko muna siya. Okay...? Sinusubukan ko!

His face is all over my head kasi!

But when Paula turned around, nasagi niya ang balikat ko na siyang ikinangisi niya dahil tinapat niya ang food tray sa blouse ko kaya nagkamantsa ito ng Kimchi. May mas nakakapang-init pala ng dugo kaysa kay Dylan.

Kunyare ay nagulat siya sa ginawa niya pero nakita ko ang ngiti niya sa likod no'n. Gamit ang panyo niya, ipinahid niya iyon sa uniform kong may mantsa at akmang aalisin ito. Pero mas lalo lang itong kumalat.

Sa puting uniform ko pa talaga? Long-sleeves 'yong blouse namin. Kumalat nga ang mantsa at halos buong braso ko ay may mantsa ng Kimchi.

"Oops,"

XU Series #1: The Campus Bully Queen (Editing)Where stories live. Discover now